𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎

9.3K 253 3
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

“Nasaan ang dalawa?” Tanong ko kay Stell paglabas ko ng opisina. Nakaupo siya sa sofa at nasa cellphone niya ang atensyon niya.

Tumingala siya sa akin.

“Nakatulog na.” tugon niya 

Naupo ako sa tabi niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Nakita ko namang ibinaba niya ang kanyang cellphone sa gilid.

“Pagod ka, babygirl?” tanong niya. Bahagya niya pang minasahe ang sintido ko.

Gan'yan ang ginagawa niya noon pa. Babygirl din ang naging tawag niya simula ng sabihin niya sa akin na magkapatid kami.

Noong nasa hacienda pa lang kami ni Ken ay may duda na siyang ako ang nawawala niyang kapatid dahil sobrang kahawig ko daw ang mama niya. Kaya pala kung makatitig siya sa akin noon ay ganoon na lang. 

Ayaw ko sanang maniwala nang sabihin niya iyon ngunit ng ipakita niya sa akin ang litrato ng sinasabi niyang mommy namin ay hindi ko na nagawang makipagtalo pa, kamukhang-kamukha ko ang mommy namin. Kahit saang anggulo tingnan ay kamukha. Kahit 'yong mga mga picture nang batang babae na pinakita niya ay kamukhang-kamukha ko. Pero kahit na magkamukha kami ng mga litratong pinapakita niya sinabi ko pa rin na magpa-DNA test kami para lang makasigurado, kasi hindi ko talaga akalain na hindi ako anak ng mga nakilala kong mga magulang. At iyon nga nagpa-DNA Test kami ni Stell at positive ang resulta magkadugo kami.

Ang  sabi niya ay limang taon lang daw ako noong nawala ako. Namamasyal daw kami sa EK noon ng mawala aki, kung saan-saan na daw nila ako hinanap pero hindi nila ako makita. Hanggang sa lumipas ang mga taon ay patuloy pa rin nila akong hinanap.

Kaya siguro ganoon na lang kagalit sa akin ang mga relatives ng kinikilala kong parents dahil hindi naman nila talaga ako totoong kadugo.

"Masakit ulo mo?" He asked nang hindi ko matugon ang nauna niyang tanong.

Bahagya akong tumango para sagutin ang tanong niya. Sobrang daming order ngayong week sa store kaya sumasakit ang ulo ko. May pinatayong jewelry store si Stell at ibinigay sa akin. Ang sabi niya’y  kabilin-bilinan ng mga magulang namin na hanapin ako at ibigay sa akin ang mana ko. At dahil Jewelry store ang gusto kong negosyo ay 'yon ang pinatayo niya.

Matagal ng patay ang mga magulang namin. Ang sabi ni Stell ay nasangkot din sila sa car accident 8 years ago.  Sa Lola na namin siya  lumaki pero namatay din daw ito 3 years ago.

Ang dami niyang pinagdaanan I'm thankful na nakayanan niya iyong mag-isa. “Babygirl, may concert kaming gaganapin dito sa Davao.”

“Hmmmmm?”

“Gusto mong manuod?” tanong niya.

Member pa rin si Stell ng Mahalima Band. Hindi ko nga lang alam kung gaano na sila kasikat. Simula nang umalis ako sa Hacienda ni Ken ay inalis ko na lahat ng socmed ko. Inalis ko na lahat ng mga bagay na may tungkol kay Ken. Hindi ko rin hinahayaang magbanggit si Stell tungkol sa group nila.

Syempre ang kambal hindi ko iyon pwedeng alisin. Bukod sa hindi sila bagay. Hindi naman ako masama para idamay ang mga walang kasalanang bata.

At isa pa nasaktan ako oo pero ginusto kong lumayo dahil sa takot ko kay Vester. Natakot akong harapin siya nang mga panahong 'yon. Hindi naman ako galit kay Ken o kay Katie man. Totoo naman kasing ginawa kong kabit si Ken. Totoong malandi ako kasi tinuhog ko iyong mag-ama. Totoo lahat ng sinabi ni Katie. Nahihiya ako sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko. Alam kong mali pero ginawa ko pa rin. May karapatan si Katie na tawagin akong malandi. May karapatan siyang magalit sa akin.

“Jane, why are you crying? Nakakaiyak na ba talaga ang pagtatanong kung manunuod ka ng concert ng kapatid mong gwapo?” pagbibiro man ang pagtatanong niya pero alam kong nag-aalala siya at alam niya kung bakit ako umiiyak.

“Sorry, hindi ko namalayan.”

“Sorry, alam ko naman na hindi ka pa rin handa na makita ang hayop na 'yon pero kasi lumalaki na nga anak mo, panay na tanong kung sino tatay nila. . . muntik pa nga akong madulas noong nakaraan, muntik ko ng masabi.”

“Sa tingin mo ba mas makakabuting malaman nila?” tanong ko pagkatapos at umayos ako sa pag-upo.“Natatakot ako Stell. . . natatakot akong ma-bully sila. Natatakot akong pag-fiestahan sila ng media. . . natatakot akong matawag silang bastarda at bastardo.”

“Jane, you are no longer a Duque —”

“Pero Stell, alam nating pareho ang totoo, oo isa na akong Ajeras pero kasal pa rin ako kay Vester noon. Mahahalungkat at mahahalungkat iyon. . . masasaktan ang mga anak ko, alam mo kung bakit ako lumayo.”

“Mag-file ka nang annulment sa ama ni Ken. Panahon na para harapin mo siya. Harapin mo siya para maipakilala mo na ang mga anak mo kay Ken.”

“Paano kung ayaw niyang pumayag? Paano kung galit siya? Paano kun—”

“Kung hindi mo susubukan hindi mo malalaman. . . hinayaan kita sa mga desisyon mo sa nakalipas na mga taon dahil nirerespito kita. Pero, Jane, naawa na ako sa mga pamangkin ko. ’Wag mong hintaying ako ang magsabi kay Ken at sa ama niya dahil panigurado hindi mo magugustohan ang gagawin ko.”

Napabuntong-hininga ako. “Pag-iisipan ko.”saad ko.

Tumango siya. Tumayo. Hinalikan niya ang nuo ko bago nagpaalam na umalis. Nasa kabilang bahay lang ang bahay niya kaya anytime ay nakakadalaw siya.

Tumayo na rin ako at nagtungo sa kwarto ng kambal.

Pumasok ako.

May dalawang bed ang kwarto.
Bed na kurting manok.
Isang pula at isang dilaw.

Ang pula ay kay Kenzy at ang dilaw  naman ay kay Kendra. Sadyang pina-costumize ko ang mga bed nila dahil iyon ang gusto nila. Mahilig sila sa manok kahit sa pagkain ay manok. May mga alaga nga silang manok sa likod bahay nakakulong. May pangalang Berto at Berta. Babae at lalaking manok.

“Nanay?” tawag sa akin ni Kenzy.

Lumapit ako sa bed ni Kenzy, nagising siya at bumangon naupo ako sa gilid ng bed niya.

“Yes, baby?” malumanay na tanong ko. Hinaplos ko ang buhok niyang may kahabaan din. Sinadya niyang pahabain ang buhok niya. Ilang beses ko na siyang sinubukang tanungin para pagupitan ang buhok niya ngunit ayaw nito. Gusto niya daw mahaba ang buhok niya.

“Nanay, I want to be a singer po.” humahikab na sabi niya.“Singer and dancer po.”dagdag niya.

Napakagat ako sa aking labi. Wala nga atang namana sa akin ang mga anak ko. Mula sa looks at sa talent ay namana nilang lahat sa ama nila. Kahit si Kendra ay magaling kumanta at sumayaw.

“May idol po akong singer po. . . gusto ko siya ma-meet sa personal po.” humikab uli siya.

“Hmmmm.”

“Ken Sayson po ang name niya. He is a good singer po and a good dancer. At mahilig din po siya sa chicken like me and Kendra. I wanna be like him, Nanay.”

AVYANNAHLAVELLE

𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon