𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜“I'm sorry. . .” Niyakap ako ni Ken. Pareho pa kaming basa.
“Nilalamig na ako,” mahinang saad ko. Nanginginig na ako.
Kumawala siya sa yakap. “Sorry.” sambit niya at binuhat niya akong muli. Hindi na ako nagreklamo kahit na nang pumasok na kami sa banyo ay hindi ako nagreklamo pa.
Tahimik lang ako. Tinulungan niya akong maligo. Ingat na ingat siya sa paglalagay ng shampoo sa ulo at sabon sa katawan ko.
Nakikita ko ang pag-igting ng panga niya sa tuwing may makikitang gasgas sa hita ko. “Pasensya na kahapon kung nagtaas ako ng boses. Kakagaling lang kasi ni Katie sa operasyon, hindi siya pwedeng masaktan. I hope you understand,” malumanay niyang ani.
Kahit naiintindihan ko naman ang pinupunto niya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng selos. Nasaktan at iniyakan ko kagabi ang pagtaas ng boses niya. Hindi ko alam kung bakit sobrang sensitive ko ngayon. Naiiyak na lang ako bigla sa mga walang kwentong bagay.
Pagkatapos niya akong paliguan ay tinulongan na rin niya akong magbihis. Pagkatapos ay siya na ang naligo.
Nanatili lang akong nakaupo sa bed habang naliligo si Ken.
Bumalik sa isip ko ang mga sinabi ko kay Katie last time. ’Yong pagtawag ko sa kanyang makati dahil lang sa sinabi niyang gusto niyang sila ang magkatuloyan ni Ken. Hindi ko dapat siya tinawag na ganoon dahil sa aming dalawa ako ang dapat natawaging makati dahil ako ang may asawa at ang asawang iyon ay may anak na na hinahayaan kong landiin ako.
Tumayo ako at kinuha ko ang cellphone ko na nasa handbag ko. Low battery iyon kaya pati ang power bank at wire ay kinuha ko na rin para i-charge. Maliit lang ang power bank kaya madali lang bitbitin, full charge din iyon.
I decided to go down. Pagkalabas ko ng room ay nakasalubong ko si Stell may dalang tray ng pagkain.
“Hi, dadalhan sana kita ng pagkain.”
Huminto ako sa paghakbang.
“Salamat.” Kukunin ko sana sa kanya ang tray pero ng makita niyang may mga hawak-hawak ako ay hindi niya iyon ibigay.
“Lagay ko nalang sa room mo.”
“'Wag na, plano kong mag-stay sa terrace. Doon na lang din ako kakain, kung hindi kalabisan pwede bang doon mo nalang ideretso ’yan?” tanong ko.
He smiled and nodded.
Medyo masakit ang tuhod ko pero kaya ko naman. Gusto ko lang talagang sa terrace mag-stay para makalanghap ng hangin kahit papaano. Sobrang dilim na at wala ng ulan at medyo mahangin at iyon mismo ang gusto ko.
Nang makarating sa terrace ay ipinatong ni Stell ang tray sa table. Naupo ako sa upuan at ipinatong ko rin doon ang power bank. Nag-focus ako sa cellphone ko kaya hindi ko napansin kung umalis na ba si Stell o hindi pa.
Naramamdaman kong may tumitig sa akin mula sa likuran kaya napalingon ako at bumungad sa akin si Stell.
“Bakit?” tanong ko sa kanya. Mariin kasi ang naging pagtitig niya sa akin nang mabungaran ko siya. Nagsalubong ang kilay niya na para bang sa uri ng titig na iginawad niya sa akin ay para bang matagal ba niya akong kilala ngunit hindi lang niya maalala.
Ngumiti siya at umiling. “Wala, kumain ka muna baka lumamig na iyang pagkain.”
“Sige, salamat.” saad ko.
"May gusto ka pa bang ibang kainin?" Malumanay niyang tanong.
"Wala na, sobrang salamat para dito at sa pagtulong mo sa akin kanina. At pasensya na sa ginawa ni Ken sa 'yo, nakakahiya ako pa ang rason kung bakit kayo nag-away at kung bakit ka nasaktan." Saad ko na nahihiya.
"Don't worry, wala kang kasalana huwag mo ng alalahanin." Saad niya at ngumiti pagkatapos ay nagpaalam na siyang baba na.
"Salamat ulit."Tumango siya bago tuluyang umalis at tumalikod.
Nang makaalis si Stell ay ibabalik ko na sana sa cellphone ko ang atensyon ko ng makita ko si Katie papalapit sa kinaroroonan ko. Sobrang sama ng tingin nito sa akin.
“Pati ba naman si Stell ay gusto mong landiin?” bungad niya sa akin.
Kumunot ang nuo ko pero agad ding tumaas ang kilay. Ayaw ko sana siyang bigyan ng pansin pero ng marinig ang sunod na sinabi niya ay hindi ko mapigilang mapatayo. “Alam mo bang may nalaman ako? Asawa ka ng tatay ni Ken? Ginawa mong kabit si Ken. Wow! Hindi ka ba nahihiya sa mga pinaggagawa mo? You look innocent pero malandi ka naman pala—”
“Tumahimik ka!”
“Pagkatapos mo kay Ken, gusto mo si Stell naman? Baka gustong mong gawing kabit lahat?! Baka pati si Pablo at Josh? Ganyan ka ba kalandi at gusto mo lahat matikma—” Hindi ko siya hinayaang tapusin ang sasabihin niya. I pushed her. Lumagapak siya sa sahig. Hindi siya naka-imik.
Namutla siya.
Hindi pa ako nakuntento ay kinuha ko ang pagkaing dala ni Stell at ibinuhos ko iyon sa kanya.
Her eyes widen. Maya-maya lang ay pumuno ang malakas na pagsigaw niya.
"Ahhhh!"
Dahil sa oagsigaw niya ay mas lako pa akong nanggigil. Ini-angat ko ang kamay ko para sana ihampas ang tray ngunit nabitin sa ere ang kamay ko ng makitang sumulpot si Ken sa kung saan.
“Bella, what happened—Katie!?” naputol ang sasabihin niya ng makitang akasalampak sa sahig si Katie, namumutla at namimilipit sa sakit habang balot na balot ng ibinuhos kong pagkain. “Anong ginawa mo?!” galit na sigaw ni Ken sa akin. Hindi ako nakatugon. Bigla akong dinaga ng takot. Nabitawan ko ang tray at malakas ang naging impact ng pagbagsak ng tray sa sahig.
Naalala ko ang sinabi niya tungkol sa kondisyon ni Katie kanina.
Nilapitan niya si Katie at kinarga sa bisig niya. Umayos siya sa pagtayo. Humakbang siya palampas sa akin. Bahagya niya pa akong nasagi.
“I'm s-sorry, hindi ko sinasadya . . .” nahihirapang sambit ko.
Nahinto sa paghakbang si Ken. Nilinginon niya ako kahit na karga-karga niya si Katie na ngayon ay may mahinang paghikbi.
“Sinabi ko sa 'yo ang kondisyon niya! Hindi siya pwedeng masaktan!” Galit na galit ang mga mata niya. “I'm so disappointed in you, Theressa.”
“I'm sorr—” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tinalikuran niya na ako. Nagtuloy-tuloy siya sa paglakakad hanggang sa marinig ko na ang pag andar ng sasakyan.
Tumunog ang cellphone ko. Hindi ko iyon magawang lingunin.
Nanginginig ako at nasasaktan. Gusto kong umiyak pero wala akong mailuha.
Nanghihinang muli akong naupo.
Muling tumunog ang cellphone ko. At sa pagkakataong ito ay tiningnan ko na kung sino ang tumatawag.
Namutla at nabitawan ko ang aking cellphone ng makitang si Vester ang tumatawag. Bumagsak iyon sa sahig at dahil sa nangyari ay aksidente iyong nasagot.
“Hello, Theresa? Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? Where are you? Nasa bahay ako pero bakit wala ka? May mga pasalubong ako sa 'yo. . .hello. . . hell—” Minadali kong kinuha ang cellphone ko at muling pinatay iyon. Ibinato ko iyon sa dingding at basag-durog iyong bumagsak sa sahig. Nagmadali akong tumayo at nagtungo sa kwartong inuukopa namin ni Ken. Kinuha ko ang mga gamit ko at inilagay iyon sa bag.
Aalis ako sa lugar na ito. Aalis ako sa buhay ni Vester at buhay ni Ken. Magpapakalayo-layo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na. I need to leave this place, ngayon din mismo!
Nang mailagay ko na ang mga gamit ko ay nagmamadali akong bumaba kahit na masakit pa ang tuhod ko.
Walang tao sa baba kaya tuloy-tuloy lang akong lumabas ng bahay. Nasa labas na ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. At noong lingunin ko iyon ay nakangising lalaki ang bumungad sa akin. “Lalayas ka? Tara, hatid na kita.”
AVYANNAHLAVELLE
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
General FictionCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...