𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜“Ang sarap!” bulalas ko habang sumusubo ng mangga at pinya na isinasawsaw sa bagoong. Ang bawat kamay ko ay may hawak na tig-isang hiwa ng mangga at pinya.
Walang nahanap na pinya na may limang mata si Ken kaya kinain ko nalang ang dala niya. Kinuha lang pala niya iyon sa taniman nila. May mga tanim pala silang iba't-ibang prutas. Gabi na alas 8 na nga pero hindi talaga ako matahimik kanina hanggat hindi ko nakakain ang pinya at mangga na isasawsaw sa bagoong. Iniisip ko pa lang kasi iyon kanina at naglalaway na ako at para akong maiiyak.
“Are you really Ken's wife?” Nabitin sa ere ang akma kong pagsubo nang marinig ang boses na iyon. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses, nasa bungad ng pintuan si Katie at nasa ilalim ng dibdib nito ang magkasalikop na mga braso habang nakataas ang kilay na tumingin sa akin. Naaninag ko ang mukha niya dahil na rin sa ilaw na nasa dingding.
Hindi ko siya tinugon bagkos ay pinagpatuloy ko ang pagsubo ng mangga at pinya. Nakita ko ang pagngiwi nito.
“So? You really are Ken's wife, ha?”
“Bakit mo ba tinatanong?”
Ngumisi siya.
“Because I love Ken. . . I've been in love with him since then at hindi ako makapaniwalang kasal na siya sa ibang babae ng hindi ko man lang alam. Ako lang dapat ang pakakasalan niya!”
Eh?
Kumuha uli ako ng mangga at pinya at pinagsabay ko muling isinubo.
“Wala akong pakialam sa kung ano man ang sinasabi mo, doon mo kay Ken sabihin iyan. 'Wag sa akin kasi wala naman akong magagawa sa feelings mo, at isa pa kay Ken ka may nararamdaman kaya sa kanya ka mag-confess, huwag sa akin dahil wala akong pake.” mahabang saad ko sa pagitan ng aking pagnguya.
“Magiging akin si Ken at gagawin ko ang lahat para maging akin siya—”Hindi ko siya hinayaang tapusin ang sinasabi niya. Ang sakit sa tenga ng boses niya! Ang tinis kasi. Ang sarap nga lagyan ng maasim ng mangga ang bibig niya para manahimik.
“Ang dami mo namang sinasabi, puntahan mo siya doon sa sala at maghalikan, magyakapan kayo! Wala akong pakialam! Umalis ka sa harapan ko dahil nakakainis ang pagmumukha mo! Nakakairita ang boses mo!” singhal ko sa kanya.
Natigalgal siya sa sinabi ko. Umawang ang bibig niya at nanlaki ang mata. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Maging ako ay hindi ako makapaniwala sa lumalabas sa bibig ko. Ang alam ko lang ay naiinis ako sa mukha ng babae at sa tinig nitong masakit sa tenga.
Hindi siya umalis kaya ako na ang tumayo. Lalampasan ko sana siya pero hinawakan niya ang braso ko dahilan para matapon ang mga malaman ng mangkok sa sahig. Ang bagoong ay nagkalat din sa sahig.
Nang makita ang nagkalat na mangga at pinya sa sahig ay umalboruto agad ang ulo ko. Hinawi ko ang braso ko at malakas na itinulok si Katie. Natumba ito at na untog ang ulo.
Malakas itong umatungal.
“Ahhh! Why did you pushed me?!” Mangiyak-ngiyak na sigaw nito. Sinapo nito ang ulong na untog sa dingding. Sinubukan nitong tumayo ngunit natumba ulit at napangiwi ng bumagsak ang pwetan nito sa sahig.
Narinig ko ang mga yabag ng mga paang papalapit na nasisiguro kong kay Ken at sa mga kaibigan nito.
“Anong nangyari—Katie!? What happened?!” si Ken. Lumapit siya kay Katie at inalalayan itong tumayo. Agad namang pumulupot ang braso ng babae kay Ken. At umiyak nang umiyak.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
General FictionCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...