«FLASHBACK«
"Eleah, hatid na kita sa room mo,"
Papasok palang ako ng gate ay sinalubong na ako ni Greg at ang dalawa nyang kaibigan. Nag apir ang dalawa nyang kasamahan na sina Paolo at Ryan habang mayabang na ngumingisi si Greg.Umiling ako agad. "Uh, hindi na, kaya ko naman," tanggi ko at nag Iwan ng maliit na ngiti bago umalis.
"Pakipot ka naman, Ele, eh!" Sigaw ni Greg habang palayo ako. Napailing nalang ako habang papaakyat sa building naming engineering department. May ilang bumatong kaibigan at nagkwentuhan kami ng konti.
Pagkapasok ko sa room ay sinalubong ako ng kaibigan kong si Mira.
"Ele, namiss kita!" Niyakap nya ako kahit hindi paman ako nakaupo. I laughed. We hugged a bit and sit at the reserved seat she made for me.
Inaayos ko ang libro sa desk ko habang patuloy na nagkukwento naman si Mira. Galing kasi syang Bulacan at nagbakasyon ng summer break. Unang araw namin ngayon sa college at karamihang estudyante dito ay dating mga kaklase o batches lang namin.
"Excited akong Makita ka, may dala Akong pasalubong pero sa bahay pa. Ang mas gusto kong malaman ay tungkol sa apo ni Donya Romina! Nauwi daw dito noong summer break pa!" Bulalas nya na parang napakalaking balita iyon na narinig nya.
I stopped and looked at her.
Hinampas nya ako sa braso na parang nagsisekreto ako sa kanya.
"Di mo manlang sinabi! Nagchachat naman Tayo minsan ni hindi mo manlang nabanggit! Doon ka naman palagi sa bahay ng mga de Vera diba!" Sumimangot sya sakin pero ngumiti din pagkatapos.
"Mamaya pagkatapos ng klase, Daan Tayo doon, sama mo ako kunwari may kukunin kalang kay nanay mo," ngising-ngisi Sabi nya.
Hindi ako sumagot. Iniisip ko kung papayag ba ako. Pwede naman pero Hindi pa ako komportable.
"Sige na, Ele, gusto ko lang naman Makita ang apo ng Donya! Sabi gwapo daw!" Pilit nya at nagpacute sa akin
Siguro okay lang naman..
Huminga ako ng malalim at tumango nalang. Para syang bulateng galaw ng galaw matapos marinig iyon. Natatawa nalang ako hhabang pinapanood syang maexcite para mamaya.
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa.
I was excited to open the new message.
Baby, I just woke up. Are you at school?
Nag init ang pisngi ko sa kilig at sinulyapan si Mira na dumadaldal parin bago ako nagreply sa kanya.
Good morning! Oo, kakarating ko lang. Btw, dadaan ako mamaya dyan. Uhh.. pwede bang magdala ng kaibigan?
Binaba ko ang phone. Nakakahiya Naman.. dapat pala hindi nalang ako pumayag.
Nagvibrate ulit. Sinilip ko ang message nya.
Sure. I'll be looking forward seeing you later.
Would you like me to bring you a lunch?
Umiling ako kahit hindi naman nya iyon makikita. Pigil ko ang ngiti habang nagtitipa.
Hindi na. Wag kang pumunta, saka may baon naman ako!
Agad syang nagreply.
I want to call you..
Nag isip ako. Lalabas nalang ako at pupunta sa rooftop? Pwede Rin.
I type..
Okay. Sandali lang.
Tumayo ako kaya nilingon ako agad ni Mira.
YOU ARE READING
He Was My Ex,Now My Master
RandomEleah,simpleng babae na gusto lamang maghanap ng trabaho para may ipadala sa kaniyang pamilya at sa dalawa nitong anak ngunit paano kung ang pinasukan niyang trabaho ay magkita sila ng taong iniwan niya noon?at ang mas nakakagulat ay boss niya pa it...