I didn't regret anything.Nagmahal ako nang totoo. I didn't want to regret anything.
Racel may be the biggest mistake of my life but he's also the sweetest lesson. I never gave him the chance to explain. Mali ko 'yon. Hindi pa kasi ako handa. Natatakot akong marinig ang mga sasabihin niya. Natatakot akong malaman na niloko lang niya ako. Pero mas natatakot ako kapag humingi siya ng tawad at tatanggapin ko ulit siya.
I was too broken at this point to do anything. I couldn't move. And that's okay. This is love. We fall, we bleed. Nando'n ako sa stage na 'yon.
But I knew makakayanan ko 'to. I got great people behind me, pushing me forward. After this, I'd stand up and be new again.
It's the cycle of life.
Yes. It left me raw and barely breathing. But the pain made me feel alive. His betrayal and my pain were the greatest proof that I truly loved him.
In a way, thankful ako na pinaramdam niya sa 'kin 'yon. My dream of having a crazy, passionate love. But just like everything else, all good things must come to an end. All ups must eventually fall down. It was too good to be true from the start, anyway.
Hindi pa rin alam ng mga pinsan ko ang nangyari. Kapag kasi nagtatanong sila, hindi ako sumasagot. Wala din naman akong naririnig na brawl o kahit ano kaya panatag ang loob ko na sinunod ni Kuya Jacob ang hiling ko.
When I told the girls what happened no'ng birthday ni Maxxie, they were beyond furious. But they helped me move on, little by little. I spent most of my weeks avoiding Racel. Kahit pa naghihintay siya sa labas ng bahay, wala akong pakialam. Hindi rin siya pinapansin ng mga kapatid ko pero at some point, Kuya Travis got fed up and went out to have a dialogue with him. Ewan ko kung ano ang sinabi ng kapatid ko. He never came back to the house after but his efforts to reach out to me never ceased. Minsan ginagamit niya sina Justin at Christelle. Nabalitaan ko pa nga na nag-away sila ni Harvey pero hindi ko na alam ang buong kwento dahil unti-unti ko na siyang binubura sa buhay ko.
It was for the best. Napakahirap pa rin sa 'kin na makita siya. Nilalamon ako ng galit at sakit at ayoko no'n. Hindi ako gano'n. I was better than this monster he had made me become.
Ngayon, ginugugol ko na lang ang oras ko sa mga kaibigan ko. Birthday nga ngayon ng daddy ni Hiromi kaya nandito kami sa bahay nila para i-celebrate 'yon. Konti lang naman ang mga bisita. Mostly mga katrabaho rin ng daddy niya.
We stayed in her room and talked about all various things. Inisa-isa din ni Anjo ang mga baby pictures ni Hiro kasi bihira lang kami dito. She has a flat in Taft at doon kami lagi nagpupunta kaya dalawang beses palang talaga kaming nakakapunta dito sa bahay nila.
"Damn, H. Mukha ka talagang manika," gushed Anjo as she leafed through the pages.
Sumilip si Ahron sa mga litrato at nagkomento kung paano pa mas mapapaganda ang maganda na nitong kutis.
Tahimik at tipid na ngumiti si Hiro. Halatang hindi ito kumportable sa atensyon na binibigay sa kanya.
Napangiti ako habang umiiling-iling naman si Maxxie. She isn't that thrilled with skin care. She has her own routine, yes, but she's not the type to go crazy for brands and layering. The simple, the better. She's laidback like that.
Kalaunan nagpaalam ako para magpunta sa restroom. Bago pa ako tuluyang makalabas ng kwarto niya, may pamilyar na bag akong nakita na nakasabit sa closet niya.
Napatigil ako habang iniisip kung saan ko nakita 'yon. Blood rushed to my head, making my vision swim.
Shit.
BINABASA MO ANG
decoding the boys ✔️
Teen FictionJavee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Will their crazy, passi...