𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜Pinagsalikop ko ang mga braso ko sa ilalim ang dibdib ko habang nasa labas nang bintana ang paningin ko.
"Bella." tawag sa akin ni Ken.
Hindi ko siya pinansin. Hindi ko na naman alam kong saan kami pupunta.
Bigla na lang niya akong hinila kanina pagkatapos kong magbihis."Promise no one will see us there," aniya.
Nilingon ko siya dahil sa narinig na sinabi niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya nanatili pa ring nasa dibdib ko ang aking mga braso.
Maliit siyang ngumiti.
"I promise you will like it there,"
"Okay," ibinaba ko na ang mga braso ko. Agad naman niyang kinuha ang kamay ko. Ini-angat niya iyon at paulit-ulit na dinampian ng halik.
He always does that. Kahit nasa bahay kami ay lagi siyang nakadikit sa akin. Lagi siyang nakayakap, nakahalik lagi niyang isinisiksik ang kanyang mukha sa aking leeg. At nakasanayan ko na rin na ganito siya.
Medyo matagal-tagal ang byahe namin. Hindi ko namalayang nakatulog ako.
"Bella, wake up we are here." Narinig ko ang boses ni Ken at marahan niyang pagyugyog sa balikat ko.
Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko. Bumungad sa aking paningin ang nakangiting mukha ni Ken.
Dinampian niya nang halik ang aking labi at inipit niya ang nagkalat kong buhok sa gilid ng tenga ko.
"How's your sleep?" Malumanay na tanong niya sa akin.
Umayos ako sa pag-upo at bahagyang minasahe ang leeg ko. Medyo masakit iyon, nang mapansin niya iyon ay inalis niya ang kamay ko at siya ang marahang nagmasahe.
"Ahhhhm. . . Harder, please. . . ahhh." Hindi ko mapigilang mapaungol ng medyo diinan niya ang pagmasahe sa leeg ko. Narinig kong tumikhim si Ken kaya naibuka ko ang mga mata, nakita ko ang pamumula niya.
"You okay?" I asked him. Tumango siya pero para namang hindi siya okay dahil namumula talaga siya.
"Feeling better?" tanong niya pagkalipas ng ilang sandali.
Tumango ko. Nauna siyang lumabas ng sasakyan. Umikot siya sa kinaruroonan ko at binuksan niya ang pintuan. Inilagay niya sa ibabaw nang ulo ko ang kanyang palad na tila ba pinoprotektahan niya ma hindi akong mauntog.
Nang makalabas ako ay tumabi siya. Nahugot ko ang aking paghinga nang bumungad sa akin ang aming kinaroroonan.
"Wow! Ang ganda!" namamanghang bulalas ko. Nilingon ko si Ken na ngayon ay ngiting-ngiti.
"Do you like it? " tanong niya.
Tumango ako nang paulit-ulit.
"Damn! Paradise ba ito? Sino ang nagmamay-ari nito?" Sunod-sunod na tanong ko. Sobrang gandang Spanish villa ang nasa harapan ko. Sa bawat gilid ng daan ay mga puno nang mangga. Sa harapan naman ng villa ay may fountain na napapalibutan ng mga puting roses.
Umikot ako at mas lalo pa akong napa-wow dahil sobrang luwag ng bakuran. May isang malaking bato na napapagitnaan nang dalawang puno ng mangga at sa tabi niyon ay may mga naglalarong maliliit na kambing.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
General FictionCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...