CHAPTER 29

362 6 0
                                    

"Mama, let's go! Let's go! I want to swim!" Panay ang Hila ni Luci sa laylayan ng damit ko habang kumakain ng agahan.

"What is it, son?" Lucas asked. Kaming apat lang sa hapag at hindi na muna sumabay sina Nanay at pumuntang palengke. Parehong nakaupo ang dalawa at pinapagitnaan kaming dalawa ni Lucas.

Lucifer is fond of swimming, same with Luther. Lagi kaming nasa ilog noon, at ngayon ay nag Aya na naman.

"Okay, later after breakfast. We will go, so stop moving, you might fall, Luci."

Nagliwanag ang mukha ng isa. Luther is busy munching. Si Lucas ay naguguluhang tumingin sa akin para magtanong.

Oh, hindi pa nga pala nakapunta si Lucas sa ilog.

"There's a river down the hill. They are often playing there."

Umawang ang labi nya. Para syang uhaw na uhaw sa mga kaalaman tungkol sa mga anak. At kapag nalalaman nya ay laging manghang-mangha. It touched my heart. Lucas loves his sons.

"Papa will come, Mama?" Luther asked. Hindi ko naisip na sasama sya. Nagtatanong ang mga matang binalingan ko si Lucas.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Of course, Papa will come. I need to guard, Mama."

Naubo ako sa sinabi nyang iyon. Ang dalawang bata ay naghagikgikan sa sinabi ng ama. Lucas winked his kids as if they are connected in something they only understand. I shook my head.

Sana hindi tumulad itong sina Luther at Luci sa ama..

"Papa, Tito Fernan likes Mama!" Biglang Saad ni Lucifer na kinalaki ng mga mata ko. The latter gigled and covered his mouth. Luther remained listening.

"Hmm, really son?" Nanunudyo ang boses ni Lucas roon pero hindi ko maikakailang may himig seryoso roon. Tumango si Luci at kinalabit pati si Luther para sumang ayon rito.

"Diba? Tito Fernan told us he likes, Mama!"

Tumango rin si Luther rito. Geez. What is this two? Nag iwas ako ng tingin sa sulyap ni Lucas sa akin. Nakataas ang kilay. These two! Pinapahamak ako.

I composed myself. I shrugged and continued feeding them even with those heated eyes staring me.

"Kumain na kayo or we won't swim."

Sinulyapan ko si Lucas na ngayon ay seryoso ng nagpapakain Rin kay Luther. Nakompirma kong nagseselos dahil inirapan nya ako ng nahuli akong nakatitig sa kanya. Natawa ako roon at hinayaan na. Fernan and I are friends. Alam kong nagpaparinig si Fernan noon pero hindi ko sya gusto. Gosh, Lucas. I already confessed and here you are, frowning like a kid.

After we ate, I made the kids ready to take a bath. Lumabas lang si Lucas dahil may tatawagan. Nakaupo ang dalawa sa papag at naglalaro habang hinahanda ko ang towel at pambihis nila pag uwi.

"Stay here, Luci, Luther. Mama will just get something." Tumayo ako at akmang aalis ng nakitang tumayo rin ang dalawa. Nagtaka akong bumalik at inalalayan baka matumba.

"What is it baby? Bakit kayo sumunod? Just stay here, mabilis lang ako." I said but they both shook their head, disagreeing.

"What?"

"Papa told us to never leave you."

Ha?

"What do you mean, Luth?" I asked confused. 

"Tito Fernan might snatch you, Mama!" Si Luci ang sumagot na medyo nagulat ako. Hindi ko alam kong matatawa ako o pagagalitan si Lucas sa mga pinagsasabi sa dalawang ito!

Soon enough, Lucas entered.

"Papa! Diba sabi mo bantayan namin si Mama before Tita Fernan snatch her?" Sumbong ni Luci rito. Kita ko ang panlalaki ng mata ni Lucas bago unti-unting ngumisi. Binuhat nya si Luci at sinabihan.

"I told you that our secret right? Why did you tell Mama?"

Umirap ako sa kanya pero ngumisi lang ang isa.

"Let's go. I want to swim na!" Luther.

Lumakad na nga kami. Buhat-buhat ni Lucas ang dalawa sa braso habang nakasunod ako sa kanila bitbit ang basket na mayroong tuwalya. Walang pangitaas ang tatlo. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o maiilang. Nakikinita ko na ang magiging eksena balang araw. Ako, sa gitna ng tatlong naglalakihang lalaki. I sighed. That was when I realized what I thought. Nag-init ang pisngi ko. Safe to say that I only think about it! Nakakahiyang doon na umabot ang pinag iisip ko!

"Papa, you're so strong! Binuhat din kame ni Tito Fernan ng ganito, papa!" Luci said. Hay naku!

"Really? Who's more strong? Papa or Tito Fernan?"

Talaga ba Lucas?

Di ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nitong si Lucas. Tumawa ang dalawa at tinuro sya. Aroganteng sinulyapan ako ni Lucas, nagmamalaking sya daw ang pinakamalakas.

"Do you like Tito Fernan?" Tanong pa uli ni Lucas sa mga ito. Nasapo ko nalang ang noo habang pababa kami ng talampas.

"We like you, Papa because you are our papa!"

Tumango si Lucas, sang ayon sa mga ito. "Great. That good. Don't like that Tito of yours, he's ugly."

Halos matawa ako roon. Naloloko na itong si Lucas.

Pagkababa naming talampas ay dumaan muna kami sa medyo masukal na damo hanggang nakarating sa ilog. The stream is clear and fresh. Maraming malalaking bato na pwedeng akyatin at talunan pabagsak sa tubig. May side na mababaw lang ang tubig at doon kadalasang naglalaba ang marami. May parteng malalim na pwedeng paliguan. The water is crystal clear. It is greenish and you could see the rock beneath.

Tuwang-tuwa ang dalawa. Nagtatalon at pilit bumaba sa bisig ni Lucas. Inalalayan sila ng ama dahil gustong gusto ng maligo. Hindi ko nga lang pinapayagan na maligo sa malalim dahil hindi pa marunong lumangoy.

"Papa, we want to swim!" Pilit nila pero umiling ang ama..

"Ask Mama first."

Sabay silang sumulyap sa akin at may nagmamakaawang mga mata.

"Sa mababaw lang."

Kitang kita na disappointed ang dalawa. Gusto laging maligo sa malalim na parte eh hindi nga marunong lumangoy. Ang kukulit.

May binulong si Lucas sa dalawa na ikinatuwa nila. Nagtatalon silang dalawa at tumango-tango.

Lucas raised his hand and gestured something. Hindi ko alam kung ano iyon pero nakita ko nalang ang Isa sa unipormadong bodyguards nya na si Bob, lumabas sa kung saan at may dalang salbabida para sa dalawa

"Yey!"

Umalis rin kaagad ang tauhan nya at hindi ko alam kung saan nagpunta. I sighed.

Lucas is spoiling his son. I can't blame him. Ngayon nya lang ang mga ito nakasama.

Lumusong ang tatlo sa malalim na parte suot ang salbabida. Tuwang-tuwa at panay tili.

Nakaalalay lang sa kanila si Lucas na nakikitawa rin.

Hanggang bewang lang ni Lucas ang lalim ng tubig na hanggang dibdib  ko naman. May mas malalim na parte pero pinili ni Lucas sa medyo katamtaman lang ang lalim.

"Mama, come here! Join us! It funnnn!"

Umiling ako dahil mamaya nalang. Lalabhan ko lang ang ilang damit nila.

Nagtatanong ang mga mata ni Lucas sa akin. Naintidihan ko agad ang Nais nyang itanong.

Tinaas ko ang isang basket na may lamang maruruming damit nina Luci.

"Lalabhan ko lang. Just play with them." Lumakad ako papuntang mababaw na parte para labhan na. Sinundan nya ako ng tingin, gusto pa yatang puntahan ako pero di maiwan ang mga anak.

He Was My Ex,Now My MasterWhere stories live. Discover now