𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐓𝐘
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"ARE YOU INSANE?!" Pasigaw na tanong ko kay Stell halos lumabas na ang litid ko. I'm at Stell house now. He was drinking tea in his garden sinabi niya sa akin na ginawa nga niya iyong sinabi sa akin ni Kenzy kanina.
Pagkatapos nga naming mag-usap ni Kendra kanina ay nagtungo ako dito. Pinaintindi ko kay Kendra kanina na hindi kailanman naging kasalanan ni Ken na hindi nalaman ni Ken na hindi sila magkakilala. I told her it was my fault dahil ako ang umalis at nagtago. Ayaw kong kalakhan niya ang galit na iyon sa ama dahil kung may pwede mang sisihin sa amin ako iyon dahil kasalanan ko kung bakit sila lumaking wala si Ken. I also told her na bumabawi si Ken sa kanila na ginagawa ni Ken ang lahat para malapit sa kanya. Wala siyang naging tugon, umiyak lang siya nang umiyak kaya sinabihan ko si Annah napaliguan na muna siya at pagpahingahin. I will talked to their teacher about bullying na sinasabi niya.
"Anong masama sa pinagawa ko? Trabaho iyon ng lalak—Shit! Mainit!" natapon ang tea na iniinom niya nang bigla kong paluin ang lamesa pagkarinig mo sa unang sinabi niya. "Napaso na ako, babygi—"
"Hindi sanay si Ken sa ganoong trabaho, Stell! And yet you made him work until dawn! What are you thinking?! Papatayin mo ba ang ama ng mga anak ko?!" I shouted.
"It's just for one day, Jan—"
"He faitend! He was so fucking tired!"
"He's weak," Kibit balikat na aniya.
"Hindi nga siya sanay sa mga ganoo—" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Sanay siya o hindi kailangan niyang maranasan paminsan-minsan ang mapagod at maghirap! Hindi ko siya pinatay o ano pa man, pinasubokan ko lang sa kanya ang mga bagay na hindi niya naranasan masyado kang marupok, Jane. Hindi ka man lang nagpakipot. Tinanggap mo na naman ulit siya without making him suffer."
"Because I love him! Bakit ko pa siya papahirapan? Mahal ko siya at tanggap ko kung ano siya he was not perfect but I know he was sincere when he told me he loves me. Masyadong matagal ang pitong taong pagkakalayo namin para muli pa siyang pahirapan. I know he does stupid things before ako rin naman hindi rin naman ako perpekto may mga short comings din naman ako but he accepts me he loves me kung ano man iyong mga nangyari sa nakaraan, mananatili na iyong sa nakaraan. Ang importante para sa amin ngayon, ang ngayon sinusubukan naman ni Ken ang bumawi sa mga bata at sa akin. Kahit sa 'yo ay sinusubukan niya kaya please, Stell, tigilan mo na si Ken."
Umayos siya sa pag-upo at tinitigan ako. Inabot niya ang kamay ko at ikinulong iyon sa palad niya.
"Okay. . . I'm sorry." he said seriously now. "Gusto ko lang makasigurong kaya ka niyang panindigan. Ikaw na lang ang pamilyang meron ako, Jane, at hindi ako papayag na masaktan ka. Nangako ako sa mga magulang natin na aalagaan kita sa oras na mahanap kita, and here I am fulfilling that promise." Sincere na mahabang saad niya.
Tumayo siya at niyakap ako.
"All I want is the best for you, Jane. And I'm sure ganoon din ang gusto ng mga magulang natin. Alam mo kung gaano kita kamahal at pinahahalagahan, mas masasaktan ako kapag nakita kitang nasaktan at ngayong nalampasan ni Sayson ang mga binigay kong pagsubok sa kanya, hindi na ako manggugulo pa." Malumanay niyang dagdag. He kissed my forehead."Huwag ka lang talaga niyang saktan, ipapakulam ko siya kay Aling Tasing!"
Napalayo ako sa kanya nang marinig ang sinabi niya. Na touch na ako sa mga unang sinabi niya e tapos hihirit pa siya ng gano'n! "Ang sweet ko 'no? Ang swerte mo talaga may kapatid kang gwapo! Sikat, mayaman at higit sa lahat mahal na mahal ka!"
Marahan ko siyang hinampas. Ngunit nang makita ang emosyong nagkukubli sa mga mata niya natigilan ako. He was grinning pero ang lungkot ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐄𝐃𝐔𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄)
General FictionCOMPLETED Left with no family and enormous debt, Maria begged for a contractual marriage with a man twice her age, Kenzo Vester Sayson, to secure her future. The clever man didn't hesitate to take her in for three reasons: pity, a facade, and a sche...