CHAPTER 20

352 6 0
                                    

Lumabas ako ng kwarto buhat-buhat si Luci habang inaakay naman si Luther. Mabigat sila kaya hindi ko kayang buhatin ng sabay, buti nalang at pumayag naman si Luther na huwag buhatin.

Nakatitig sa akin si Luther, manghang-mangha. Bilog na bilog ang mga mata at awang ang maliit na labi.

"You surprised me, mamuhh! I thought it was a fake you beside us!" He said cutely, pouting a bit of his lips.

"Well, are you happy that mama is here?" Nginitian ko ang dalawa. Tumango-tango naman sila.

"Yes, very happy!" Sabay nilang sagot. I chuckled.

Pinaupo ko ang dalawa sa upuan ng hapag kaina. Saktong pumasok si nanay mula sa kusina at dala ang platong laman ay agahan.

My sons cheered. Sego-segundo silang sumusulyap sa akin, nag aabang lagi ng reaksyon ko.

"Eat more, Luther baby,"

"But Mama, I'm full."

"Okay, last one. Open wide, anak."

"Mamuhh, me too! Me too!" Lucifer.

Buong magdamag akong nakangiti. Subrang saya ko na kasama ko ulit ang mga anak. Pagkatapos kumain ay hinayaan ko silang maglaro kaso..

"Why don't you play?" Tanong ko sa dalawa kasi ayaw nilang umalis sa kandungan ko.

"We don't want to play, Mamuh," Lucifer pressed his mouth, seems telling me his decision is absolute.

Amused of them, I chuckled. Nakakatuwa talaga ang pagkabibo nitong dalawa. I love them clingy, ayoko na ngang lumaki sila at mabawasan ang pagiging sweet nila.

They're turning 3 a couple of month from now. So I must work for their birthday.  Ang perang nakuha ko sa pagtatrabaho kina Lucas ay sapat para makabayad ng ilang utang at pambili ng maintenance ni nanay. Kailangan ko paring kumayod.

When afternoon came, the twins snoozed out. Nagkaroon iyon ng pgkakataong kausapin ako ni nanay tungkol sa nangyari. Kabado ako. Alam ko kasing may galit si Nanay kina Lucas.

"May nangyari ba sa pinagtatrabahuhan mo at biglaan kang umuwi?" Si nanay. I can't somewhat look her directly on the eyes. Kapag nalaman nyang kina Lucas ako nagtrabaho at may.. nangyari pa sa aming dalawa.. magagalit sya panigurado.

Kaya, I decided not to tell her. Sasabihin ko naman kalaunan pero hindi ngayon.

"Miss na miss ko na ho kasi sina Luther at Luci." Tanging sagot ko. Totoo naman kasi.

Naningkit ang mga mata nya. Si Tatay ay tahimik lang na nagmamasid. I sighed.

"Sabihin mo nga, Eleah..  may nangyari ba doon?"

Kinabahan ako sa tono ni nanay.

"Wala po, maayos naman ang pakikitungo sa akin ng a-amo ko.." I said looking away once again.

"Eleah halatang nagsisinungaling ka." Giit ni nanay at kung hindi lang tumayo si Tatay ay mahahotseat talaga ako sa kanya.

"Hayaan mo na muna ang anak nating magpahinga." Si Tatay na umalis agad para bumalik sa mga alaga nya. Nanay sighed and draw an understanding smile.

"Natatakot lang akong baka nagkrus na naman ang landas nyo ni Lucas.. lalo na at bali-balita rito na ikakasal na ang nag iisang tagapagmana ni Donya Romina.."

My pounded. The familiar pang of pain overwhelmed. I'm happy.. that he chose the right path.
______

"Mama, wake up! Wake up na!"

Nagising ako sa magagaang yugyog ni Lucifer. Panay ang tawag nya sakin para magising ako habang nakaupo sa tiyan ko. Naabutan ko syang may hawak na bibiron at dumidede. Wala si Luther, siguro ay kina Nanay.

"Where's Luther?" Paos na tanong ko at binaba si Luci para makaupo ako ng maayos.

"Luth-luth is with Lolo, Mamuh!" Luci's energetic personality contrasting to Luther's always stoic expression. They are a mixed of roughness and softness.

"Tito Fernan is here, Mamuh! He's eating breakfast here. Wala bah seeeeelang food sa house nila, Mamuh?" Inosenteng tanong niya na nagpamaang sa akin. Sandali akong natigilan hanggang sa natawa ako sa sinabi nya. Gigil kong pinatakan ng halik ang buong mukha ni Luci na panay ang reklamo.

"Uh! Mamuh, yuck! Stop it na!" Hiyaw nya. I stopped and stare to my most beautiful masterpiece.

"You look handsome, anak."

Nakita ko ang pamilyar na pagngisi nya, tulad ng ama. Manang-manang talaga..

"I am!"

I laughed and carried him out. Naabutan ko ngang kumakain si Fernan ng agahan. Pagkakita sa akin ay halos mabulunan sya sa gulat. Mabilis syang tumayo at pinunasan ang gilid ng bibig at damit, Wala namang dumi.

"Magandang umaga, Ele. Pasensya kana, nagulat ako." Tumawa sya bahagya. Mukha syang nahihiya kaya ngumiti ako.

"Ayos lang. Walang problema. Si nanay?" Hindi nya pa nasasagot ay pumasok si nanay na may dalang isang Plato Ng umuusok na kanin. Ngiting-ngiti sya kay Fernan.

"Eleah, halika at sumalo kana kay Fernan. Pinapunta ko sya rito para pasalamatan dahil hinatid ka nya kahapon." Asikasong-asikaso ni Nanay si Fernan, na nahihiya.

Pritong itlog, tuyo at hotdog ang ulam namin. May banana fry pa rito.

"Sige, at kumain na kayo! Sa kusina lang ako." Nag Iwan si nanay ng kakaibang ngiti sa akin.

Nagkamot ng batok si Fernan. "Pasensya kana ha, di ko lang matanggihan si Aling Flore.."

"Anu kaba, okay lang. Walang problema kahit araw-araw pa, Fernan." I said to assure him. His expression lightened up.

"Talaga?" He said and glance to Luci. 

Tumango ako at sinulyapan si Luci na busangot ang mukha. Nahagip ko pa ang irap nya kay Fernan. The latter only smiled.

"Baby, do you want banana?" Malambing na tanong ko habang inaabot ang pritong saging. Naubo si Fernan, mukhang nabulunan, ininom Ang tubig na nasa tabi.

His face flushed red immediately after drinking. Ako naman ay nagtataka.

"H-ha?" Mukha syang gulat na nahihiya. Pati ako ay naguguluhan na din.

"Ano?" Litong tanong ko.

Kinagat nya ang labi at sumulyap sakin pero tumingin agad sa ibang direksyon.

"T-tinawag mo akong.. B-baby?" Hiyang-hiya nyang tanong. Ang malaking si Fernan ay parang batang namumula. Hindi makatingin sa akin.

Nagproseso pa sa utak ko ang sinabi nya, naguguluhan. Hanggang sa umawang ang labi ko sa gulat.

"No! It was me that mama called baby!" Agad na singit ni Luci. Pasigaw Ang pagsabi nya na kinaalarma ko. I never thought them to be rude at people!

Salubong talaga ang kilay ng anak kong masama ang tingin kay Fernan.

Lalong nahiya si Fernan na tumingin sa akin. Pati ako na nahiya, pero sa ginawa ng anak ko.

"Pasensya na, Fernan." I said apologizing. "Saka pasensya na rin at namisinterpret mo ang sinabi ko kanina.. si Luci ang kausap ko, kaya.. pasensya na kung-"

"Naku, okay lang! Haha ako nga dapat humingi ng paumanhin at nag assume ako." Nagkamot sya ng batok.

Binalingan ko si Luci na dumidede ulit pero ayaw tumingin sa akin.

"Luci, don't do it again, okay?"

Tumango sya ng marahan. Nalingunan kong nangingiti si Fernan na nakatingin sa amin.

"Ang swerte ng mapapangasawa mo, Eleah."

He Was My Ex,Now My MasterWhere stories live. Discover now