One week na ang lumipas. Yeah, I survive the one week of avoiding him. I still stand to my words that I will try to avoid him.
Oddly, he kept on appearing whenever I am. Kapag nasa kusina ako, maya-maya ay nandyan na sya para kumuha lang ng tubig. Sa second floor naman ay merong mini kitchen para di na sya bumaba eh. Kapag naglilinis naman ako sa sala ay nandyan sya at nagbabasa ng kung ano-ano. If I sense that he will try to talk to me, I will immediately go away.
Hindi ko lang talaga maintindihan dahil dapat ayaw nya akong Makita eh. If i am not guilty about his grandmother, I am probably busy hating him for dumping me without saying anything.
Umaga, naghahanda ako ng makakain ni Sir nang tawagi ako ni Rita. Pinapatawag raw ako ni Sir Luke sa taas. Sabay-sabay na nagtinginan ang mga kasamahan ko sa akin.
Tahimik naman akong umakyat kahit nagtataka ako kung bakit. Maraming paintings na nakakabit sa dingding. Mga ibat-ibang scenery pero nahinto ako sa partikular na larawan.
It's a silhouette of a girl's side profile with sunset on its background. Naalala ko bigla ang araw na sinundo ako ni Luke para magdate noon. We were watching a sunset at the cliff.
Ayoko namang umasang baka ako nga ang nakasabit na iyon. Binalewala ko at tumuloy sa kwarto ni Sir.
Kumatok ako at tinawag sya.
"Sir, narito na ho ako. May iuutos kayo?" Katok ko. Walang sumagot kaya kumatok ulit ako.
"Sir? Nandito na ho ako," ulit ko pero wala talaga. Hinawakan ko ang doorknob bago sinabing papasok na ako.
"Papasok na ho ako.."
Pagkapasok ko ay madilim ang kwarto. Lumapit ako sa malaking bintana nya at hinawi ang pagkabigat-bigat na kurtina. Nilamon ng liwanag ang paligid at doon ko nakita ang kabuuan ng kwarto nya.
His room look sleek. All things are on its perfect place. No dust around. He has a mini sala set after you enter his room. He also has a door entering a veranda overlooking the whole land of his kingdom. Simple lang ang kama nyang kulay puti. May salaming sliding door papasok yata sa walk-in-closet nya at isang sliding door pa para sa bathroom.
"Sir?" Tawag ko kasi parang wala naman sya sa loob.
Luminga linga ako hanggang sa nasagi ng paningin ko ang maliit na frame sa tabi ng kama nya. Nung unang tingin ko ay akala ko abstract lang pero Isa iyong close up picture ng babaeng nakatingin sa baba.
I can feel the sensation burning in my heart as I walked towards it. Kinakabahan ako dahil Malaki ang pakiramdam kong ako iyon pero halos mapatalon ako sa gulat ng may malamig na kamay ang humawak sa magkabila kong braso.
"Ah!" Tili ko. Umikot ako para Makita kung sino yon. Luke is smirking like a cunning devil in front of me, pero ang nakakagulat ay dahil nakatapis lang sya! May tumutulo pang butil ng tubig sa katawan nya. Para akong napasong lumayo sa kanya agad.
Umiwas ako ng tingin habang napapalunok.
Lumakad sya palapit sa akin, akala ko talaga sakin sya pupunta pero naupo sya sa kama nya.
Bumaba ang tingin ko sa tuwalyang nag aagaw buhay na kumapit sa balakang nya.
"Have you think about my offer?" He said raising a brow.
Kumurap-kurap ako at iniisip kung ano ang sinasabi nya. I heard him chuckled
"Anong offer?" Tulirong tanong ko rito.
"Be my secretary. All you need to do is to seat and receive calls from clients. As easy as like that." His offer sounds doubting.
Kumunot ang noo ko. I thought I made my self clear about my priorities. Umiling ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/327127679-288-k399522.jpg)
YOU ARE READING
He Was My Ex,Now My Master
DiversosEleah,simpleng babae na gusto lamang maghanap ng trabaho para may ipadala sa kaniyang pamilya at sa dalawa nitong anak ngunit paano kung ang pinasukan niyang trabaho ay magkita sila ng taong iniwan niya noon?at ang mas nakakagulat ay boss niya pa it...