"Pasensya kana, Fernan ha, naabala kapa namin." Hinging paumanhin ko habang bitbit ang walang lamang basket. Naghihintay si Fernan sa labas ng gate kung nasaan ang tricycle nya.
Ngumiti naman sya na syang lagi nyang ginagawa.
"Ayos lang! Kahit kailan nyo ako kailan, malakas ika-si Aling Flore sa akin eh!" Tumawa-tawa sya pagkatapos. Pasimpleng nilingon si Nanay na nasa teresa namin at may nakakalokong ngiti. Napailing nalang ako dahil sa bulgar na pinaggagawa ni Nanay.
"Lolaaa want ko sumama kay Mama!" Si Luci na hinihila si Nanay papunta sa amin. si Luther din ay nakikihila, nagpapaawa kay Nanay.
Ayaw payagan ni Nanay dahil mahihirapan lamang ako sa mga bibilhin kapag idadagdag sila sa alalahanin. Pero mukhang naiiyak na si Luci at Luther.
"We want to come with mama! What if we won't see her again!" Luther said with a stubborn look of his eyes. Nagpapadyak silang dalawa na nagpapahirap naman kay Nanay.
Binalingan ko si Fernan na nagmamasid sa amin. Naging alerto sya bigla pagkakitang lumingon ako sa kanya.
"Uh.. dadalhin ko nalang ang kambal. Ayos lang ba?" Nahihiya na talaga ako kasi imbes na nasa bayan sya ngayon at paniguradong marami nang pasahero ay narito sya para ihatid ako sa palengke.
"Ano kaba, ayos lang! Walang problema sa akin!" Agad nyang tanggi. Sa bait nga nitong si Fernan, iboboto ko ito pagtumakbong kapitan.
I decided to bring them. But before we go, I reminded them my rules.
"Don't go anywhere and don't asked to buy a lottt of toys okay? What mama can afford will mama can buy, but not too much. Don't shout or scream because it's disturbing. Do you understand, babies?"
Masunurin silang tumango. Nasa kandungan ko ang dalawa. Nagpapasalamat ako kay Fernan na binagalan ang pagdadrive. Tuwang-tuwa naman ang kambal.
Malikot silang palingon-lingon dahil sa nakakamangha sa kanilang nakikita.
"Wow, mama! I saw a cow again! Whoa, whoa!" Napapalakpak sa manghang si Lucifer. Namimilog ang mata ni Luther sa baboy na binibyahe para ikarne, dumaan kasi iyon sa amin. Tinakpan ko ang ilong nila dahil sa hindi kaaya-ayang amoy mula roon.
"Mama, what will they do to that pig?" Luther asked without tearing his sight to the pig.
"They will.. replace the pig to another more comfy place." Tanging sabi ko nalang. They are young to here the sad ending of that pig.
Pagkarating sa harap ng palengke ay nagtatalon ang dalawa. They are almost unstoppable, thanks to Fernan that take place on holding Luther since Lucifer is a brat to him.
Buhat-buhat ni Fernan si Luther na seryoso lang. Buhat ko naman si Luci na simangot ulit ang mukha.
"What's wrong baby?" I asked him then.
"Why Tito Fernan carries Luther,. Mama? We look like a family!" Imbes na matuwa sya sa huling mga sinabi ay parang disappointed pa sya. Ako ay nagulat sa sinabi ng anak.
Naconcious tuloy ako sa porma namin. Kung titingnan ay parang pamilya nga kami.
"Aba, Fernan! Ayan ba ang pamilya mo?" Isang Ale ang sumulpot, namimili rin.
"Noo-"
"Uh, kaibigan ko lang ho si Fernan." Singit ko bago pa umangal si Luci.
Halatang hindi naniwala ang Ale. Nanunukso ang paraan ng tingin nya sa amin.
"Sus, dyaan nag sisimula yan!"
Nahiya ako bigla. Agaran akong lumingon kay Fernan at naabutan ko syang pigil ang pagngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/327127679-288-k399522.jpg)
YOU ARE READING
He Was My Ex,Now My Master
RandomEleah,simpleng babae na gusto lamang maghanap ng trabaho para may ipadala sa kaniyang pamilya at sa dalawa nitong anak ngunit paano kung ang pinasukan niyang trabaho ay magkita sila ng taong iniwan niya noon?at ang mas nakakagulat ay boss niya pa it...