27 - plan || edited

22.8K 581 158
                                    


It was Wednesday.

The fashion icon had just begun. Wild na wild ang crowd habang nakatayo sa field at inaabangan ang mga contestants. Busy sila sa kaka-picture at kaka-chant ng mga pangalan ng mga pambato nila. Kami rin. Nababaliw na kaming magkakaibigan kakasigaw ng name ni Hiro.

Kuya Onyx and his friends were with us. Yung buong blocks nila at ni Hiromi, kasama namin para sumuporta. The other boys, probably nasa klase. Yung iba nakakalat lang sa mga stalls na nakapaligid sa university.

"Pst. Pinopormahan ba no'n si H?" bulong sa 'kin ni Anjo.

Pagtingin ko sa gilid, isang matikas na lalaki ang sumalubong sa 'kin. This tall boy was talking to Hiromi's dad na kasama din namin, a bouquet of flowers in his hands.

"I can't say. 'Di ko siya kilala."

He looked Japanese. Hindi rin siya naka-uniform at pamilyar sa 'kin so baka kakilala nila. He didn't look like he was from here.

"Baka naman pinsan," Lhyle suggested.

"Pinsan, may flowers? Ano 'yan?" Maxxie said.

"Just saying. Malay n'yo. Akala ko ba si Onyx ang type n'yan?"

Napabungisngis ako sabay baling kina Kuya Onyx na nakatayo sa 'di kalayuan.

"Sabi niya 'di niya raw crush. Mas okay nang hindi. Kuya will hurt her lang."

"Sayang din, a. Bagay pa naman sila. Ayiie," Anjo squealed.

Napailing lang si Ahron. She knew firsthand how bad Kuya Onyx was with girls. Front seat siya dati sa mga 'yon dahil nagkasama sila sa isang commercial a year ago. It's safe to say she hates his guts.

But then again, gano'n talaga. Players hate fellow players. Kaya 'di ko masyadong sineseryoso 'yon.

'Di nagtagal, tumunog na ang signal na magsisimula na ang pageant. Tinawag na ako ng troupe dahil kailangan na naming magbihis para sa sayaw. Humiwalay ako sa mga kaibigan ko at sumama kina Janella papunta sa isang vacant classroom, bitbit ang mga paper bags ko. Doon kami nagpalit ng damit habang ang boys nasa kabila.

Tapos no'n, we met the boys in the backstage. Kuya Jim gave us brief reminders bago kami sumalang sa stage.

Malakas na sigaw at cheers ang bumungad sa 'min. On fire na ang lahat dahil katatapos lang ng bikini segment. Pagkatapos ng sayaw namin, question and answer portion naman.

We executed the dance as perfectly as we could. Natatanaw ko ang mga kapatid at pinsan ko sa harap kasama ang mga kaibigan nila. The basketball team was here, also watching. Kasama ni Kuya Andrei naman ang mga outsider niyang barkada.

I grinned when I made eye-contact with Angelo. That boy's also here. Tuwang-tuwa ang mga girls, lalo na si Anjo, dahil sa presence niya.

He grinned when he noticed my attention.

Humiyaw siya at narinig ko ang malakas na "Go, Jaaaaamie V!" mula sa audience.

That boosted me up and so I gave my everything to this dance.

***

The dance was great. Perfect. Flawless.

Nagustuhan ng mga tao ang ginawa namin. Pagbaba ng stage, agad na lumapit ang mga kaibigan ko para magpa-picture. Nagpakuha na rin ako kasama ang mga kapatid at pinsan ko. No'ng nagkaron ng chance, pati na rin kay Hiro.

The question and answer portion started immediately after the dance.

I was half running toward the field. Gusto ko nang mapanood si H, at gusto ko rin kamustahin sina Angelo. Kuya didn't tell me he invited him! Daya!

decoding the boys ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon