Maraming notifications ang Facebook ko kinabukasan.Nag-post kasi si Kuya Chris ng family picture na kinuha namin last Chrismas in remembrance sa upcoming wedding anniversary nina Mom and Dad sa paparating na weekend. Kaya 'yon, napuno tuloy ng notifications ang Facebook ko. Mostly mga comments and likes lang naman. Saka mga private messages sa mga kamag-anak namin na bumabati sa mga parents namin.
Napangisi ako nang makita ko ang palitan ng messages ng mga pinsan kong sina Pierre at Kael. They were my cousins from the mother side. Tiningnan ko ang mga display pictures nila. They're grown men now. Ang tagal na talaga no'ng huli pa naming pagkikita. Sa London pa 'yon.
'Di bale. Konting panahon na lang naman at magkikita na kami. Christmas was almost here! Dapat kasi, this week na sila uuwi kaso lang nagka-conflict naman sa schedule kaya sa pasko na lang daw. I was really excited!
Kael Rivera Zobel
Miss you all. This Christmas, we'll be there with you. Wait for us.
Jamie Vanna De Villa
@Kael Zobel Cuz!! Pasalubong<3
Pierre Mercier Zobel
Jacob looks stupid here as always. But great photo. See you soon.
Jacob Ian De Villa
@Pierre brah, wag na wag kang babalik dito
Jamie Vanna De Villa
@Pierre Lagi naman 'di ba? Bwahaha! See you real soon, Pierre
Tumatawa-tawa ako habang dinaraanan ang iba pang mga comments do'n. Masyado yata akong natuwa sa convo nina Pierre at Kuya Jacob 'cause I almost missed this one particular notification.
I went back up and read it twice baka sakali namamalik-mata lang ako. Pero tama nga. It's really from him. Kung kanina medyo inaantok pa ako, ngayon wala na. Gising na gising na ako. Fudge.
Racel Christian Gutierez accepted your friend request
Napahinga ako nang malalim. Ang aga-aga ay bumibilis ang hataw ng dibdib ko. Lagi na lang bang ganito?
I placed my phone down. I didn't need distractions right now. May exams ako mamaya. Kailangan kong mag-focus.
Umamba na akong tatayo para mag-ayos when my phone pinged, stopping me. Thinking it was either Pierre or Kael kasi minessage ko sila kanina, I checked the message.
Racel Christian Gutierez
Now we're really friends :)
I stared at my phone. Matagal.
How should I reply to this? Ito kasi ang magiging unang pag-uusap namin simula no'ng gabing 'yon.
I licked my lips. Should I go for a safe reply or a quick reply? Ewan ko. I felt nervous at 'di ko maintindihan ang nararamdaman. Paulit-ulit ko pang binasa ang message bago nakuntento sa naiisip kong sagot.
In the end, I settled down with a lame reply.
Jamie Vanna De Villa
Sorry now lang. But yeah :)
After a few seconds of waiting, I closed the app again, not expecting for a reply na. Maybe he's doing something else.
I was about to jump off the bed when my phone lit up again. Shiz. Nag-reply siya.
Racel Christian Gutierez
You're up this early? You got school?
It's still five in the morning pa kasi. Sinadya ko talagang gumising nang maaga para makapag-review sana.
BINABASA MO ANG
decoding the boys ✔️
Teen FictionJavee De Villa thought she knew everything about boys, to the point that she came up with her own player archetypes and male decoder. But everything comes crashing down when her brothers' long-time nemesis enters the picture. Will their crazy, passi...