CHAPTER 28

379 5 0
                                    

"Sigurado ka na ba dyan? Pasensya na ha.."

Ngumisi naman si Lucas, komportable sa pagkakaupo sa bamboo sofa namin. Alangan naman ako dahil sanay syang matulog sa malambot at komportableng kama.. ngayon, halatang maliit sa kanya ang upuang tutulugan. I gave him pillow and blanket but that is not enough. Masyadong maliit sa kanya ang upuan at sigurado akong sasakit ang likod nya roon pero wala syang sinabing reklamo.

Tatay's word is absolute. Lucas is sleeping here. Kinausap ko n naman syang umuwi nalang at bumalik bukas pero ayaw nya. He wants to stay and because of that, he's sleeping in our uncomfortable sofa. Although, we have a kids and even.. slept together.. err, my parents still wants us to sleep separately until we are not married yet.

"Huwag kang pumasok sa kwarto ni Eleah at malalaman mo." Banta ni Tatay kay Lucas. Ngumisi si Lucas sa akin at nagkibit-balikat.

Kailangan ko naring matulog dahil malalim na ang gabi. Tulog na ang lahat pero alangan lang ako na iwan si Lucas dahil malamig at matigas ang hihigaan.

Nakatitig lamang sa akin si Lucas, naaaliw sa akin. Umirap ako at sinulyapan ang tahimik ng kwarto nina Nanay. May kurtina Naman kaya hindi nila makikita kung papatulugin ko si Lucas sa kwarto.. matutulog lang naman. Walang ibang gagawin..

He chuckled softly, very amused. Salubong Ang kilay na nilingon ko sya. He reached out my hand. Pinisil nya iyon at pinatiling hawak.

"I'm fine here, Eleah. Wag ka ng magplanong ipuslit ako sa loob dahil gusto kong irespeto ang desisyon ng magulang mo. At saka.. habang kaya ko pang magpigil, matulog kana." The last word he said put an evil smirk on his face

I blinked multiple times as my face heated up. My insides shivered because of that.

Tumango ako at tumalikod na para umalis pero hinigit nya ang hindi binibitawang kamay. Pinigilan kong huwag tumili sa gulat. I landed on his lap.

Natukod ko ang dalawang kamay sa dibdib nya habang nakapalibot ang braso nya sa bewang ko. Naghuhurumentado na naman ang puso ko. Gustong-gusto na kumawala sa loob.

Sa lapit ng mukha nya ay ramdam ko ang mainit nyang hiningang pumupukol sa mukha ko. Marahan at masuyo ang dampi ng kanyang titig. He tilted his head and kissed my jaw.  It was very passionate and electrifying. Nanginig ang laman ko sa boltaheng kuryenteng dumaloy sa akin. Sunod nyang nilandas ang pisngi ko at nag iwan ng maliliit na halik. Pumikit ako at dinama ang kiliting nararamdaman.

"I love you.. have a good night." Rinig na rinig ko ang ngiti sa bawat sinabi nya. Until he reach out my lips. Marahan at Nanunudyo nya iyong hinalikan. I opened my mouth and was ready to accept a more deeper kiss but he stopped!

He chuckled and held me a bit away from him. My drunken eyes opened to look at him, very unsatisfied from short kiss we shared. Medyo irita din ako dahil binitin nya.

"It's time for bed, baby. Please let's sleep or else I'll be rude to your parents." He said, pertaining to us sleeping separately.

I sighed and stand up. Hindi nya ako pinigilan pero kita ko ang paglunok nya na parang pigil na pigil ang sariling hilahin ulit ako.

Trying to be a good boy huh? Let's see.

Ngumiti ako ng matamis at yumuko para humalik. I touched his chin and pull it towards me. Nanigas sya sa ginawa ko lalo na ng dampian ko iyon ng malalim pero mabilis na halik. Lumayo ako ng konti para bumulong.

"Goodnight, love. Hmm, I'm sure I'll be sleeping peacefully now." I left with a smirk on my face. He muttered curses and almost pulling me to him but I swiftly got away before he could do that.

He Was My Ex,Now My MasterWhere stories live. Discover now