"How's Greg?" Malamig nyang tanong sa akin. Hindi ko alam ang isasagot. Nalilito ako kasi bakit ako ang tinatanong nya?
Nakaawang ang labi ko at hindi ko mahagilap ang sasabihin.
"A-anong si Greg?"
He looked away for a brief moment. I can see him gritting his teeth like in a control of something.
"To all people, you must know." May bahid ng sarkastiko sabi nya. Nalilito naman ako lalo na nga ngumisi sya ng mapait.
"Sa.. huli kong pagkakaalam nasa college na.. sya. Bakit mo biglang natanong?"
Tumalim ang tingin nya sakin pagkatapos kong sabihin iyon. Sira ba ito? He was asking me about Greg but then why is he mad all of the sudden?
"Where does that boy studying?" Parang sa tono nya ay may malaking atraso si Greg rito. I can see him plotting something on his pretty little head. Ngumisi pa sya na parang napakagandang Plano ang naisip nya.
"Ang pagkakaalam ko ay narito sa Manila,"
Pagak syang tumawa at mukhang hindi natutuwa kahit nakangisi naman.
Namamangha akong nakatitig sa kanyang mukhang malalim ang iniisip.
When he notice that I am watching him, he cleared his throat and raise a brow as if asking me 'what'
"So.. you work here to fund his studies? Ha! What a great wife- or girlfriend perhaps," sarkastiko nyang bulalas.
Nanlaki ang mata ko sa tinuran nya at sandaling natigilan.
Iniisip ba ni Lucas na magkarelasyon kami ni Greg?
"If I had known better that you would ended up with him, I should've done something to chain you." He said evilly and left without a word.
Natulos pa ako sa kinatatayuan sa lalim ang iniisip.
Iniisip ba nyang kami ang nagkatuluyan ni Greg? Naalala kong naging usap-usapan sa bario namin noon na nag asawa ako dahil bigla akong tumigil sa pag aaral at umalis ng lugar namin. Kasabay din ang pag alis ni Greg papuntang Manila para maging miyembro ng prestigious basketball team.
Paano nya nalaman na may issue kaming ganoon ni Greg? Unless he went back? The last thing I know about him was, he was engaged to Thara and don't want to go back to the province I lived.
Hindi ko na alam pa...
Nagpasya akong magtrabaho na uli. Palabas ng pasilyo tanaw ko ang dalawang taong magkausap sa bukana ng grand staircase. Nasa mas mataas na baitang si Thara at hawak ang kamay ni Lucas habang bumaling naman ang tingin ni Lucas sa akin.
Kumunot ang noo ko at bumaba ang tingin sa magkahawak nilang kamay.
Nakatitig lamang si Lucas sa akin imbes na pakinggang ang sinasabi ni Thara.
Good thing at nakatalikod sa banda ko si Thara pero nakaharap naman sa akin si Lucas.
Namanhid na yata ako. All I see is nothing but them, holding hands, looking perfect. Titig na titig si Lucas. Sa paraan ng pagkakatitig nya ay parang inaabangan nya ang kahit konting emosyong makikita sa akin.
I remained blank, almost dull.
Then I tore our eye contact. Tumalikod ako at tumuloy sa kung saan ako nabibilang.
"Ang sweet talaga ni Ma'am Thara, ano? Ang ganda pa!" Salubong ni Maria pagpasok kong kusina.
"Fashion Designer daw si Ma'am Thara nayan eh, kaya pala ang ganda nya rin manamit.." Patuloy na kwento ni Maria habang abala ako sa paghugas ng biniling prutas.
"Noong bago palang ako dito, akala ko talaga artista sya eh. Grabe manghang-mangha ako non! Maganda naman kasi talaga si Ma'am pero medyo maldita lang.. bagay naman sila ni Sir kase masungit rin si Ser," Maria chuckled.
Panandalian akong huminto sa ginagawa at buntong hiningang nagpatuloy.
"Balita ko engage silang dalawa pero minsan parang wala namang pakialam si Sir kay Ma'am Thara pag bumibisita rito.." Medyo hininaan ni Maria ang pagkakasabi. I abruptly face her, surprised and I can't deny the evil side of me happy about it.
Nakita ni Maria ang agaran kong atensyon kaya ngumisi sya ng nanunukso.
"Sabi na eh! Crush mo si Sir no?" Malakas nyang tukso. Nataranta ako at agad syang nilapitan.
Kinabahan ako na baka may makarinig sa sinabi ni Maria. Kapag isa sa kasamahan namin ang makarinig ay baka magka-issue pa. Mas lalong ayokong marinig ni Luke iyon, mas malala kung si Thara ang makarinig.
Tingin ko ay hindi pa alam ni Thara na narito ako nagtatrabaho. Kung malalaman nya ay maaring umabot ito sa nanay ni Luke at kay Donya Romina. I don't want to cross path with them and face another insults.
So as much as I can to stay low-key, then I will..
"Hindi ko crush si Sir Lucas, nagulat lang ako.." I said and went back to cleansing the fruits.
Narinig kong lumapit sakin si Maria. Sumandal sa katabing sink, mukhang mas ginanahang magkwento.
"Hmmm sa tingin ko hindi malabong magkagusto sayo si Sir!"
Umawang ang labi ko. My eyes widen because of that. Sinita ko syang tumigil na sa pinag iisip nyang iyon.
She only grinned.
"Naalala ko kase noong nasugatan ka, mukhang alalang-alala si Sir ah.. di kasi iyon ang normal na ugali non. Wala naman iyong paki eh, tingin ko nga hindi noon masyadong saulado ang pangalan namin dahil narin sa lagi syang busy sa work para alalahanin pa kaming naninilbihan sa kanya," She said like pertaining something.
"Ano kaba Maria.. tumigil kana sa kakaisip mo ng ganyan! Baka marinig ka nina Daisy.. alam mo namang hindi maganda ang pagitan namin diba.." Sita ko.
Kinuwento ko kasi kay Maria ang nangyari sa amin nina Daisy kamakailan lang.
"Wala silang pakialam. Si Daisy naman na iyan masyadong mapapel akala mo naman magugustuhan sila ni Sir Lucas!" Turan nya.
Umiling nalang ako at nagpatuloy.
"Pero ikaw... Malaki ang posibilidad.." She has a teasing smile plastered on her lips. "Naalala ko noong unang araw mo rito, manghang-mangha ako kasi ang ganda mo! Kaya siguro insecure din sina Daisy sayo. Hanggang ngayon iniisip ko kung bakit hindi ka nalang nag artista. At kung ikukumpara ko kayo ni Ma'am Thara, mas nakakahumaling ka Eleah,"
"Sinasabi mo lang yan kasi gusto mo lang manukso,"
"Hindi ah! Totoo kase,"
YOU ARE READING
He Was My Ex,Now My Master
AcakEleah,simpleng babae na gusto lamang maghanap ng trabaho para may ipadala sa kaniyang pamilya at sa dalawa nitong anak ngunit paano kung ang pinasukan niyang trabaho ay magkita sila ng taong iniwan niya noon?at ang mas nakakagulat ay boss niya pa it...