18

6 2 0
                                    

"Congrats, bhie!"

Agad akong ikinulong sa mainit na yakap ng maluha-luhang si Lumi. I also felt my eyes tearing up. Natawa na lang ako habang mahigpit ang yakap namin sa isa't isa.

"Congrats sa inyo ni Stan," salubong sa akin ng nakangiting si Fiorie, "Pray mo kami naman sumunod."

Ngumiti rin ako at tumango habang pinapahid ko ang mga luha sa aking mata. I still feel like my heart is dwelling in joy. Who would have thought na makakagraduate ako? At may sabit pa! Matapos ng lahat ng pagod, puyat at iyak ko ay sa wakas ay tapos na ang college life ko!

"Congrats, Yen!" niyakap rin ako ni Adie "O! Iiyak ka na naman! Ako lang to! Relax, Kienne Celestia!" halakhak nya ng maiyak na naman ako.

Agad akong nagpahid ng luha, "Tears of joy.."

"Congrats par!" ani Russell habang nakatutok sa akin ang kanyang camera.

"Thank you,"

Napagpasyahan naming magpicture magkakaibigan. Ani nga ni Lumi ay para may inspiration sya pag tinatamad syang mag-aral.

"Come here, anak." agad akong napalingon kay daddy na kasama si mommy.

"Yes, dad?"

He smiled at me before handing kuya Jeff, his secretary his camera. Napicture din kaming tatlo habang ako ang nasa gitna ng dalawa. Mom even handed me a paper bag with a famous jewelry brand imprinted on it. At nang buksan ko ay may lamang diamond jewelry set na paniguradong maiimbak lang sa aking lalagyan.

"Dad!" ngingisi-ngising kong inilahad ang aking palad sa kanya.

Kumunot ang noo nya ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. "What is it?" sabay luwag nya sa necktie nya.

"Where's my gift?" biro ko sabay taas baba ko sa aking mga kilay.

May dinukot sya sa bulsa nya sabay patong nito sa aking nakabukas na palad, "Here,"

Nanlaki ang mata ko at tinitigang mabuti ang susi sa aking kamay. "BMW?!"

"Uh-huh,"

Agad ay mahigpit akong napayakap sa kanya, "Thanks, dad!"

"Congrats, Yen!"

Agad akong napangiti nang ibaling ko ang aking paningin sa aking dalawang pinsang si Lexus at si Adrian na nakatuxedo pa. May hawak si kuya Adrian ang paper bag na may tatak ng paborito kong pastry shop. Lalo tuloy akong napangiti doon.

"What's that?" Halos mapunit na ang aking mukha sa lawak ng aking pagkakangiti habang pilit itong dinudungaw.

Napanguso si Lexus, "Inuna mo pa yan! I congratulated you!" nagtatampong sabi nya.

Napasinghap sya at napanganga ng binalingan ko lang sya sabay hablot sa paper bag. Napangiwi na lang si Adrian dahil sa marahas kong paghablot.

"Won't you ask if that's for you?" ngiwing tanong nya. "Paano kung di yan sayo?"

Kumibit balikat lang ako, "Of course! That's for me! Don't tell me may pagibibigyan ka?" biro ko na dahilan kung bakit agad na nagsalubong ang kanyang kilay.

Niluwagan nya ang kanyang necktie habang panay ang paypay ng kanyang kamay, "Fuck it! Ang init!" reklamo nya kahit na hindi naman gaanong kainit palibhasa'y talagang sobrang arte.

"Uy! Kienne lods! Picture daw kayo ng beshie ko!"

Malokong tinulak ni Nyx si Raize na nagpaulan naman ng malulutong na mura. At sa likod nila'y doon ko namataan ang nakasimangot na si Natalia.

Under the Pressure (De Silvianne Series #01)Where stories live. Discover now