𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐒𝐈𝐗
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜“W-what is happening?”
Napakagat ako sa aking labi. Kitang kita ko ang kagulohan sa mukha ni Ken.
“Tatay, ang angas niyo po pala sa personal!” Si Kenzy. Naibaba ni Ken ang kanyang mga mata ng marinig ang sinabi ni Kenzy.
“T-tatay? Why are you calling me tatay?”
Umalis sa pagkakayakap sa tuhod ni Ken si Kenzy at kunot nuong tumingin sa akin. “Nanay, hindi niya pa po alam na anak niya kami ni Kendra?” He asked me.
Muling ibinalik ni Ken sa akin ang atensyon. Sa pagkakataong ito'y nakita ko ang unti-unti niyang pamumutla.
“A-anak mo?”
“Anak natin. . . siya si Kenzy.” sabi ko at binalingan si Kenzy 'tapos umingin naman ako kay Kendra na nanatiling nakatayo sa tabi ni Vester. “And that little girl sa tabi ng daddy mo, siya si Kendra. Kambal sila”
“A-anak natin? N-natin? Ikaw at ako m-may anak?” Utal-utal na tanong niya.
Tumango ako pagkatapos ay hinawakan ko ang tiyan ko napasunod doon ang tingin niya marahan ko iyong hinaplos. Ini-angat niya ang tingin sa mukha ko. I smiled at him. “At magkakaanak pa.” malumamay na sambit ko.
Ang kaninang pamumutla niya ay mas lalo pang namulta mas lalong nanlaki ang mata niya at ilang saglit lang ay dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata. Mabilis akong lumapit sa kanya ng makitang unti-unti na siyang natutumba.
Hinimatay siya!
Natumba siya sa papunta sa akin. Agad ko naman siyang nasalo.
“Fuck!” napamura ako dahil sa bigat ni Ken. Mabilis namang lumapit si Vester sa akin at tinulungan ako kay Ken si Sheena ay tinawag ang mga tauhan sa Isla.
Nang makalapit ang mga tauhan ay pinagtulongan naming dalhin si Ken sa isang cabin, pinahiga namin siya sa kama.
“I remember someone, hinimatay din ng malamang magkakaanak na naman kami.” napalingon ako ng marinig ko ang sinabi ni Sheena. She chuckled while looking to Vester sumimangot naman si Vester.
“Buntis ka rin?” I asked smiling.
“Yeah, three months.” tugon niya. Hinaplos niya ang tiyan at napasunod doon ang tingin ko. Buntis nga siya may maliit na umbok na sa puson niya at malapad na rin ang balakang niya.
“Congratulations.” nakangiting sambit ko. She also congratulated me.
“Manang-mana nga sa akin ang anak kong ’to. . .” napakamot sa ulong ani ni Vester. Natawa naman kaming pareho ni Sheena.
Maya-maya lang ay nagpaalam na silang lalabas na muna babalik na lang daw sila kapag gising na si Ken. Napatingin ako sa pintuan ng makitang nakasilip doon ang kambal.
“Babies, what are you doing there? Halika kayo dito.” tawag ko sa kanila. Agad naman silang pumasok.
Pinaupo ko sila sa may couch sa gilid. Tumabi naman ako sa kanila.
“Nanay, is he sick? ” Kenzy asked. May pag-aalala sa boses niya titig na titig siya kay Ken.
Ginulo ko ang buhok niya at nginitian. “Hinimatay lang si Tatay anak. Don't worry he's okay.” I responded.
“Bakit siya hinimatay po, Nanay? ”
“Nagulat lang si Tatay.” nakangiting tugon ko.
“Weak,” pairap na ani ni Kendra at pinagsalikop ang mga braso sa ilalim ng dibdib then she flip her hair.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
General FictionCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...