«CONTINUE 5 OF FLASHBACK«
Sabado ako. Ngayong araw ay kakausapin ni Luke si Donya Romina tungkol sa aming dalawa.
Sa klase ay hindi ako mapakali. Pasulyap-sulyap ako sa oras para makatawag na sa kanya. Nag aalala ako. Hanggang ngayon ay wala paring text manlang galing sa kanya.
Kagabi ay pagkatapos naming mag usap hinatid nya ako pauwi. Nilakad lang namin dahil malapit lang ang parke sa amin.
Bago sya umalis ay nangako syang sasabihin nya ang tungkol sa amin. Nangako syang maayos din ito.
Tingin sa mga oras na ito ay nalamam na ng Donya na kami parin.
"Okay kalang? Kanina kapa di mapakali," bulong ni Mira sa tenga ko at tumango na lamang ako.
Time passed slowly. Laking tuwa ko ng lunch break na. Dala ang phone ko ay pumunta akong rooftop para tawagan sya.
Nagring ang cellphone nya pero namatay kalaunan. Tumawag ulit ako pero out of coverage area na raw.
"Ano na kayang nangyayari?" Kabadong bulong ko habang nagtitipa ng mensahe kay Luke.
Nag aalala ako, ano nang nangyari, Luke?
Gusto Kong pumunta sa mansyon pero natatakot ako. Marami Ang pumapasok sa isip ko scenario. Paano kung nagkagalitan ang mag Lola? Paano kung nalaman na iyon ng nanay ni Luke? Naalala ko kung ano ang ugali ni Madam Trina. Talagang nakakatakot sya.
Pakiramdam ko ay wala akong mapapala dito sa taas. Nagugutom na rin ako kaya bumaba ako para kumain muna.
Sa pasilyo ay dinig ko ang mga usap-usapan ng estudyante.
Sa isang partikular na balita lang na nadinig ko ako natigilan.
"Nabalitaan mo na ba? Si Donya Romina daw sinugod sa hospital kagabi pa! Inatake sa puso sabi ng isang kasambahay nila kay Mommy,"
Gulat akong bumaling sa nagsalita. Nilapitan ko sya at marahas na hinarap sa akin
"Anong Sabi mo? Totoo bang sinugod si Donya sa hospital?"
"Aray ah! Diba dapat alam mo kasi don ka nagtatrabaho?" Inirapan ako ng babae sabay tanggal ng kamay ko sa braso nya.
Bumundol Ang kaba ko sa dibdib kasabay ng matinding takot. Napaatras ako hanggang sa tumama ako sa balustre ng pasilyo.
What have I done?
Umuwi ako ng bahay ng Wala sa oras. Balak kong pumunta ng mansyon kahit na masyado na akong walang hiya non.
Kaso ang naabutan ko ay si Nanay na umiiyak habang alo-alo ni Tatay.
"Nay? A-ano hong nangyari?" Kabadong tanong ko.
Napatingin sila sakin at kita ko ang panlulumo sa mukha ni Tatay. Si Nanay naman ay napaiyak nalang Lalo.
Nilibot ko ang tingin sa paligid dahil nagkalat ang mga gamit namin.
"Tay? Nay? Ano pong nangyayari?" Lumapit ako sa kanila.
"Tinanggal sa trabaho ang Nanay mo,"
Tumayo si nanay at agad na hinawakan ako sa balikat.
"Sabihin mo sa akin, Eleah. Kayo ba ni Sir Lucas?" Dinig ko ang munting hinaing nyang tanggihan ko iyon pero napayuko nalang ako.
"Kagabi ay nagtalo si Sir Lucas at Donya Romina sanhi ng pagsugod sa kanya sa hospital!"
"S-sorry po, Nay," nangilid ang luha ko. Disappointed na naupo si nanay sapo ang ulo.
"Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa atin dahil sa pakikipagrelasyon mo sa kanya?"
YOU ARE READING
He Was My Ex,Now My Master
RandomEleah,simpleng babae na gusto lamang maghanap ng trabaho para may ipadala sa kaniyang pamilya at sa dalawa nitong anak ngunit paano kung ang pinasukan niyang trabaho ay magkita sila ng taong iniwan niya noon?at ang mas nakakagulat ay boss niya pa it...