CHAPTER 26

409 5 0
                                    

Habang nasa loob kami ay nakatanaw ako sa labas ng bintana kung saan may ilang pasimpleng dumadaan sa kalsada para makiusyuso.

Nasa lapag sina Luci, Luther at Lucas, naglalaro. May mat naman kaya hindi madumi ang semento pero hindi ko alam kung matatawa ako na makita si Lucas, na malaking taong, nakasalampak sa sahig.

Luci made a sound of a motor engine and crashed Luther's car, while Luther annoyed of what his brother did, avenge his car. Nagsunggaban sila ng laruan hanggang sa awatin sila ni Lucas sa malumanay na boses

"Masisira ang laruan nyo."

Lucifer pouted and resume playing. Nilingon ako ni Lucas at tumagal ang titig nya sa akin. Seryoso iyon. Nagbaba ako ng tingin habang nakaupo sa bamboo sofa namin. Is he mad?

Tumayo nalang ako para tulungan sina Nanay sa kusina. Naabutan ko syang nagluluto ng sinigang at kaldereta na hindi namin kadalasang gawin. When she saw me on the door frame, she sighed and gestured to come close to her.

She held my hand with a motherly love on her eyes for me.

"Maintindihan ko kung pipiliin mong mabuo ang pamilya nyo." She said with assurance of her words. It warms my heart. Hindi ko alam nay.. kung magiging kami ba uli.. paano ang kasal nila ni Thara?

I only sighed. "Sa Manila.." umpisa ko.

Napagpasyahan kong sabihin sa kanya ang totoong nangyari sa Manila, dahil alam kong naguguluhan sya sa mga nangyayari.

Nanay became attentive. Mukhang matagal na nyang hinihintay na marinig ang tungkol roon.

Ngumiti ako pero walang buhay iyon. Nagbaba ako ng tingin at bahagyang pinaglaruan ang kuko.

"Nagtrabaho ako kina Lucas. Sya ang amo ko roon." I said and the broad shock of my mother's eyes can't be denied. Nanlalaki ang mata at halos ngumanga pa. Natawa ako imbes na magseryoso dahil sa reaksyon nya.

"Bakit.." Parang ayaw nya paring maniwala hanggang sa sinipat nya ako ng tinging nang aakusa.  Umiling agad ako para dipensahan ang sarili.

"Hindi ko naman sinadyang maging amo sya! Nagulat rin ako sa nangyari pero malaki ang pasahod kaya hindi na ako umalis.. at hindi ko sinabi sa inyo dahil alam kong galit kayo sa kanila."

Sa huli ay ngumiti nalang si Nanay at hinaplos ang pisngi ko.

"Mahal mo pa ba?" Sa rahan ng kanyang tono ay masasabi Kong ang swerteng magkaroon ng ina. She will always there to understand and comfort me and I am so lucky for that.

"Mahal na mahal ko.." I said honestly.

"Mama!"

Natinag kami ni Nanay sa biglang pagtawag ni Lucifer sa amin. Agad kaming napatingin sa hamba ng pinto kung saan naroon ang mag ama ko. Buhat-buhat ni Lucas ang dalawa at nakatitig sa amin.

Mariin pikit ang ginawa ko. Nahihiya akong baka narinig nya iyon lalo na at kumurba ang nakakalokong ngisi sa labi nito. Mukhang narinig nga!

"Mama, let's play! Papa said we should include you!" Luci clapped and giggled. Tumango si Luther, sang ayon sa sinabi ng kapatid.

Tumingin ang dalawa sa ama, naghihintay sa sasabihin nito.

"U-uhh, yeah, let's play.. Mama.." And he looked at me sensually after mentioning the last word. Tumikhim ako at namula. Nilingon ko si Nanay na nag iwas ng tingin at nagpatuloy sa pagluluto.

"Okay."

Nagpaalam si Lucas kay Nanay na maglalaro lang nga raw sila- kami pala.

Nagkalat ang mga laruan ng dalawa sa sahig. Naupo ako at si Luther naman ay agad na lumapit sa akin para maupo sa hita ko.

He Was My Ex,Now My MasterWhere stories live. Discover now