May bagong food park na nagbukas malapit sa school. Matagal nang ginagawa 'yon at narinig ko ngang magbubukas na no'ng nag-enroll ako. Sakto pang pasukan yung grand opening kaya no'ng mismong gabi ng first day, kumpleto kaming nagpunta doon. By complete, I meant the barkada and the De Villa. Tutugtog kasi ang Constello kaya heto, magkakasama kami ngayon at hinihintay na matapos ang preparation nila sa stage.It was a mesmerizing place, this food park. Greek Bites. Part siya ng chains of restaurants, food parks at bars na pagma-may-ari ni Jarett Esquivel na owner din pala ng mga bars sa Timog namely: Olympus, Exude, Exodia at Grandeur. I'd been there once or twice pero 'di gaano dahil mas gusto ko pa rin sa Candid at Aftershot since malapit sa amin.
Nasa kabilang table sina Lhyle, Anjo, Hiromi at Ahron, Maxxie kasama ang iba nilang mga blockmates habang nakaupo ako kasama ang mga kapatid at pinsan ko. Actually, dapat doon ako uupo kasama ang mga friends ko kaso hinatak ako ni Kuya Paul para tumabi sa kanya. Nagulat na lang ako nang umupo sa vacant chair na katabi ko 'tong si Kuya Jacob.
I stiffened right away. Ramdam ko ang attention ng boys sa amin kung magpapansinan ba kami. Gian wasn't mad at me anymore. In fact, siya pa nga ang nagyaya na magsama-sama na lang ang mga grupo namin.
"Ayos ka naman ba?" Narinig kong bulong ni Kuya Jacob sa 'kin.
I froze in shock, snapping my head toward him. Tiningnan ko siyang mabuti. His gaze was on his beer and his lips was set in a firm line before he flicked his eyes over to look at me.
"Medyo," I whispered. "Medyo lang. Galit ka pa sa 'kin, e."
Kuya nodded and said nothing else. Nilayo niya ang tingin niya pero tinapik niya ang likod ng ulo ko as if he was telling me we were okay na. Naguguluhan ako sa ibig niyang sabihin. This new thing between us felt delicate kaya ayaw kong magtanong para linawin. But the others did it for us.
"May nakikipagbati!" biro ni Kuya Onyx na ngiting-ngiti kaming pinapanood. "About damn time, you moron."
Napangiwi ako at tinapunan siya ng masamang tingin. Shut up, Kuya Onyx. Baka ma-jinx mo pa!
Tumawa si Gian. "Tangina mo, Jacob. Nakakahiya kang pinsan. Para kang kupal kung mag-inaso."
Humalakhak si Kuya Nick. "Aba, may nagsalita. Nagsalita si Pontio Pilato."
"Shut up, Nick. Baka umiyak si Gian," kantyaw pa ni Kuya Paul.
Umalingawngaw ang tawanan sa table at lalong nag-asaran ang boys. Nang dumating sina Kuya Andrei at Kuya Chris, may dala na silang bucket of beers. Ang mga loko. Kaka-start pa lang ng klase, bibinyagan na kagad nila.
Napalingon ako sa kabilang table. Dumating na ang mga orders nina Ahron. Hindi naman umiinom si Maxxie at Hiromi pero may hawak na ring drinks 'tong sina Ahron, Anjo at Lhyle.
"Iinom ka ba?" Minata ni Kuya Jacob ang bucket of beers na nasa gitna ng table. Ginala ko ang paningin ko sa mga fries at donuts na in-order ko kanina.
"Baka hindi. Maaga ang sched ko bukas."
"Ah, anong oras?"
"Seven a.m. ang first class ko."
"Hapon pa ako. Kay Andrei ka na lang ulit sasabay?"
"Kahit mag-Uber na lang ako. Sa condo uuwi ngayon si Kuya, e."
"'Di na. Hatid na kita bukas. Gigising na lang ako nang maaga."
Halos mapunit ang mukha ko sa naging ngiti ko nang marinig ko 'yon. Kuya smiled back as well, maliit lang but it was the first one I'd seen since our big fight. Medyo awkward pa kami, ramdam ko 'yon kasi hindi pa rin siya gaanong kumikibo pero at least, 'di ba? This was better than nothing. It was progress, right?
BINABASA MO ANG
decoding the boys ✔️
Teen FictionJavee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Will their crazy, passi...