"How are you going to tell them, then?"
Napabuntong hininga ako sa tanong ng pinsan kong si Lexus. Hindi ko alam ang isasagot ko. What am I supposed to do?
I don't know. Im clueless.
Napailing sya at saka sumandal sa sofa "I don't know why are you frustrated and anxious with how they will react," kibit nya. "Relax and just enjoy your life, sis." tapik nya sa aking balikat.
Matalim ko syang tiningnan, "You mean? Enjoy my failed grades?No thanks." Napairap ako sa kawalan at saka sumubo sa ramen ko.
“You just give me an idea!” Bigla ay abot-tenga nya akong nilingon.
Tinaasan ko sya ng kilay.
He playfully grinned at me “Mission book!”
Ngiwi na lang ang naibigay ko sa kanya. May mission book kasi syang tinatawag, where in he makes to do list. And that's all so crazy! There's one time na bumili sya ng pizza store para daw lagi syang may libreng pizza at makatipid sya. At nang ipaliwanag ko sa kanyang hindi sya makakatipid lalo ay worth it naman daw dahil naicheck nya daw yon sa to do list nya.
Kinabukasan ay umuwi kaming magpinsan sa San Estellita. Tinatawanan nya lang ako habang nasa daan dahil para daw akong natataeng ewan. Namamawis na ang mga palad ko at kumakabog ng malakas ang dibdib ko habang nasa loob ng sasakyan.
Habang ang bwisit kong pinsan ay kanina pa akong inaasar. Pero sa totoo lamang ay parang pasok sa tenga at labas sa kabila ang nangyayari dahil nililipad ang isip ko sa pwedeng mangyari mamaya. Just the thought of their disappointed faces is even making my heart beat race.
“Have you checked it, already?” Masuyo nyang tanong habang papalapit na ang kotse sa mansyon.
“Hindi pa,” Iling ko.
Sinalubong kami ng mga kasambahay na agad kaming tinulungan sa aming mga dala-dala. Ani ng mga ito ay narito daw ang mga magulang ko na lalong nagpadagundong sa aking dibdib. Napagdesisyunan kong matulog na lang muna ang pagod at isipin ko. At nagising ako sa katok ng kasambahay na pinapababa na ako para sa hapunan.
Habang pababa ng hagdan ay hindi ko mapaigilang mapahawak sa aking damit. Rinig ko habang papalapit sa hapag ang tawanan nila. Naroon na si Lexus na nakikipagtawanan kayna lolo at daddy. While, my mother? There, sitting elegantly and eating her dinner gracefully.
Her eyes darted towards me that made me unconsciously gulped. Bigla akong naistatwa sa paninitig na ibinibigay nya sa akin. Animo'y may nagkakarerahang kabayo sa aking dibdib at namamawis ang aking mga palad. Tinaasan nya ako ng kilay na para bang nagtatanong kung bakit hindi pa ako lumalapit.
And as if it's my cue, I silently walked towards them. Naupo ako sa tabi ni Lexus at halos hindi ako makatingin ng maayos kay mommy. Habang nakain ay kahit rinig ko ang pinag-uusapan nila ay parang hindi ko rin maintindihan. I couldn't help but to think of how am I supposed to tell them that I failed a subject.Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib lalo na nang tawagin ako ni mommy.
“Y-yes mom?” Napalunok ako.
She gracefully wiped her lips before paying me attention. "How's school?" she raised a brow.
I could feel my palms sweating “Still s-school,” utal kong sagot.
“You know what I mean,” Tumaas ang kilay nya saka sarkastikong natawa. “Your grades.”
Napalunok ako “I haven't checked it, po.”
“Really?” Her brow raised and she chuckled gracefully but sarcastically “We'll talk later.”
YOU ARE READING
Under the Pressure (De Silvianne Series #01)
RomanceDe Silvianne Series #01 [On Going] | UNEDITED Kienne's living a peaceful life not until, Raize Selaide the known player of hearts aim to play hers. ***** A straight dean lister and top law student. Cage with people's expectations, Kienne lost hers...