𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄 (𝐑-𝟏𝟖)

17.6K 301 5
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

WARNING R-18🚨⚠

Nakatulogan ko ang pag-iyak. Nagising ako na parang may mabigat na bagay na nakadagan sa akin at ng imulat ko ang mata ko ay sumalubong sa akin ang mahimbing na natutulog na si Ken bahagya pang nakanganga ang bibig niya at marahan siyang naghihilik siguro ay pagod na pagod siya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Para siyang inosente kapag tulog. Nakayakap ang mga braso niya sa akin nakadantay din ang isang legs niya.

Dahan-dahan kong inalis ang braso niya pagkatapos ang legs niya. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Masakit pa rin ang pagitan ng mga hita ko pero hindi na gaano.

Pagkatapos maligo ay lumabas na ako nakatapis lang ako ng tuwalya tila ba nawalan na ako ng pakialam kung makita man ako ni Ken ng ganito.

Pagod na akong itaboy siya hindi rin naman siya nakikinig.

Paglabas ko nga ay gising na siya nakaupo na siya sa kama habang nakatingin sa akin. Bahagya pa siyang humikab, nagkalat ang buhok niya. At aminin ko man o sa hindi pero ang gwapo niya kapag bagong gising siya.

Nakatitig siya sa akin kitang-kita ko paano siya napalunok.

Nagpatuloy ako sa closet ko.

Nagsuot lang ako ng puting summer dress para mas comfortable akong gumalaw inilugay ko lang ang mahaba at itim na itim kong buhok.

Paglabas ko ng closet ay nasa kwarto ko pa rin si Ken. Hindi ko siya pinansin naupo ako sa harap ng vanity mirror at inilabas ko ang aking blower kailangan kong patuyuin ang buhok ko. Dahil mahaba iyon kaya kailangan ng blower upang mas mabilis matuyo.

"Let me." kinuhi ni Ken mula sa akin ang blower at siya na ang nag-on niyon. Hindi na ako kumontra wala rin na mang pupuntahan.

Kinuha niya ang suklay ko at sinimulan na niyang tuyuin ang buhok ko. Habang ginawa niya iyon ay napatitig ako sa kanya mula sa repleksyon niya sa salamin.

Seryoso siya habang blino-blower ang buhok ko. Para bang alam na alam niya ang ginagawa niya. Nakikita ko pa siyang ngumingiti na para bang kay saya niya sa kanyang ginagawa.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na niya iyon. Tumayo na ako, siya na rin ang naglagay sa drawer ng blower.

"What do you want to eat?" tanong ko sa kanya. Tila nagulat pa siya sa naging tanong ko.

"You." Pilyo niyang tugon, tinaasan ko siya ng kilay. " I mean anything you want." Pagpapalusot niya.

"Kapag ba nilutoan kita ng palaka kakain ka?"

Umawang ang bibig niya sa tinanong ko. Kalaunan ay ngumisi siya. "Basta ba ikaw ang nagluto why not." Saad niya.

Nagkibit balikat ako at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Pagdating sa kusina ay agad akong nagtungo sa ref naglabas ako ng karne ng baboy at iba pang sangkap sa pagluluto ng sinigang.

Habang binababad ko ang karne sa tubig para mawala ang yelo ay nagsaing na rin ako ng kanin. Pagkatapos ay hinanda ko na ang ibang sangkap.

Tamang-tama pagkatapos kong magluto ay bumaba si Ken halatang bagong ligo ito dahil may mga butil pa ng tubig ang tumutulo mula sa buhok nito pababa sa leeg nito. Nakasuot lang siya ng itim na cargo shorts at isang puting sando rin, naka balandra ang mga tattoo niya sa braso. Hindi ko alam kung ano ang mga tawag sa mga tattoo, pero pormang ibon, octopus at butterfly at may dragon din sa tagiliran niya na tanging dulo lang ang nakikita dahil natatabuhan iyon ng suot niyang sando.

𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon