"S-sir Lucas, nadulas h-ho kasi si Eleah-"
"Hindi yan totoo. She pushed me." Putol ko. Nanlaki ang mga mata ni Daisy at agad na naalarma.
Ako naman ay diretsyong tumitig sa mga mata ni Lucas. He is watching me with storm on his eyes.
"Why did you push her?" He asked Daisy, without tearing an eye contact on me.
"Sir, hindi ko ho sya tinula-"
"Why?" And he looked at her now. Napalunok si Daisy at nagsimulang maiyak. Ang dalawang kasama nya ay tahimik lamang.
Napangisi akong tumayo at nagpasyang ayusin na ang lahat.
"It's okay, I'm not hurt and I don't mind."
Lucas looked at me with disagreement on his face. Umiling ako, telling him to stop.
"But-"
"It's okay, Sir." Pinal na Sabi ko.
Nasulyapan ko sina Porlngi na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa aming dalawa.
Huminga ng malalim si Lucas at sinulyapan Rin ang tatlong kasamahan ko.
"You may go," he dismissed. Agad na umalis silang tatlo. Naiwan kaming nagkatingin sa isat-isa.
Lumapit sya sakin, malikot Ang mga mata sa bawat parte ng katawan ko.
"I told you I'm fine." Buntong hininga ko dahil mukhang hindi sya kombinsido. Napakaexaggerated naman kasi.
"I don't believe you, Eleah." Matigas nyang sabi.
Binalewala ko ang sinabi nya at bumaba sa kamay nyang may hawak na paper bag. Nakita ko ang isang mamahaling brand ng cellphone.
When he saw what I am looking, he then showed it to my face.
"This is... for you.." he said and looked away.
Hindi ko tinanggap. "Para saan?" Sa halip ay tanong ko.
"For the phone I broke,"
Naalala ko ang phone kong nagsira Lalo pero gumagana pa naman. Hindi ko alam na ganito pala kabait ang amo namin?
Natawa ako ng sarkastiko."Ayoko sir. Maraming salamat pero gumagana pa naman ang phone ko."
"But this is brand new. Mas mabuting ito ang gamitin mo,"
"Pero Mahal yan Sir. Ayoko ho."
Umirap sya, mukhang naiinis agad. "Then I'll cut this to your salary then."
Natawa ako. "Sa mahal nyan baka said kaagad ang isang buwan kong sweldo,"
Mukha syang irita. "Just accept this! As my apology!"
"I said no-"
"Or I'll fire you." Banta nya. Napaawang ang labi ko sa mangha at gulat. Umiwas naman sya ng tingin at tumikhim.
What is wrong with him?
"Okay fine, akin na!" Kinuha ko iyon sa kamay nya at umiwas ng tingin. Hindi ko sya maintindihan at ayoko nang intindihin pa. The more I think about him, the more it's not healthy for me.
Ngumisi sya at iniwan din ako roon pagkatapos.
Inangat ko ang supot ng bagong cellphone. Lalagyan palang parang ayoko nang galawin. It looks fragile and expensive.
I sighed and went into my room. Nilagay ko iyon sa drawer ko dahil wala akong balak na gamitin iyon.
Umupo ako sa sa kama at nagpasyang tawagan sina Nanay. Sandali lang dahil miss ko na talaga sila. Kahit sira na ang screen ng phone ko ay magagamit pa naman.
YOU ARE READING
He Was My Ex,Now My Master
De TodoEleah,simpleng babae na gusto lamang maghanap ng trabaho para may ipadala sa kaniyang pamilya at sa dalawa nitong anak ngunit paano kung ang pinasukan niyang trabaho ay magkita sila ng taong iniwan niya noon?at ang mas nakakagulat ay boss niya pa it...