«CONTINUE 1 OF FLASHBACK«
Naramdaman kong bumangga sa likod ko si Mira at nagreklamo pero biglang tumahimik.
He is wearing a usual black shirt with black pants and black boots. Medyo magulo ang buhok nya at may butil ng pawis pa sya sa noo.
"Uh, I'm sorry I haven't showered yet." Paliwanag nya habang nakatitig sa mga mata ko.
Ako naman ay natutulala sa lintik sa gwapo nyang pagmumukha.
Ng napansin nyang medyo tumagal ang pagkakatitig ko ay sumilay ang ngiti sa labi nya. Nahihiyang tumikhim ako at noon lang napansin si Mira.
Binalingan ko sya sa likod para makitang halos hindi na humihinga.
Nakatulala kasi kay Lucas at nakanganga pa! Para syang batang nakakita ng nakakamanghang bagay.
I chuckled and poked her cheek. Mukhang nagising sya at inaayos ang sarili. Natatawa akong pinanood kung paano sya kiligin at mahiya sa inasta nya.
"A-ah, hi! Hello! Nice to see you-meet you! Ako nga pala si Mira!" Mukhang nanerbyos yata ang kaibigan ko.
Si Lucas naman ay parang natutuwa sa pagpapanic ng kaibigan ko.
Sumulyap si Luke sa akin at nagkibit balikat.
"Nice to meet you, too."
Nanlaki ang mata ni Mira bago ako binalingan. Tatawa-tawa lang ako.
"Wait for me on the garden," Sabi ni Lucas matapos Ang maikli nilanv pag uusap ni Mira. Tumango ako. Lumapit sya sakin at tumigil sa tabi ko. He leaned and whisper to my ears.
"Damn.. it's hard restraining to hug you.." he said and left with a smirk on his face.
...........
Nasa garden si Mira nang Iwan ko. Hinanap ko si Nanay sa kusina. Tatlo silang kasambahay dito. Si Nanay ang nagluluto at ang iba ay naglilinis.
"O, Eleah, hinahanap mo si Flore?" Bungad ni Ate Berna sakin. Galing sya sa likuran at nagpatuyo ng nilabhang damit.
"Oho, nandyan po ba sya? Sinabi ko sa kanyang pupunta ako ngaron rito," Sabi ko.
"Nasa bayan yon eh, sinamahan si Donya Romina magpacheck up,"
Kaya pala walang sumalubong sakin kanina. Lagi naman ako dito, kadalasan ay tumutulong akong maglinis dito. Istrikta si Donya Romina pero mabait sya sa akin. Lagi nya akong pinapapunta rito para umasikaso rin sa kanya.
Pumasok ako sa kusina at naabutan si Ate Jos na naghahanda ng meryenda.
"Meryenda nyo raw to utos ni Sir,"
"Ako nalang ho, salamat po," nagtimpla ako ng juice at dahil nakakahiya naman ay may nakita akong tinapay roon iyon nalang ang kinuha ko.
"Jos, tulungan mo nga akong kunin ang mga kubrekama sa taas." Narinig Kong kausap ni Ate Berna.
"Osige. Eleah, ikaw na ang bahala dyan ha," Pagkatapos noon ay nagpaalam na silang umalis.
Okay naman siguro ang tinapay na ito. Di naman maarte si Mira. Kumuha ako ng dalawang baso pero naisip kong baka kasama din si Lucas so tatlo na. I placed it on a tray with juice on a glass pitcher.
Tapos na kayang maligo si Lucas?
Kinuha ko ang phone at nilapag na muna sa malaking lamesa itong tray.
Tatawagan ko muna sya. Muntik na kami kanina, buti nalang hindi iyon napansin ni Mira.
"Ah!" Muntik na akong mapatalon ng may brasong yumakap sa akin mula sa likod.
YOU ARE READING
He Was My Ex,Now My Master
RandomEleah,simpleng babae na gusto lamang maghanap ng trabaho para may ipadala sa kaniyang pamilya at sa dalawa nitong anak ngunit paano kung ang pinasukan niyang trabaho ay magkita sila ng taong iniwan niya noon?at ang mas nakakagulat ay boss niya pa it...