CHAPTER TWENTY EIGHT
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜Hindi nakatugon si Ken sa naging tanong ko. Natahimik siya at inasikaso na lang ang pagkain namin.
Tahimik kaming kumakain. Minsan ay napapatingin sa akin pero hindi ko siya binibigyan ng pansin.
Pagkatapos naming kumain ay niligpit na niya ang pinagkainan namin. Lumabas siya ng kwarto at hinayaan lang niyang nakabukas ang pintuan.
Sumunod ako sa kanya sa baba at nakita ko ang isang babaeng naglilinis ng sahig. Tumingin ito sa akin at ngumiti. Tinanguan ko siya bago nilampasan at sinundan si Ken sa kusina. Naabotan ko siyang naghuhugas nang pinagkainan namin.
“Ken, I need to go.” nahinto siya sa paghuhugas at tumingin sa akin.
“Bakit ka sumama kay Stell kung wala kayong relasyon?” imbes na sagutin ang sinabi ko ay nagtanong siya.
“Sinabi ko na sa 'yo kung bakit, Ken.” sasabihin ko ba sa kanyang kakambal ko si Stell? Siguro wag na.
“Ken!?” napalingon kami sa pintuan ng kitchen ng may babaeng tila galit na galit ng tawagin si Ken. Bumungad sa akin ang mukha ni Katie. Buhaghag ang buhok nito at namamaga ang mga mata na tila ba galing ito sa pag iyak. Hindi niya ako napansin dahil kay Ken dumiretso ang kanyang tingin.
“Kati—”
“Bakit mo sinabi kay Stell na may anak kami!? Tumawag siya sa akin at tinatanong kung totoo ba ang nalaman niya!? You promised not to tell him!” bulalas nito. Nagsimula itong umiyak. Mabilis na nilapitan ito ni Ken at pinaupo sa upuan.
“I'm sorry—”
“Kukunin niya sa akin ang anak ko! Paano na ako? Mamatay ako kapag kinuha niya sa akin ang anak ko!” hagulgol nito. Niyakap naman ito ni Ken.
Kahit hindi ko gustohin ang nararamdaman ko pero may kunting hapdi akong naramdaman ng yakapin ito ni Ken. Aminin ko man o sa hindi I still have feelings for him. Hindi naman talaga iyon nawala sa pitong taong nakalipas. Hindi ko sinubukang magmahal ng iba. Nag-focus ako sa mga anak ko at sa negosyo at hindi sumagi sa isipan ko ang maghanap ng lalaking mamahalin.
“Theresa?” napakurap ako ng marinig ang pagtawag ni Katie. Ngayon lang niya ako napansin.
Tipid akong ngumiti. I don't know how to react. Gulat ang tinging ipinukol niya sa akin. Maging kay Ken ay gano'n din.
“So nagkita na pala kayo?” Hindi ko siya tinugon. Saglit ko lang siyang tiningnan pero napansin ko na maputla siya. Siguro nga nag-aalala lang siya na kunin ni Stell sa kanya ang mga bata pero Hindi naman gano'n si Stell.
Tumingin ako kay Ken.
“Hihintayin kita sa kwarto pagkatapos niyong mag-usap,” Saad ko. Hindi ko na hinintay na tumugon si Ken, nagtungo na ako sa kwarto. Kailangan ko siyang hinatayin dahil kailangan ko ang bags at mga damit ko. Kailangan ko ng makaalis dahil marami pa akong kailangang asikasuhin.
Inilabas ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Stell. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sigurado akong nagulat siya at prinoproseso pa niya sa utak niya ang nalaman. Parang mali atang binigla ko siya. Pero mas okay na iyong sinabi ko sa kanya agad. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya, tila ba wala siyang idea na na may nangyari sa kanila ni Katie. Siguro ay lasting siya at wala siyang maalala, lasinggo pa naman si Stell
Ano kayang mararamdaman ni Ken kapag nalaman niyang may anak kami?
Magagalit ba siya? Tatanggapin niya ba ang mga anak namin?Ha! Bakit ko pa iniisip ang mga 'yon? Wala na akong balak na ipaalam sa kanya’ng may anak kami. Magugulo ang buhay nila ng asawa niya, masasaktan lang din ang mga anak ko.
Napahiga ako sa kama. Tumingala sa kisame. Nagugulohan ako. Sobrang nagugulohan ako. Bakit hinayaan ko na namang may mangyari sa amin ni Ken? Alam kong may asawa na si Ken pero hinayaan ko pa ring may mangyari sa amin. Putang ina, Jane! Isa ka talagang malandi!
“Bella, why are you crying?” napabangon ako ng marinig ang naging tanong ni Ken. Agad kong kinapa ang mukha ko basa nga ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
“Bella?” untag ni Ken sa akin.
Pinunasan ko ang mga pisngi ko at nilingon si Ken.
“Kailangan ko ng umuwi, Ken.” Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa akin. “Kailangan ko ng umuwi dahil may mga negosyo akong kailangang asikasuhin, hindi mo ako pwedeng ikulong dito,” Hindi niya pa rin ako tinugon.
“Can I ask you something?” maya-maya lang ay tanong niya.
“Hmmm?”
“Kung hindi kayo magkarelasyon ni Stell then why do you have a photo together?” kumunot ang nuo nito pagkatapos iyong itanong.
Hindi pa rin ito naka-move on sa picture namin ni Stell.
“Stell is special for me.” nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Iniiwas niya ang tingin sa akin. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya at pag-alon ng lalamunan niya. Kinuyom niya ang mga kamao niya.
Bakit ba siya umaakto ng ganito? Bakit hindi na lang niya ilaan sa asawa niya ang atensyon niya? Ang ganda ng asawa niya at halatang mahal na mahal siya. Bakit hindi na lang siya makontento doon?
“Bakit mo ba tinatanong ang mga 'to?”
Lumingon siya sa akin at pinakatitigan ang kabuohan ng mukha ko.
“Because I—” hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang babaeng kanina ay naglilinis ng sahig. Hindi ba siya marunong kumatok? Paano kung ganyan din siya kanina habang nagtatalik kami ni Ken? Edi nakita niya kaming hubo't-hubad.
“Sir Ken, nasa baba po si Sir Vester, gusto po kayong makausap.”
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ng babae. Napababa ako sa kama at napatayo.
“N-nasa baba si Vester?” nautal na tanong mo.
Tumango ang babae bago tumalikod at umalis.
“I need to talk to him—”
“No! You'll stay here!”
Mabilis akong napalingon kay Ken ng marinig ang galit niyang sigaw.
“What?!”
“You stay here at hindi ka makikipag-usap sa daddy ko.” biglang nagdilim ang tingin nito sa akin. Ngunit hindi ko iyon pinansin.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at tinungo kung nasaan si Vester. Narinig ko ang pagtawag ni Ken sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Nagmadali akong bumaba. Naabutan ko sa sala ang nakatalikod na lalaki.
“Vester?!” Tawag ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya ng marinig ang pagtawag ko. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at ng tuluyang makalingon ay umawang ang bibig nito at nanlaki ang mata. Humakbang siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at pinakatitigan ang mukha ko.
“Maria Theresa?!” mahina at halatang hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi ko mapigilang mapahikbi.
Niyakap niya ako at sa pagyakap niya sa akin at tuluyan na akong napahikbi.
“Vester. . . I-im sorry. . . I'm s-sorry.” paulit-ulit na sambit ko. He tapped my back. Tinanggal niya ang pagkakayap namin. Ikinukong niya ang mukha ko sa palad niya, pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya.
“Oh Jesus! I been looking for you Theresa! Where have you been, Maria Theresa?! Pinag-alala mo ako!”
AVYANNALAVELLE
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
General FictionCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...