CHAPTER 5

419 11 0
                                    

🦋 ENJOY READING, HONEYS 🦋

PUPUNGAS‐pungas pa si Dillon habang kaharap ang kaibigang si Darrius na hinatid ng isang yacht para lang marating kung nasaan niya inihinto ang barko.

"For fvck sake, Darrius! Four A.M na akong nakatulog tapos pinuntahan mo ako ngayong five! Sana hindi mo na lang ako pinatulog. Nahiya ka pa!" Busangot ang kaniyang mukha at galit na nakatingin sa kaharap.

Umingos lang ang kaibigan bago humithit sa sigarilyo nito. "Parang hindi ka naman sanay magpuyat."

Naningkit ang mga mata niya sa kaibigan. "Baka pwedeng matulog muna ako. Mamaya na lang tayong mag-usap. At isa pa." Tinuro niya ang sigarilyo nito. "Sa labas ka ng cabin ko manigarilyo!" Paasik na aniya.

Hindi nakanig ang kaibigan sa halip ay pabagsak nitong inihiga ang katawan sa kama na nasa loob ng cabin niya.

"I'm tired," mababa ang boses nito habang nakapikit na ang mga mata.

"I'm sleepy!" He said.

Ginising siya ng kaibigan kanina sa driving area dahil doon na siya nakatulog, pagkatapos ay hinila na siya ng kaibigan dito sa loob ng personal cabin niya. Gusto niyang magreklamo kay Darrius ay hindi niya magawa nang makita kung gaano kapagod ang itsura ng kaibigan.

"Magpahinga na muna—"

"—We can't! Kailangan nating buksan ang mga drum na iyon." Bumalikwas ng bangon ang kaibigan na akala mo ay biglang nagkaroon ng magic at biglang lumakas.

Nabitin sa ere ang likod niyang ihihiga na sana niya.

"C'mon, bud. Hurry!" Nagmamadali ang boses nito.

Naiiling na tumayo siya at sumunod sa kaibigang nauna nang naglakad palabas.

UMAWANG ang labi ni Dillon nang bumungad sa kaniya ang may kalakihang mga drum. Nasa cargo area sila ng barko.

"Ano ang mga ito?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan.

Hindi na nagsalita ang kaibigan at mabilis na isa-isang sinira ang mga padlock ng nakapalibot na kadena sa drum. Para mapabilis ay tumulong narin siya. Nang mabuksan niya ang isa ay halos mahulog ang puso niya sa gulat...

"Holy! What the heck?!"  Napalakas ang boses niya sa isang hindi katanggap-tanggap na imaheng tumambad sa kaniya. Nabitawan niya ang hawak na takip ng drum.

"We have to rescue them!" Hiyaw sa kaniya ng kaibigan. "ASAP!"

Napatingin siya sa mga drum na naroon. "At nasaan ang mga kasamahan mo? Tao pala itong karga-karga ko pero hindi ko alam! Bakit wala akong kasama rito habang naglalayag ako kanina? Edi sana nabuksan na nila isa-isa!" Hindi niya maiwasang hindi magalit.

What are those other agent thinking? Are they even thinking? They could've just told him earlier!

"Gawin mo na lang ang sinabi ko," seryosong sagot ng kaibigan.

Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kaibigan. "Nandidito itong mga taong 'to sa loob ng drum mula pa kanina! Hindi ba puwedeng no'ng isampa sila sa barko ay may naiwang rescuer dito para mailis na kaagad sila sa loob?!"

Huminga ng malalim ang kaibigan. "They are safe and alive kaya naman magsimula na tayo."

Hindi niya yata kakayanin ang trabaho ng kaibigan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang utak niya sa dami ng katanungan. Kung bakit si Darrius lang ang kasama niya? Kung sana ay marami sila ay mas mabilis nilang matutulungan ang mga taong...my god! Nasa loob ng drum!

Pinigilan niyang hindi makaramdam ng awa  nang makita ang puro kababaehang nakahubad at nakasiksik sa drum na parang ginawang basura. Umiigting ang kaniyang panga at hindi magawang tumingin ng diretso sa mga ito. Palala nang palala ang krimeng nagaganap! Huminga siya ng malalim at nag-fucos sa ginagawa.

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon