𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐋𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Ken, saan mo ba ako dadalhin!?" tanong ko sa kanya habang kinakaladkad niya ako palabas ng bahay. Nagtataka ako kanina habang umiiyak ako ay bigla na lang siyang pumasok at hinila ako sa closet at pinipilit na magpalit at siya pa talaga ang namili ng susuotin ko. Ang napili niya ay isang sexy black bodycon black dress na walang takip ang likod. Ang sabi niya ay bagay iyon sa akin. Alam ko naman dahil gano'ng mga damit naman talaga ang sinusuot ko noon. Kinuha niya rin ang itim na ni Knee-high boots ko at pinasuot iyon sa akin.
"Sa bar." tugon niya.
My eyes widen.
"Ano!? Ayaw ko!"
"Bella, please, I and my friends will perform there at lahat sila may kasama ako lang ang wala." parang batang aniya. Pinatulis pa niya ang kanyang nguso.
"Magdala ka ng iba."
"No I want you. . . only you. At isa pa wala akong kilalang iba."
Gusto kong mapasabunot sa buhok ko. Ilang ulit akong bumuntong-hininga bago tuloyang sumakay sa kotse ni Ken.
Habang nasa byahe ay sa labas ko ibinaling ang tingin ko.
Naramdaman ko ang pag-abot ni Ken sa kamay ko at sa pagdampi ng halik niya doon pero hindi ko na siya binigyan ng pansin. Hawak-hawak niya ang isang kamay ko habang nagmamaneho, bibitawan lang niya kapag gagamitin niya ang kamay niya ngunit agad ding hahawakan ulit.
Pagdating sa bar na sinasabi niya ay pinagbuksan niya ako at inalalayang lumabas. Sa labas pa lang ng bar ay rinig na ang ingay na nagmumula sa loob.
Maraming nagsidatingan.
Nang makababa sa sasakyan ang mga bagong dating na naka-park sa kasunod na parking area na pinarkingan ni Ken ay sunod-sunod nagsilabasan ang mga nagwa-gwapohan at nagtatangkarang apat na lalaki ang isa ay may dalang guitara ang isa naman ay may dalang drum sticks, ang isa sa kanila ay agad kong namukhaan siya iyong lalaking naghatid kay Ken. Lumapit sila sa kinaroroonan namin at nakipag-bro-hug kay Ken. Nang dumako ang tingin nila sa akin ay bahagya silang nagulat at tila nalito pero kalaunan ay ngumiti rin.
"Hi, I'm Pablo." pakilala ng mukhang seryoso sa kanila. Inabot niya ang kamay niya sa akin. Gwapo siya may kahabaan ang buhok at blonde iyon.
"Nakita mo na ako noong nakaraang araw hindi ko nga lang napakilala ang sarili ko by the way I'm Josh." pakilala naman nang lalaking naghatid kay Ken noong nakaraan. Gwapo rin siya bagay sa kanya ang suot niyang eyeglasses. Nagmumukha siyang nerd pero iyong nerd nakababaliwan ng mga babae dahil sobrang attractive itsura nito. May cut ang kilay nito na bumagay naman dito.
"Hi, I'm Stell." pakilala naman ng isa na mukha pa lang ay mukhang babaero na. May ngisi itong naka paskil sa labi. May hawig ito kay superman. Ang gwapo niya 'yong tipong paghahabolan talaga ng mga babae. Siya ang may bitbit ng guitara.
"And I'm Justin but you can call me Jah. Ako ang pinakagwapo sa amin." Nakangising pagapapakilala ng may bitbit ng drumsticks. Hindi ako kokontra sa sinasabi niyang gwapo siya dahil totoo naman, mukha siyang koreano kahit may kadiliman ang kinaruroonan namin ay mahahalata mong makinis at maputi ang balat niya dahil tila iyon nag-glo-glow. 'Yon nga lang tulad n'ong nauna halatang babaero din siya.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
General FictionCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...