𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐎𝐔𝐑

9.4K 251 5
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐎𝐔𝐑
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Kanina pa ako nakikipagtalo sa isipan ko kung pipindutin ko ba ang doorbell o hindi.

Mag-iisang oras na ako dito sa labas ng bahay ni Vester pero wala pa rin akong lakas ng loob na pindutin.

Mabilis akong napatakbo at nagtago sa malaking halaman ng marinig ang papalapit na sasakyan.

Ilang sandali lang ay may bumabang  babae at isang batang lalake na sa hula ko ay apat na taong gulang. May hawig siya kay Ken. At ang babae ngayon ko lang siya nakita. Sobrang ganda niya at sobrang kinis ng balat.

“Mommy, magiging happy kaya si Daddy Ken sa pasalubong ko for him?” tanong 𝐧𝐚ng bata sa ina. Itinaas nito ang hawak-hawak nitong malliit na brown na paper bag.

“Oo naman, baby, lahat naman ng regalo mo sa kanya ay nagugustohan niya, 'di ba?”

“Opo, mommy.”

“So ’wag ka na mag-worry. Kasi sure si mommy na magugustohan 'yan ng daddy Ken mo syempre ikaw pa ba? Love na love ka ni Daddy, e.” tugon ng ina.

“Love na love ka din ni daddy, mommy!” nakangiting ani ng bata.

“Mas love na love ko ang daddy mo at love na love din kita, baby.” tugon naman ng ina at hinaplos nito ang mukha ng bata.

“I love you more, mommy ko.”

Pumasok ang dalawa sa bahay ni Vester.
Anak ba iyon ni Ken? Ang sabi niya ay daddy Ken? 

Bigla akong dinaga ng kaba. May asawa’t anak na ba siya?  

Dahil sa naisip ay parang hinihiwa at nilalakumos ang puso ko. Bigla na lang naglandas ang masaganang luha sa pisngi ko. Umayos ako sa pagtayo. Pinunasan ko ang mga luha ko.

Siguro nga mas mabuting ’wag na lang makilala nina Kendra at Kenzy si Ken. Nasasaktan lang ang mga anak ko. Matatawag lang silang bastardo at bastarda ng mga tao. Mas mabuti na lang sigurong mananatili na lang silang lihim. 

Uuwi na lang ako ng Davao. Sasabihin ko kay Stell na ’wag ng ipakilala ang mga bata kay Ken. Bakit hindi niya sinabi sa aking may asawa na si Ken? Kaya ba ayaw niyang maging marupok ako dahil alam niyang may asawa na ang kaibigan at ka banda niya? Naiinitindihan ko naman kung bakit niya inilihim. Siguro ay ayaw niya lang akong masaktan dahil  alam niyang hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Ken.

Oo mahal ko pa rin si Ken. Mahal na mahal ko pa rin siya. Siya lang at wala ng iba. . . Hindi ko na sinubukang magmahal pa ng iba. Kahit naman kasi subukan ko alam kong siya pa rin. Siya pa rin talaga.

Napakagat ako sa labi ko. Parang gusto kong uminom para kahit papaano'y mawala ang bigat na nararamdaman ko. Kinuha ko ang cellphone ko at minessage si Stell.

To: Stell Saltik

Bukas na ako uuwi  pakibantayan na muna ang mga bata at 'wag kang mag-alala  okay lang ako. ’Wag kang mag-isip ng kung anu-ano.

Hindi ko na hinintay ang reply niya. Muli kong ipinasok sa bag ko ang cellphone ko. Naghintay ako ng taxi at nung meron na ay agad akong sumakay.

“Ma'am, saan po kayo?” the driver asked me.

“Manong, sa may pinakamalapit na bar po sana.”

Hindi agad nakasagot ang driver. Marahil ay iniisip niya kung tama ba ang narinig niya. Sobrang aga pa kasi  para mag&bar. Ala una pa lang ng tanghali.

Pero kalaunan ay tumango at ngumiti ito. Ilang minuto nga lang ay huminto siya sa isang bar. D'bar ang pangalan ng bar. Nagbigay ako ng buong isang libo sa driver at hindi ko na kinuha ang sukli.

Tuloy-tuloy akong pumasok. Hindi naman ako sinita ng guard. Nag-welcome pa nga ito.

Ang sabi niya'y maaga daw talaga silang nagbubukas para sa mga broken hearted na gustong uminom ng tanghali o kahit umaga. Parang binubula ako ng guard siguro’y alam niyang broken hearted ako dahil sa namumulang  mata ko dahil sa pag-iyak.

Dumirteso ako sa bar counter at umorder ng alak. Nakailang  bote na ako ng alak ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. But I ignored the call. I silent my phone and continue drinking.

Nahihilo na ako at nanlalabo na ang mga mata ko. Gusto ko pa sana ngunit ayaw na akong bigyan ng alak ng bartender. Nanlalabo man ang mga mata ko pero nagawa ko pa ring magbayad. Hindi ko nga lang alam kung magkano ang binayad ko.

“Oh my Gosh, Maria Theressa, ikaw nga!” narinig kong may tumawag sa dati kong pangalan kaya nilingon ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya kahit gaano ko pa paliitin ang mga mata ko. “Oh my God you're so drunk, bitch!” babae ang boses niya. Ngunit hindi ko talaga matandaan at makilala kung sino siya. Wala naman kasi akong kaibigan na babae. Kung meron man akong kilala ngayon iyon ay ang nga costumer ko sa shop.

“Fahck! Naheyheylow nah atoh—”  Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko’y masusuka ako. Naitakip ko ang mga kamay ko sa bibig ko. Sinubukan ko muling tumayo. May akmang hahawak sa akin ngunit pinalo ko ang kamay nito. “Fachk! Dawn tats mey, pakers!” singhal ko sa dito.

Nang mapagtagumpayan kong tumayo ay bahagya pa akong natawa. Pero ang tawang iyon ay nauwi sa hagulgol.

“I hate that red head guy! He hurt me! Bakit niya ako laging sinasaktan? Damn him!” bulalas ko. Naging straight ang pananalita ko nang maalala ko si Ken. Pula na ang buhok niya at sobrang gwapo niya.

Hilong-hilo at sukang-suka na ako.   Humakbang ako pero nabunggo ako sa isang matigas na bagay. Dahil sa pagbunggo ko ay napaatras ako at dahil hilong-hilo na ako ay nanghihina na rin ako. Akala ko ay matutumba na ako pero  may mga matitipunong brasong sumalo sa akin.

Tumingala ako at pilit inaaninag ang sumalo sa akin pero  mas lalo lang akong nahilo. Umikot ang paningin ko at parang may gustong lumabas sa lalamunan ko.

Mas lalo pa akong nahilo ng inayos akong patayuin ng nakasalo sa akin. Ilang saglit lang ay nagsuka ako nang nagsuka.

“Fuck!” Narinig kong pagmumura ng lalaking nakasalo sa akin. Gusto ko sanang humingi ng sorry pero  unti-unti ko ng naramdaman ang pagpikit ng mga mata. “Damn! Hindi ko akalaing sa muli nating pagkikita ay susukahan mo lang ako. . . Bella.”

AVYANNAHLAVELLE

𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon