𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐍𝐈𝐍𝐄

9.5K 262 6
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐍𝐈𝐍𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Magkaharap kami ni Vester ngayon sa isang mesa. Sa loob ng cafe. Nag-order siya ng kape at tig-isang slice ng chocolate cake.

Umalis kami sa hacienda ni Ken kanina. Vester wants to talk to him pero bigla na lang itong umalis at hindi namin alam kung saan nagpunta. Pagbalik ko kanina sa kwarto ay andoon na ang bags at mga damit ko kaya nagbihis na lang din ako. At sumama kay Vester para makapag-usap.

"All this time ay nasa Davao ka lang?" Vester asked again. Nasabi ko na sa kanya na nasa Davao lang ako.

Tumango ako. Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Paulit-ulit ako kaninang humihingi ng sorry sa kanya pero ngayong hindi na ako umiiyak hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat. Kung bakit ako umalis at bakit ko siya gustong makausap.

He sighed.

"I'm sorry." Saad ko. Naikuyom ko ang kamao ko.

He sighed again.

"Kanina mo pa sinasambit ang mga salitang iyan Theresa. Hindi mo tinutugon ang tanong ko. Why did you left?" mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Pangalawang beses na niya akong tinanong kung bakit ako umalis pero tanging sorry lang ang nagagawa kong itugon.

"I cheated on you. . . " tugon ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. I was waiting for him to slap me or call me a slut or a whore or ipahiya ako sa maraming tao. But few moments had passed pero wala akong narinig na salita na nanggaling kay Vester. Kahit sampal ay wala kaya napabalik sa kanya ang tingin ko.

Pero nagulat ako na imbes na galit na mukha ang sumalubong sa akin ay tila naaliw pa siya sa akin.

"You—you're not mad? I said I cheated on you?" nagugulohang tanong ko."I cheated on you with your son." Mahinang dagdag ko. Maluha-luha na ako habang sinasambit ang mga salita, nanginginig ang labi ko. At ramdam ko ang pamamawis ng nuo ko.

Mas lalo lang siyang naaliw, pagkatapos ay tumawa ng bahagya na mas lalong ipinagtaka ko.

"Let's go, Theresa, may ipapakilala ako sa 'yo." aniya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paalis ng cafe. Hindi na namin nagawang inomin at kainin ang kape at cake na inorder namin.

"Where are you taking me?" I asked him nang nasa sasakyan na kami at nagmamaneho na siya.

Nilingon niya ako pero saglit lang. Tumingin siya sa salamin sa harapan at doon tumingin sa akin.

Bigla akong binalot ng kaba dahil sa paraan ng pagtitig niya. Para kasing may plano siyang patayin ako dahil sa diin ng pagtitig niya.

Maya-maya lang ay tumawa siya.

"Don't worry, Theresa hindi kita ipapa-salvage. . . hindi pa." tumawa ulit siya. "Relax, Theresa I'm just kidding."

Napahikbi ako dahil sa sinabi niya. Alam kong joke lang iyon pero what if tutuhanin niya? What if nagkukunwari lang siyang hindi apektado pero ang totoo'y galit na talaga siya. At plano na niya talaga akong patayin? Kasi sino ba namang hindi? I cheated on him with his son! Kahit sino magagalit kapag gano'n!

Mahigit isang oras ang naging byahe namin. Hapon na kami nakarating. Nagtaka ako nang sa tapat ng bahay niya kami nagtungo.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

What if dito niya ako papatayin? Paano na ang mga anak ko?  Oh my God! I can't die! May saltik pa naman si Stell baka kung anu-ano ituro sa mga anak ko.

𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon