𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍

10.6K 231 16
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

( Bella is beautiful
in English)

"Why did you said those?" Pinanlakihan ko si Ken ng mata.

Kanina pagkatapos niya iyong sabihin ay bumalik ako sa kwarto. Hindi ko pinansin ang mga nagtatakang tingin ng mga kaibigan ni Ken, kahit ang babaeng tinawag niyang Katie ay hindi ko pinansin ang pag irap at masasama nitong tingin.

"Bell—"

"Bakit mo iyon sinabi!?"

"I just want to stop her—"

"Pero dapat hindi mo sinabing asawa mo ako, Ken! Paano kung malaman niya ang totoo at ipagkalat niya?!"

"She will not do that." he answered na para bang siguradong-sigurado siya.

"Paano ka nakakasiguro!?"

"I just know."

Napasabunot ako sa buhok ko. Ano ba kasing nakain niya at sinabi niya iyon? Bakit niya sinabing asawa niya ako! Paano kung malaman ng babaeng iyon na asawa ako ng tatay niya?! Magiging malaking problema iyon.

Akmang hahakbang palapit sa akin si Ken. Ngunit pinanlisikan ko siya ng mata. Nahinto siya sa paghakbang.

"Huwag kang lumapit sa akin! Naiinis ako sa pagmumukha mo!"

He pouted. Pinaikutan ko siya ng mata. Tumayo ako binangga ko siya at muling lumabas at bumaba. Sumunod siya sa akin.

Nagtungo ako sa kusina. Naabotan ko doon ang mga kaibigan ni Ken. Kumakain, pinagsisilbihan sila ni Manang. Si Katie ay tinaasan ako ng kilay at inirapan. Tinaasan ko lang siya ng kilay, anong akala niya sa akin papatalo sa kanya.

Maduling ka sana.

Dumiretso ako sa may mangga at kumuha ng tatlo. Kumuha rin ako ng kutsilyo at mangkok na paglalagyan ko ng mangga, hinugasan ko ang mangga bago binalatan. Dahil sa naiinis ako habang nagbabalat hindi ko namalayan na dumaplis ang kutsilyong gamit ko sa daliri ko. Agad akong napa-igik.

"Fuck!" bulalas ko kasabay ng pagbagsak ng mangga at kutsilyo sa counter. Nasapo ko ang kamay kong dumudugo na.

"Bella!" mabilis na lumapit sa akin si Ken. Hinawakan niya ang kamay ko at sinuri iyon.

Maging ang mga kaibigan niya ay lumapit na rin at naki-usyoso sa nangyari sa 'kin.

Napuno ng pag-aalala ang mukha ni Ken ng makita ang sugat ko.

"You should have told me that you want a mango ako na sana nagbalat para sa 'yo!" tumaas ang boses niya. Nagulat ako humaba ang nguso ko pinipigil ko ang mapahikbi dahil parang maiiyak na ako dahil sa pagtaas ng boses niya. "Manang, may first Aid kit po ba kayo dito?" baling ni Ken kay manang.

"Meron, Dong, teka kukunin ko lang," tugon nang matanda. Mabilis itong lumabas ng kusina at nagtungo sa hindi ko alam kung saan.

Muli siyang lumingon sa akin. Bakas pa rin sa mukha niya ang inis at pag-aalala. Umigting ang panga niya. "Next time kung gusto mong kumain ng mangga sabihin mo sa akin para maipag-balat kita! Nasugatan ka pa tuloy!"

"B-bakit ka sumisigaw?!" bulalas ko. Napahikbi na ako. Pinipigil ko pero hindi ko na talaga mapigilan. Kumibot-kibot ang labi ko. Sobrang sama ng pakiramdam ko sa pagtaas niya ng boses sa akin.

Bakit niya ako tinataasan ng boses?
Ako na nga ang nasugatan tapos siya pa ang galit!

Hinila ko ang kamay kong hawak-hawak niya. Pinahid ko ang mga luhang naglandas na sa pisngi ko.

𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon