41 | akala ko

13.3K 494 249
                                    

Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon. Pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa buong magdamag. Ni hindi nga ako nakapag-isip nang matino dahil gulong-gulo pa rin ako.

Tumawag nang tumawag si Racel pero kahit isa wala akong sinagot. It was unfair to him pero hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Ayoko rin sana siyang kausapin habang nagpapasya ako ng sunod na gagawin. Talking to him would cloud my judgment. Natatakot akong baka kapag narinig ko ang boses niya ay makalimot na ako sa mga sinabi ni Lhyle.

When I heard movements and voices downstairs, doon lang din ako bumaba. It was already ten a.m. 'Di ko ugaling late magising kaya malamang ay nag-aalala na rin ang mga kapatid ko.

Mom and Dad were already gone but three of my brothers were waiting in the dining room. Nakahanda na ang almusal pero wala pang kumakain sa kanila. Waiting for me? Probably. Ngumiti sina Kuya nang makita ako.

I sat beside Kuya Travis na bihis na bihis ngayon. He's probably going to the company, too.

"Hey, you good?" tanong ni Kuya Chris from across me.

Tumango ako at pinasadahan sila ng tingin. Where's Kuya Jacob? Itatanong ko sana but Kuya Andrei spoke up.

"Hulaan mo kung sinong nagluto kanina," he told me, all smiles.

Nag-angat ako ng kilay at tiningnan ang mga luto ngayon. Just the usual breakfast namin, except ngayon ay parang sunog yata ang iba sa mga ito?

"Bakit sunog?" I blurted out.

Nagngisian sina Kuya Chris at Kuya Andrei. Tumawa naman si Kuya Travis.

"Don't let Jacob hear that."

My eyes widened. Si Kuya ang nagluto ng breakfast ngayon?

"Para daw kumain ka. Hindi mo rin naman ginalaw yung dinala sa 'yo kagabi, e. Para daw ma-guilty ka," sabi ni Kuya Chris.

"Then where is he?"

"Lumabas lang saglit."

I nodded, getting quiet again. Kagabi ay napagtanto ko na dapat magsabi na ako sa kanila. Amidst my chaotic thoughts, 'yon lang ang naging conclusion ko. I should tell them. It's only right, 'di ba? Para mahinto na ang lahat. I'd stop lying and I'd also stop thinking about what-ifs.

This was it. The make or break. Dapat sa 'kin nila marinig. And now that they're all in good mood, mas malaki ang chances na pakinggan nila ko. I knew my brothers. Hindi sila basta basta makikinig.

This was a shot in the dark but I'd take it. Dapat ngayon na hanggat 'di pa ako nilalamon ng takot ulit. Right now, I felt numb. I should take this chance.

"Kuya. May sasabihin sana ako," I announced in a raspy voice.

"About what?"

"Buntis ka?"

Sabay na tanong nina Kuya Andrei at Kuya Chris. Agarang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. What the fuck? Saan galing 'yon?

Seeing my bewildered reaction, humalakhak si Kuya Chris. Halatang nagulat din si Kuya Travis sa naging tanong. Lumingon siya sa 'kin to confirm if it was true.

"What the fuck, Kuya!"

"Oh ano? Totoo ba o hindi?" Tumatawa pa rin si Kuya Chris.

"Syempre hindi!"

Lumakas pa lalo ang tawa ni Kuya. "Alam ko. Pinapatawa lang kita."

I glowered at him. In that moment, dumating si Kuya Jacob na may dalang puting plastic. His face lit up upon seeing me.

"Oh, gising na ang prinsesa," he greeted with a smirk, sabay angat ng dala niya. "Sakto, may pasalubong ako. Pampa-good vibes."

Inabot niya sa 'kin 'yon. Ice cream. Lumabas siya para bilhin ito?

decoding the boys ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon