I woke up to loud Christmas carols courtesy of Dad. One thing I liked about this season.Puno ng messages ang phone ko. Mga kanya kanyang texts galing sa mga kaklase, ka-troupe, at kina Lhyle, Ahron, Maxxie, Anjo at Hiromi. Isa isa ko silang nireplyan at binati.
Kuya Onyx: Kiddo, Merry Christmas. Greet the assholes for me.
Kuya Paul: Merry Christmas :)
Mathev: Pst. Merry Christmas!
Gian: Celebrating without us. Tss. Merry Christmas oy
Kuya Nick: Your gift's with me. Dalin ko na lang sa trip. Merry Christmas.
Angelo Gwapo: Jamie V!! Merry Christmas. Enjoy me, I mean the day!! xx
I replied to them, too. Sinabi ko na rin sa mga pinsan ko ang lakad namin sa Fontana bukas. Nag-inat lang ako saglit, then I jumped to my feet na to prepare for the day. It's still early, only around seven a.m, but I could hear the merry singing of my dad downstairs.
Always the young at heart.
I pulled on a simple black turtleneck top, and mom jeans with artsy holes today. Sinuot ko na rin ang paborito kong combat boots to finish the look. When I was satisfied with my outfit, bumaba na ako.
Naka-set up na ang table at naghihintay na doon sina Kuya Travis at Kuya Chris na parehas nakatutok sa cellphone. Sina Mom and Dad naman ay nagkakatuwaan pa sa living room at sumasayaw. Napangisi ako sa kanila.
"Why do you only do that on Christmas? You never do that on your anniversaries," sabi ko habang umuupo sa tabi ni Kuya Chris.
Tumawa si Dad habang iniikot si Mom.
"What do you mean? I do this everyday."
"Everyday," ulit ni Kuya Chris sabay tawa. "You don't. Certainly not when you're fighting."
"Your Dad does. Ito lang naman ang paraang alam niya para makipagbati. Ang mangulit. May pinagmanahan kayo." Mommy laughed in glee nang iikot ulit siya ni Dad. "Kaya kayo, humanap kayo ng mga taong totoong magmamahal sa inyo. Yung kahit magkaaway kayo at sa mga panahong 'di ka niya gano'n kamahal, yung kaya ka pa ring respetuhin."
My jaw dropped at what she said, both surprised and amazed. Nagtawanan ang mga kapatid ko sa sinabi ni Mom. Natigil lang sila sa paglalaro nang magkasabay na lumabas sina Pierre at Kael. Parang nahihiya, umupo na rin sila.
Pierre shot me a glance that seemed to ask, 'What's going on?'
Nagkibitbalikat lang ako.
Ilang minuto kaming naghintay para sa dalawa ko pang kapatid. Bumaba na rin kaagad si Kuya Andrei na mukhang inaantok pa. Bagong ligo ito at amoy na amoy ko ang paborito niyang pabango nang umupo siya sa tabi ko.
"Napuyat, a," biro ni Kuya Chris.
Ngumisi lang si Kuya.
"Wake Jacob up. Baka mamaya pa 'yan," sabi ni Kuya Travis.
Tumingin silang lahat sa 'kin. Napaawang ang bibig ko. What? Bakit ako?
"Ayoko nga. Ikaw ang nakaisip, you do it," sagot ko. "That's the lion den."
Ngumisi si Kuya Travis. "Ikaw ang bunso. Do it."
"But it's Christmas!"
Tumingin si Kuya kay Dad. Tumatawa na sina Kuya Andrei at Kuya Chris.
"Javee, your kuya asked you to do something."
I glared at Kuya Travis. Damn him and his stupid hierarchy. This is Dad's fault. Bata pa lang kami'y tinuro na niya sa amin kung paano sumunod sa mas matanda sa amin. Since Kuya Travis was the eldest, he had power over us four. Paano naman akong bunso? Psh.
BINABASA MO ANG
decoding the boys ✔️
Teen FictionJavee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Will their crazy, passi...