31- hunch

16.7K 527 137
                                    


Dumaan ang dalawang araw. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Gian. I tried asking the other boys kung sino ba talaga si Zoey Chen pero wala naman akong matinong sagot na nakuha.

"The Yu girl?" tanong ni Kuya Onyx when I asked him. "I don't really know. Gian's fling, I think."

I should've known better than to ask. Though the other boys asked me afterward kung ano ba ang pinag-awayan namin ni Gian. They're curious as to why he's suddenly so elusive sa tuwing inaaya magpunta sa bahay. I didn't answer them. Ayokong magpaliwanag. I had my hunch pero hindi pa sigurado 'yon kaya ayoko rin magsalita talaga. Mathev and Kuya Jacob chose to keep mum, too, kasi sa tuwing nabi-bring up sa usapan 'yon, nanahimik lang sila.

Sa iilang araw na walang pasok, naging abala naman kami sa pagpaplano kung saan kami pupunta. We all agreed to go to Ilocos. Well, except for Gian. Ang kuya niya ang nagdesisyon para sa kanya.

Well? I didn't care if he was mad. Ako ang tama. I wasn't going to fold.

The morning of October thirty-first, the entire family, including my cousins, went to Bulacan. It was tradition that we go to our ancestral house in Bulacan every November first. Doon kasi nakalibing ang lolo at lola namin. We always have our Halloween party there kasama ang mga kapitbahay na naging kaibigan na rin nina Tito Matthew.

Habang nag-aayos sina Mom ng magiging pagkain para sa party mamayang gabi, naglakad-lakad ako sa bahay. Tinitingnan ko ang mga photos na nando'n. I smiled when I saw an old family photo. Bata pa ro'n sina Dad, Tito Nicollo at Tito Osen. Nakapalibot sila kay Lolo Maxing. Si Tito Matthew naman, baby pa at karga-karga ni Lola Esperanza. It was a cute photo.

Nakakatuwang isipin na nagsimula ang pamilya na maliit lang. Although may kaya na talaga ang pamilya ni Mom, the De Villa side actually started from scratch. At least, yung sa family namin.

May mga pamana daw kay Lolo. Old money din naman kasi ang pamilya niya pero dahil hindi gusto ng magulang niya si lola kasi mahirap lang, binawi raw at pinalayas sa pamilya. Buti na lang at masipag si lolo. Sa pagtitiyaga niya, nabuo niya ang unang kompanya namin. Hanggang sa lumaki at 'yon ang pinamana niya sa mga anak. Eventually, he made amends with his estranged family and inherited the rest of the family wealth.

Now, the family owned one of the biggest conglomerates in Asia. All thanks to Lolo Maxing.

Pagkatapos kong tumulong sa paglilinis ng bahay, tsaka naman ako tumulong sa pagluluto at pagse-set up ng pagkain. Ang boys ang nag-aayos ng tables at chairs sa labas. Sina Kuya Travis at Kuya Andrei naman ang nagkakabit ng tarpaulin at iilang mga decorations. Lahat kami busy pero nagagawa pa nilang magharutan.

Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan ni Gian. Sa tuwing magkakalapit kami, agad siyang lumalayo. Ni tingnan nga ako, hindi niya ginagawa. He even went as far as going out to buy the drinks for tonight. Siya na kahit noon pa hindi mautusan bumili ng kahit ano sa kahit saan.

What's he waiting for? Na ako ang mag-sorry?

Bandang tanghali, tumayo si Kuya Andrei sa pagkakaupo sa sala at nagpaalam na aalis. Sinundan siya ng mga mata ko. Kaya pala kanina pa bihis ang isang 'to. May lakad pala.

"Where are you going?" asked Dad. Nakatingin na rin sa kanya ang mga tito at tita namin.

"Kina Geon."

"Bakit, Kuya?" I asked, suddenly worried.

"I'll visit his brother. Respect lang kay Tita Alice," diretso niyang sagot.

Wait. Sa kapatid niya? I wasn't aware na may deceased sibling pala si Angelo.

Tumango si Mom, as if understanding the situation. Gano'n din si Dad. The look on their faces told me na kilalang-kilala na nila si Angelo, which confused me. Parang ako lang yata talaga ang hindi siya kilala.

decoding the boys ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon