"Tara! Milktea!"
Saglit kong tiningnan si Stan at bumalik ulit sa binabasa kong libro. Paalis na sana sya ng mapansin nyang hindi ako sumusunod sa kanya kaya bumalik sya.
"Ano?"
Inis nya ako tiningnan "Kahapon sumama ka kayna Lumi tapos ngayon sakin tinatanggihan mo." may bahid ng nagtatampo nyang sabi.
Tsk! Ganito na ba talaga lagi? Alam ng mga kaibigan kong hindi ako gimikera dahil si Lumi yon.
"Si Lumi isama mo g yon sa gimik tsaka busy ako." Palusot ko na lang kahit na hindi dahil tinatamad talaga ako at gusto kong matapos ng maaga ang mga pinagagawa samin.
Napakamot sya sa batok nya at mukhang problemado ang loko. Anong problema nito? At nang paalis na sana ako ay bigla nyang hinawakan ako sa kamay.
"Ano na naman?"
"Please pumayag kana!" desperado nyang pakiusap.
Kaya ngayon ay nasa loob kami ng Jabi at nagkain ng inorder nyang isang bucket ng chicken joy na paborito nya at sundae at fries.
"Ano ba yon?"
Napabaling agad sya sakin "Ha?"
"Alam ko namang may itatanong ka kaya hindi si Adie ang pinilit mo." Ani ko sa kanya ng tingnan nya ako ng may pagtataka.
"Ano bang dapat kong gawin para iparamdam ko sa isang babae na special sya?"
Halos masamid ako sa iniinom mo dahil sa tinanong nya. Never syang nagtanong o nag-open ng ganoong topic. Kaya talagang kahit sinong nasa posisyon ko ay talagang magugulat. At ngayon ko naiintindihan kung bakit hindi si Adie o si Nickiey ang sinama nya dahil tatawanan lang sya ng dalwa panigurado.
"Seryoso ka?! Hindi ba pwedeng sa tawag mo na lang itanong yan?!"
Napangiwi sya sa reaksyon ko. "Eh! Basta sagutin mo na lang."
Tingnan mo talaga to. Sya na nga may kelangan sya pa galit. Sasagot na sana ako ng may tinatawag sya sa likod ko.
"Raize! Tol musta?" kaswal na bati nya.
"I'm doing fine," rinig kong sagot ng isang pamilyar at baritonong boses.
Wala sana akong balak tumingin pero sa narinig ko ay kailangan kong kumpirmahin. Agad akong bumaling sa likod ko at doon ko napagtantong sya yung manyak na lalaki kahapon sa bar. Nanlalaki ang mga mata ko at napaduro sa kanya habang masama ang tingin.
"Magkakilala kayo?"
Agad akong bumaling kay Stan. "Kilala mo yang manyak na yan?!"
"Were friends." Sabat ng manyakis na makapal ang mukhang tumabi ng upo kay Stan
Sinamaan ko agad sya ng tingin. "Ikaw ba tinatanong ko ha?!"
"You didn't say a name," ngisi nya sa akin na halatang nang-aasar.
"Kahit na! Masama kayang makisabat!"
Natawa sya ng mahina. "Yeah? With the talk of elders."
"That's rude kaya!" giit ko.
I've never been this annoyed with my entire life. Mukha pa lang nya naiinis na ako lalo na kapag naaalala ko ang panakaw nyang halik.
Manyak kasi!
"Ano ka bata?" Umangat ang sulok ng labi nya.
Lalo akong nainis sa pinagsasabi nya. "Kaya ka ba nabuhay ay para pakuluin ang dugo ko? Ha?!"
Pero sa halip na mainis ay nginisian lang nya ako and I hate to admit it but he looks kinda hot. Tsaka hindi ko sya pinagpapantasyahan dahil kanina pang halos mabali na ang mga leeg ng mga babae dito sa kakapantasya sa dalawang kasama ko.
YOU ARE READING
Under the Pressure (De Silvianne Series #01)
RomanceDe Silvianne Series #01 [On Going] | UNEDITED Kienne's living a peaceful life not until, Raize Selaide the known player of hearts aim to play hers. ***** A straight dean lister and top law student. Cage with people's expectations, Kienne lost hers...