𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐅𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Nana, ano pong niluto niyo?" tanong ni Ken sa Nana niya nang makababa na kami. Magkahawak kamay kaming pumasok ng kusina. Napapangiwi ako sa tuwing hahakbang, paano ba naman kasi nakatatlong round pa kami ni Ken bago tuluyang tumigil. Ako na nagreklamo dahil gutom na ako. Akala ko nga ay narinig na kami ng matanda sobrang lakas pa naman ng mga ungol namin buti na lang at sabi ni Ken soundproof ang kwartong iyon.
Agad dumako ang tingin nang matanda sa magkahawak naming kamay ni Ken. Kumunot ang nuo nito ngunit kalaunan ay nagkibit balikat ito. Tumingala ito at ngumiti kay Ken. "Nagluto ako ng adobong manok, dodong Ken." Masayang tugon nang matanda.
Dumulog na kami sa hapag. Pinaghila ako ni Ken ng upuan kahit naiilang ako dahil sa titig ng matanda ay hinayaan ko na lang, kung makatitig kasi ang matanda ay para bang aarukin ka kahit sa kailalim-ilaliman ng pagkatao mo. Bago naupo si Ken sa kanyang pwesto ay nilagyan na muna niya ng pagkain ang plato ko.
"Stop staring at me." Mahinang bulong ko ng mapansin kong titig na titig sa akin si Ken habang sumusubo ako ng pagkain. He chuckled.
"So sungit." He murmured.
Tinaasan ko siya ng kilay pero nag-puppy eyes lang siya. Napailing ako.
Narinig kong tumikhim ang matanda kaya napalingon ako doon. Hindi pa pala siya umaalis. Nakatitig siya sa amin particular na sa akin.
I smiled at her.
"Kain na po kayo." pagyaya ko sa kanya. Mabilis siyang umiling.
"Oo nga, Nana. Sumabay na kayo sa amin." Segunda naman ni Ken.
"Hindi na, dodong. Kumain na ako kanina, magtutungo lang ako sa manggahan baka gusto niyong kumain dadalhan ko kayo?" tanong ng matanda.
Lumingon sa akin si Ken. "Gusto mo ng mangga?"
Tumango ako.
"Sige po, Nana. Mag-ingat po kayo." Saad ni Ken. Nang makaalis ang matanda ay nagpatuloy na kami sa pagkain. Nang matapos ay magkatulong kaming nagligpit ng aming pinagkainan.
"Ako na." Ani ko ng akmang huhugasan ni Ken ang mga plato.
"No ako na!" Aniya at binuksan niya ang gripo.
"Ken,"
"Yes, Mommy?" Tanong niya at may mapaglarong ngisi sa labi.
"Bitawan mo iyan, ako na." Seryosong ani ko.
Nakita ko ang ddaha-dahang pagkawala ng ngisi niya. Binitawan niya ang platong hawak-hawak niya at hinugasan ang kamay niya at pinatuyo iyon gamit ang tissue paper na nasa dulo.
Pumalit ako sa pwesto niya at magsisimula na sana akong maghugas nang maramdaman kong niyakap ako ni Ken mula sa likuran. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.
"Mommy, you smell so good. . . I think I'm addicted to your smell." aniya habang sinisinghot niya ang asking leeg, ang mainit niyang hininga ay dumadampi sa balat ko habang nagsasalita siya. "Gustong-gusto kitang kayakap, gustong-gusto ko ang paggising sa umaga tapos ikaw ang nabubungaran ko." Patuloy niya.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
General FictionCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...