𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄

11.8K 261 4
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Wala kaming imikan ni Ken habang pauwi ng bahay.

Habang nagmamaneho siya maya-maya ang sulyap niya sa akin. Hindi ko siya binibigyan ng pansin.

Pagkatapos ko siyang masampal kanina ay hindi na siya nagsalita. Anong karapatan niyang pagbintangan akong may kabit kung siya itong nakagalaw sa akin. Tang ina!

Tumakbo pa ako paalis kanina palayo sa kanya pero nahabol at pinasakay niya pa rin ako sa sasakyan niya. Ayaw ko sanang sumakay pero kinarga niya ako na parang sako ng bigas at sapilitang pinasok sa sasakyan niya dahil sa pagpupumilit kong makawala ay nauntog pa ako. Tang ina talaga! Ito ako ngayon hunahapdi ang ulo. Nagkabukol pa ata.

"I'm sorry," sambit ni Ken. Hindi ako umimik. "But, I'm not sorry that I punched the man who hugged you."

Mabilis akong napalingon dahil sa narinig na sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi man lang siya nagpatinag. Gusto ko siyang murahin nang murahin pero masakit ang ulo ko kaya inirapan ko na lang siya at ibinalik sa bintana ang atensyon ko.

Narinig ko ang pagpakawala niya ng buntong hininga.

Nang makarating sa bahay ay mabilis akong bumaba at mabilis pumasok ng bahay.

"Bella, please I'm sorry!" Hindi ko siya nilingon.

Tumungo ako sa kusina at kinuha sa key holder ang lahat ng duplicate key ng aking kwarto pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko at ini-lock iyon. Ipinatong ko ang mga susi sa mesa sa gilid ng kama ko. Naligo ako saglit at nagbihis ng pantalog. Nahiga na ako sa kama ng marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok.

"Bella, open the door." Tawag ni Ken sa labas ng aking kwarto. Nagtalukbong ako ng kumot. Napapangiwi pa ako dahil natamaan ng kamay ko ang ulo kong may bukol. Shit ang sakit talaga!

"Bella." Paulit-ulit na tawag ni Ken. "Open the door, please."

Ilang saglit lang ay nawala na ang pagkatok at pagtawag ni Ken. Napagod na ata.

Umayos ako sa paghiga.

"Shit!"

Mabilis akong napabangon ng marinig ang malakas na pagkabasag.

Nilinga ko ang paligid at gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang basag ang salamin ng bintana ko. At mas lalo pang nanlaki ang mata ko nang may nakita akong hindi kalakihang bato sa sahig nakahalo sa mga basag na salamin.

Bumaba ako sa kama at nagtungo sa bintana.

"Tang ina! Baliw ka ba?!" Singhal ko kay Ken nang makita siyang nakatayo sa baba sa mismong tapat ng bintana ko. Nakataas pa ang isang kamay nito.

Napangiwi ito pero maya-maya lang ay may alanganin itong ngiti sa labi.

"Open the door," pinahaba niya ang kanyang nguso.

Dahil sa inis ay kumuha ako ng basag na salamin at ibinato iyon sa kanya sa baba pero mabilis siyang naka-iwas. Kukuha pa sana ulit ako pero napasigaw ako ng maramdaman ko ang paghapdi ng kamay ko. Nahiwa ang daliri ko.

𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon