Law school is hard, they say. But not for my parents, especially for my mom. Kaya ngayon ay pinipilit ko ang aking sarili na paniwalaan lahat ng sinasabi nila. They say I just need to study real hard so that I won't fail that's why I'm doing it. Kaya strangers na kami ng salitang pahinga. Dagdag pa ang mga biglaang recitation at tambak na case digest. Halos hindi na ako makaintindihan sa kababasa ng mga law procedures.
Akala ko dati sapat na ang time management kapag nasa law school. I guess, they're all busy telling that I can easily ace here that they missed something. Nakalimutan ata nilang kailangan mo ring kalimutan na tao ka parin. Kaya ayaw ko nang maniwalang matalino lang ang nag-eexcel dito. Dahil gaano ka man katalino kapag hindi mo nabasa at naintindihan ang mga kaso ay mapapareklamo ka na lang kung bakit bente-kwatro lang ang oras sa isang araw.
"Guys, hanggang saan ang nabasa nyo?" balisa at kagat daliring tanong ni Clara.
"Sana hindi ako matawag!" mahinang usal ni Andrey na kanina pang hindi mapakali sa upuan.
Hindi na ito bago sa aking pandinig. May nakita pa nga akong paulit-ulit na nag-aabe maria sa may unahan ko.
Anong magagawa n'yan kung di naman binasa?
"Flores, define direct assault."
Tila ay may kung anong natanggal na tinik sa aking dibdib at nakahinga ako ng maluwag. Ngunit, kasabay nito ang aligagang pagtayo ng block mate kong si Winslet.
"Uhh.. Sir, s-sorry that's not on the readings p-po."
Agad na nagsalubong ang kilay ng prof sa unahan. "Ano ka bobo o bulag? Kahit ipabasa mo sa akin 'yang mga readings n'yo ay may maipapakita ako." Bagama't kalmado ay may bahid ng inis na sabi nya.
Napahinga ako ng malalim sa sama makatingin ng prof namin sa crim. Yung tipong para bang nagsasabing babagsak ka first sem pa lang dahil sa kanya.
"Oh! Sinong nagsabing maupo ka?!" gigil nyang sita ng mauupo na sana si Winslet.
Napapayukong muling tumayo ng ayos si Winslet. Halos hindi makaintindihan kung papaanong tayo ang gagawin at tila ay mabubuwal na sa kinatatayuan.
"Hindi ka uupo hangga't walang nakakasagot ng tama." I felt my heart skip a beat when the professor suddenly looked at me pinching the bridge of his nose. "Madriaga, define direct assault."
"Direct assault is a violation committed when a person attacks, employs force or seriously intimidate a person in authority in official duty." I managed to say it out loud. "In other words, if the person to be arrested attacks a police officer in charge of arresting with the order of law that is when direct assault is committed." dagdag ko pa.
A smile forms in his lips as he nodded. "Very good, Madriaga." Mauupo na sana ako ng muli syang magsalita. "How about sharing your graded recitation for today to miss Ramos?"
Napakurap-kurap ako sa kawalan ng sabihin nya iyon. Muli akong napabaling ng tingin kay Winslet na may bakas ng pag-asa sa kanyang mukha. I heard about her failing grades, really. First year palang namin ay mukhang hindi na sya makakapasa.
Huminga ako ng malalim at dumiretso ng tingin. "No, sir. I can't share mine."
"Kienne, buti ka pa tiga dito talaga sa DSU!" May laman pa ang bibig ni Clara nang sabihin iyon. "Shet! Ang daming gwapo dito eh!"
Natawa na lang ako sa asal niya. Hindi ko maikakailang marami ngang gwapo dito sa university na 'to. Ngunit kahit na ganoon ay hindi na sumagi sa isip ko na magkaroon ng kahit flings sa isiping distraction lang iyon. Wala na namang nagtangka na umalok ng date o ligaw pero talagang makapal lang ang mukha ni Raize at di maalam tumanggap ng rejection.
YOU ARE READING
Under the Pressure (De Silvianne Series #01)
RomanceDe Silvianne Series #01 [On Going] | UNEDITED Kienne's living a peaceful life not until, Raize Selaide the known player of hearts aim to play hers. ***** A straight dean lister and top law student. Cage with people's expectations, Kienne lost hers...