CHAPTER 15

357 9 0
                                    

🦋ENJOY READING, HONEYS🦋

PARA siyang nakahinga ng maluwang nang makarating siya sa inuupahan nilang apartment. Nang buksan niya ang pintuan ay naabutan niya ang mga kapatid na tila mga wala sa sarili dahil tahimik lang na nakaupo at nakatulala.

"What's up madlang people!" Masiglang bati niya.

Sabay-sabay ang tatlo na nag-angat ng tingin sa kaniya. Para ang mga itong nakakita ng multo pagkatapos ay sinugod siya ng yakap.

"Atee!" Sigaw pa ng mga ito.

Niyakap niya ng mahigpit ang mga kapatid. Ganoon din ang mga ito sa kaniya. Si Tala ang huling kumalas.

"Miss na miss na kita, ate," maluha-luhang sambit ng bunso nila.

"Totoo, te. Iyak nang iyak iyan," segunda ni Maureen.

Sinuklay niya ang buhok ni Tala gamit ang daliri niya. "Nandito na si ate. Mag-iingat na ako sa susunod. Pangako," saad niya bago hinalikan sa noo ang kapatid.

Tumuloy siya sa loob at naupo sa sofa. Isinandal niya ang likod sa kinauupuan at ipinikit ang mga mata habang yakap parin ni Tala ang isang braso niya. Ngayon lang lumalala ang pagkahilong nararamdaman niya kanina pa. Siguro ay dahil hindi naman siya sanay sumakay sa barko kaya siya nahihilo ngayon.

"May gusto kang kainin, ate?" Tanong ni Maureen sa kaniya.

Umiling lang siya. "Bigyan mo lang ako ng malamig na tubig," utos niya rito.

Mabilis naman itong tumalima. Kapagkuwan ay nagsimula nang magtanong ang kapatid niyang si Tala.

"Saan ka po pumunta?"

"May bad guys kasi na kumuha kay ate," panimula niya. Mataman namang nakinig ang kapatid. "Mabuti na lang ay may nagligtas sa amin—"

"Like a superheroo?" Namimilog ang mga matang tanong ng kapatid.

Natatawang inirapan niya ito. "Kaya ka pinagkakamalang anak ng mayaman, e. Natalo mo na si ate sa pag-i-ingles,"

Nagkamot ito sa pisnge.

"Superhero? Hmm?" Nagkunwari siyang nag-iisip. Bigla namang pumasok ang mukha ng binata sa kaniyang isipan. Mabilis siyang napangiwi. "Hindi," sagot niya.

"But he saved you," giit pa nito.

Kinunutan niya ito ng noo. "Wala pa akong sinasabi kung lalaki ba o babae ang nagligtas sa amin,"

Ngumuso ito. "Si ate talaga, oh. Sabi kasi sa english literature na nabasa ko, kapag hindi alam kung ano ang specific na katauhan ay gagamitin na lang ang 'he' instead of using 'he/she'. It should be used especially when you are writing a formal context," paliwanag ng kapatid.

Proud siyang napangiti kay Tala. "Ang galing naman ng bunso namin," natutuwang kinurot niya ang pisnge nito.

Aba! Ay anong alam niya sa formal‐formal context na iyan. Mabuti na lang talaga ay pinag-aral niya ang mga kapatid, nagkataon rin na matatalino ang mga ito. Masaya na siya roon, may maipagmamalaki na siya.

Iniabot ni Maureen ang isang baso ng tubig sa kaniya. Mabilis niya iyong tinanggap at ininom. Nararamdaman parin niya ang pagkahilo niya kaya naman nahiga siya sa sofa.

"I want to rest," aniya sa mga kapatid.

Umalma kaagad si Maureen. "Chaar! Si ate, nag-i-english, oh."

Natatawang inirapan niya ang kapatid. "Support na lang kayo. Gusto niyo talagang kayong tatlo lang ang nagkakaintindihan, e," kunawari ay nagtatampo niyang saad.

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon