𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜
Tatlong araw na ang nakalipas at ito ako sinusubukan na namang tawagan si Vester ngunit lagi niya kina-cancel ang tawag ko.From Vester:
Nag-usap na ba kayo
ng anak ko, Jane?Chat sa akin ni Vester after i-cancel ang tawag ko. Oo alam na niya ang totoong pangalan ko at iyon na ang naging tawag niya sa akin. Kung nasa harapan ko lang talaga ang lalaking 'to baka namura ko na siya ng ilang beses. Napapasabunot ako sa buhok ko. Ah! Kaasar talaga si Vester! Hindi ko akalain na ganito ang totoong ugali niya! Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Ang bait-bait niya sa akin noon and now nakakainis na siya!
To Vester :
Sasampahan na
talaga kita ng
kidnnaping! Tang ina!Reply ko sa text niya.
Nag send siya ng video, minadali ko iyong buksan.
“Nanay, ang ganda dito! Sana makahabol kayo!” magkapanabay na ani ni Kenzy at Kendra.
Napahilot ako sa aking sintido mukhang enjoy na enjoy nga ang mga bulinggit kasama si Vester. Paano ko pa sasampahan ng kaso ang matandang iyon?
Kailangan ko na talagang kausapin si Ken para makuha ko na ang mga anak ko. But damn! Paano nga kung hindi nito tanggapin ang mga bata?
Pero sabi nga ni Vester kailangan kong subukan para malaman ko. Ah! Gusto ko na lang i-untog ang ulo ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko!
Isinara ko ang laptop ko at tumayo pero nahilo ako kaya napabalik ako sa pag-upo. Napahawak ako sa sintido ko.
Kulang na ata ako sa dugo bigla-bigla na lang akong nahihilo, ilang araw ko ng nararamdaman 'to may mga pagkakataong nasusuka pa ako sa umaga.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mareliaze ako. Damn! Hindi pwede! Shit!
Mabilis akong tumayo at nang maramdaman kong hindi na ako nahilo ay tumuloy na akong lumabas. Nagtungo ako sa parking at sumakay sa kotse ko, nag-drive ako patungo sa isang pharmacy at bumili ng sampung pregnancy test. Kaagad din akong umuwi ng bahay nang mai-park ko na ang sasakyan ay mabilis akong lumabas at pumasok ng bahay dumiretso ako sa banyo at ginamit ang sampung pregnancy test. Inilapag ko lahat iyong sampu sa sink napapakagat ako sa labi habang hinihintay ang resulta.
At halos manghina ako nang sabay-sabay na lumabas ang dalawang pulang linya.
“Putang ina! Hindi ko pa nga alam paano ipapaalam kay Ken na may mga anak kami tapos ito pa? Dumagdag pa ’to?! Ahh! Jane!” para akong timang kinakausap ang sarili ko sa salamin. Napapasabunot ako sa buhok ko.
Tumunog ang cellphone ko at minadali ko iyong tingnan. Stell was calling.
I answered the call.
“Jane, kailangan mong lumuwas ng manila ngayon din!” bahagyang kumunot ang nuo ko nang marinig ang boses ng nagsalita. It was not Stell. It's Katie, nakilala ko ang boses niya. Alam na niya pala ang totoo kong pangalan?
“Why? May nangyari ba kay Stell?” I asked.
“Stell and Ken got into an accident! Hindi ko na alam ano ang gagawin ko! Ken was looking for you. . . even S-stell. Please, pumunta ka na ngayon dito.” napahikbi na ito. Habang sinasabi niya iyon ay parang nasasaktan pa ito. Parang alanganin siyang banggitin ang pangalan ni Stell. “Hindi ko na alam ang gagawin ko.” she added.
“Send me the address pupunta na ako diyan!” tarantang ani ko. Bigla akong dinaga ng kaba. Naalala ko ang sinabi sa akin kahapon ni Vester.
“Baka maisipan mong sabihin sa anak ko na may mga anak kayo kapag huli na ang lahat, Jane, baka kapag nangyari 'yon pagsisihan mo.”
Pinatay ko na ang tawag at agad nag-book ng ticket online.
“NASAAN SI STELL?” bungad ko kay Katie ng makarating ng hospital. Nasa hallway siya naghihintay sa akin.
“He's inside the room, pinag-isa ko na sila ng kwarto ni Ken dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin, tinawagan ko si Tito Vester pero ang sabi niya ay ikaw ang tawagan ko he even gave me your number.” mangiyak-ngiyak na aniya. Sobrang halatang nahihirapan talaga siya. Dahil haggard na haggard ang mukha nito.
Tumango ako. Giniya niya ako papasok ng kwarto.
Nang makapasok ay bumungad sa akin si Ken at Stell. May mga bandage ang mukha. Si Stell ay may pilay pa ata sa kamay dahil nakabalot iyon ng bandage, kay Ken naman ay sa paa. Pareho silang napalingon sa akin ng pumasok ako.
Parehong may tuwa sa mga mukha.
“Babygirl!”
“Bella!”
Magkapanabay na tawag nila sa akin. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Katie. Parehong nagkatinginan si Stell at Ken. Nagsamaan ng tingin.
Sabay din silang tumingin sa akin.
“Babygirl, ang sakit ng bali ko.” parang batang sumbong ni Stell. Humakbang ako palapit sa kanya nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nina Ken at Katie.
Ha? Hindi pa rin siguro alam ng mga ito na kapatid ko ang may saltik na ito. Gusto kong isiping nagseselos si Ken pero sa tuwing iniisip ko ang sinabi sa akin ni Stell ay agad sinasampal ng realidad.
“What happened, Stell? Bakit kayo na disgrasya?” tanong ko kay Stell nang makalapit ako sinuri ko ang kabuohan niya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtagilid ng higa ni Ken tinalikuran niya kami.
Lumingon si Stell at sinamaan ng tingin ang likod ni Ken.
“'Yan kasing gagong iyan, e! Binangga ang sasakyan ko dahil ayaw ko sabihin ang address mo sa davao! Baliw ampota! Kaya ito kami ngayon parehong na ospital!” pagtatalak ni Stell. Wala akong masabi. Lumingon ako kay Ken nanatili pa rin siyang nakatalikod. “Sasampahan ko siya ng kaso! Paano kung pati nasira ang gwapo kong mukha?! Gago siya!” dagdag ni Stell, mas lalo niyang sinamaan ng tingin ang likuran ni Ken.
Tumayo ako. At hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Stell.
“Nakainom ka na ba ng gamot? ” I asked him.
“Tapos na silang uminom ng gamot.” si Katie ang tumugon. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
“Salamat. ” saad ko. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Siguro ay nagseselos sa akin ang babaeng 'to. Akala siguro nito'y may relasyon kami ni Stell.
Humakbang ako palapit sa kama ni Ken.
“How are you? May gusto ka bang kainin?” I asked him gently. Nakapikit siya, at alam ko namang hindi talaga siya tulog.
Kinuha ko ang upuan at itinabi iyon sa kama. Nakita ko pa ang pag-irap sa akin ni Stell. He even mouthed. “Traidor ka, babygirl!” may saltik talaga.
Nakita kong natatakpan ng bangs ang mukha ni Ken kaya kinuha ko ang pangtali sa bag ko at dahan-dahan kong tinali ang buhok niya. Wala namang sugat ang ulo niya kaya okay lang na itali ang buhok niya. Namamangha pa ako sa buhok niya dahil kulay pula iyon. Bagay na bagay talaga sa kanya.
Unti-unti niyang ibinuka ang mga mata niya. Puno iyon nang pagtataka. Ewan, pero nang magtagpo ang aming mga mata ay kumabog nang kumabog ang puso ko at hindi ko mapigilang ngumiti.
“Hey, may masakit pa bang iba sa 'yo?” I asked him.
I saw how his lips pouted after a while namula ang tuktok ng ilong niya then his tears flowed down his cheeks. He was crying like a baby.
Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.
I smiled at him.
“Nandito na ako. . . aalagaan kita okay? Sabihin mo sa akin kung may masakit pa para masabi natin sa doctor.”
“B-bella. . .”
AVYANNAHLAVELLE
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
Genel KurguCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...