𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍

9.6K 219 10
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


Namamaos ang boses ko kakasigaw at kakahingi ng tulong. Namamaga na ang mata ko kakaiyak. Humahapdi na rin ang sugat ko. Binalot ko iyon ng pinunit kong dulo ng damit. 

Nanghihinang sumandal na lang ako sa katawan ng puno. Siguro nga ay wala ng makakahanap sa akin. Dahil  gabi na. Hanggang umaga na siguro ako dito.

Kumulog at kumidlat. Bigla akong nataranta. Niyakap ko ang sarili ko. Takot ako sa kidlat!

“Ahh!” hiyaw ko ng muling kumidlat. Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko itinatago ang sarili ko sa kidlat. Ngunit mas lalo pang lumakas ang kidlat maya-maya lang ay bumuhos ang malakas na ulan.

Minuto pa ang lumipas. Nanginig na ako sa lamig at takot.

“Maria!” hindi ko alam kung tama ba ang pandinig ko pero tila narinig ko ang pagtawag sa akin ng kung sino. “Maria!”

Baka multo?

Napaiyak na ako dahil sa naisip. Baka nga multo!

“Maria!” Naitaas ko ang mukha ko ng marinig nga ang pagtawag sa pangalan ko sa malapitan. Sumalubong sa akin ang ilaw na nanggagaling sa flashlight ng lalaking nakahanap sa akin.

“K-ken?”

“It's Stell, I been looking for you everywhere. My God kung saan saan na ako nakaabot nandito ka lang pala!” Bulalas nito. Lumapit ito sa akin at lumuhod sa harapan ko. Sinapo niya ang mukha ko. “Are you okay?!”tanong nito, bakas sa boses nito ang pag-aalala at hindi ko matukoy kung bakit. Napahikbi ako.

“Damn! Why am I asking! Obvious naman na hindi ka okay! Halika umuwi na tayo, sobrang lakas ng ulan.”

Nadismaya man ako na hindi si Ken ang dumating binalewala ko na lang. Gusto ko ng umuwi. Sinubukan kong tumayo pero muli akong natumba. Masakit ang tuhod kong may sugat at nanginginig din ako sa lamig.

“Kakargahin na kita.” Aniya. Hindi na ako tumutol. Hinubad nito ang  suot nitong raincoat at isinuot niya iyon sa akin. “Pwede mo bang hawakan itong ilaw natin?”

Tumango ako. Kinarga niya sa likuran niya ikinapit ko ang mga braso ko sa leeg niya at ang tuhod ko sa bewang niya medyo mahapdi pero maingat si Stell, hawak ko ang flashlight at itinuon iyon sa daan.

Minuto ang aming nilakad hanggang sa makarating kami sa bahay.

Nasa bungad ng pintuan ang mga kaibigan ni Ken. Mga basa din ito siguro'y tumulong din sila sa paghahanap.

“Maria! Diyos kung bata ka! Saan ka ba nagpunta?!” bulalas ni Manang. Sumulpot siya sa likuran ng mga ito at may bitbit na towel.

Ibinaba ako ni Stell. Inalalayan niya pa rin ako, hindi binitawan.

“Manang, kay Maria niyo muna po ibigay ang towel.” Ani ni Stell. Inabot naman ni manang ang towel  sa akin. Kinuha ni Stell ang isa at ibinalot iyon sa ulo ko. Nagulat man sa ginawa niya ay hindi na ako nag react. Hinubad ko ang rain coat.

“Hala sige pumasok na kayo para makapagbihis at baka magkasakit kayo. Magluluto lang ako ng sopas.” ani ni manang.

Nasipasok ang mga lalaki.

“Okay ka lang?” baling sa akin ni Stell.

Nilingon ko siya at tipid na nginitian.

“Salamat dahil nahanap mo ako.”

“Walang ano man 'yon, halika ka na pumasok na tayo. Baka magkasipon ka.”

Tumango ako.

“Nahagip ng flashlight kanina ang sugat mo, masakit ba?” Niyuko niya ang tuhod ko. Nakabalot pa rin iyon pero dahil puti ang pinangbalot ko kitang kita ang dugo. Muli niya akong nilinga.

𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon