I am here, in front of the tall metallic gate. Hawak ko ang duffle bag laman ang ilang mga damit ko. Nalulula ako sa taas ng tarangkahan pati na sa hindi pamilyar na paligid. Wala naman kasing ganito karangyang bahay sa lugar namin. It was surrounded with vast of green. Rice field and mountains. Now, I'm standing in the city.
"Kakatok ba ako? O tatawagin ko kung Sino man sa loob?" Alangan kong Sabi. I checked the address one more time and I know I am at the right place.
Ayon kase sa employer ko ay mayaman talaga ang amo ko. Metikuloso at pribadong tao. Baka isang politiko.
Humakbang ako palapit lalo sa gate. Hahanapin ko nalang ang doorbell.
May nakita akong dalawang CCTV sa magkabilaan ng biglang may magsalita sa kung saan.
"Ms. Eleah Villaroman?" Ayon ng speaker sa kung saan. Syempre nagulat ako. Natutop ko ang dibdib at luminga kung saan yun galing.
"Uh, oo." Sagot ko.
May tunog na nanggaling sa gate at bumukas ito bigla!
Napaatras ako at gumilid baka may dadaang kotse. Dalawang guard ang nakita kong papalabas.
Papunta yata sa akin.
"U-uhh Sir-"
"Pumasok kana." Sabi nung isa. Tahimik akong sumunod sa kanila. Pagkaapak ko sa sementadong lupa ay sumara din ang gate. Para talaga akong taga bundok dahil namamangha ako sa bawat nakikita. Lalo na ng tumambad sa akin ang malaking bahay sa malayo. Ang paligid ay may mga malalaking halamang hugis tao at kung ano pa. Marami ding bulaklak at may fountain pa akong nakita. May dalawang hardinerong abala sa pagpapanatili ng mga halaman.
"Ang ganda naman po rito," bulalas ko.
"Ako nga pala si Jun, yan si Lito." Sabi nung guard. Ngumiti ako at nagpakilala din.
"Hello po, Ele nalang itawag nyo sakin."
May tinanong pa silang mga bagay tulad ng taga san ako at ilang taon na ako habang nilalakad namin ang daan.
"Taga Aklan po ako. 24 palang po ako." Sagot ko.
"Ang bata mo pa pala, ineng!" Komento ni Manong Lito.
Tumawa ako at nanahimik na. Malapit narin kami. Ang laki pala talaga ng malapitan na. Nakakalula.
"Papalabasin namin ang mayordoma at sya na ang bahala sayo." Manong Jun. Nagradyo sya na narito na nga ako at ilang sandali lang ay bumukas ang isang pinto ng malaking double doors. Lumabas ang nasa mid 50's na matandang ginang. Nakasuot sya ng navy blue na maid's dress. Mukhang istrikta pa. Naglakad ako pasalubong na kabado.
"Tara na." Istriktang utos nya.
"Opo." Sumunod ako papasok.
Pagkaapak ko palang sa tiles ay medyo nadulas ako. Tinignan ako ng seryoso nung mayordoma sabay baba ng tingin sa paa ko. Nahiya bigla ako dahil nung tignan ko ang suot na sapatos sa makintab na sahig ay medyo madumi ito tignan. Nilinisan ko naman ito bago bumiyahe pero dahil kupas at medyo pudpod na ay mukhang madumi.
"A-ah pasensya napo." Yumuko ako sa hiya.
"Kailangan kapag nandito ka ay huwag tatanga-tanga. Maraming mamahaling bagay dito at kapag may nasira ka ay mas Mahal pa sa sweldo mo ang kapalit!" Sermon na nya kaagad.
I did not dare to raise my head. Sinabihan pa nya ako ng ilang mga dapat kong gawin at tandaan.
"Ililibot muna kita para matandaan mo ang bawat pasilyo." Sabi nya at tumalikod na.
Dahil masyado akong nag iingat na baka makasira ako ay mabilis akong sumunod sa kanya, hindi na nag abalang maglibot ng tingin sa paligid.
Ang dami naming niliko at pinuntahan. Nadaanan ko na ang isa pang living room at isang mini bar. May dirty kitchen pa at common bathroom na subrang laki. Sa laki nga tingin ko buong bahay na namin ang sukat.
"Ito ang magiging kwarto mo." Nasa harap kami ng isang pinto at binuksan iyon ng mayordoma.
Pumasok kami sa loob. Malinis at katamtaman ang laki. May higaang kasya ang dalawang tao katabi ang side table na may lamp pa. Sa kabila naman ng kama ay malaking cabinet at human size mirror na. Sa kanang bahagi makikita ang pinto na tingin ko ay banyo. Beside na door is a sofa.
Humarap sa akin ang mayordoma. She surveyed me first before telling me to get rest.
"Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Bukas ang umpisa mo sa trabaho. Maaga ang gising. Mamaya ay lilibutin kita sa itaas na palapag para matandaan mo. Nasa cabinet na ang uniform mo." Iyon lang at lumabas na kaagad sya.
Pagkalabas ay pabagsak akong naupo sa sofa.
Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang isang litrato. Instantly, I felt relief at the sight of them. Kamusta na kaya sila? Namimiss ko na sila.
Itutuloy...
YOU ARE READING
He Was My Ex,Now My Master
RandomEleah,simpleng babae na gusto lamang maghanap ng trabaho para may ipadala sa kaniyang pamilya at sa dalawa nitong anak ngunit paano kung ang pinasukan niyang trabaho ay magkita sila ng taong iniwan niya noon?at ang mas nakakagulat ay boss niya pa it...