🦋ENJOY READING, HONEYS🦋
NAGKAKAMOT sa ulong napatingin si Aubrey sa kusina nilang punung-puno ng groceries at kung ano-anong mga hindi naman kailangang pagkain. Umulan ng iba't ibang klaseng chocolates, mga marshmallow, gummy bears at mga makukulay na pagkaing pambata.
Namewang siya kay Maureen. "Bakit ang dami? Paano nagkasiya ang apat na libo?"
Ngumisi si Maureen. "Sabi ni kuya Dillon ay ibili na lang daw namin iyon ng mga gusto namin, isama rin daw namin si Tala at siya na ang bahala sa mga kailangan sa bahay," paliwanag ni Maureen.
Napatampal siya sa noo dahil sa sinabi nito. "Tuwang-tuwa naman kayo?"
Tumabi sa kaniya ang kasintahan. Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Ikaw naman! Dalawang sako ng bigas?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Wala akong balak na magtinda ng sari-sari store dito!"
Yumakap ito sa bewang niya. "Kalma ka lang, babe. Okay?"
Ngiting aso ang ibinigay niya rito. "Paano ako kakalma?! Sampung malalaking karton na grocery ang pinamili mo, isama mo pa iyong mga nakalagay sa plastic bags na meats," huminga siya ng malalim. "Hindi na magkasiya sa ref!" Bulyaw niya.
Ngumiti lang ito naglalambing na niyakap siya. "Edi bumili tayo ng mas malaki pa."
Bumuntonghininga siya. "Ini-stress niyo ako, ah. Kaloka ka kayo!"
Nagkatinginan sina Joyce, Maureen, at Dillon bago lihim na tumawa pero nakita rin naman niya.
"Kayong dalawa!" Turo niya sa dalawang kapatid. "Wala kayong baon nang isang linggo!"
"Nandiyan naman si kuya Dillo—"
Dinuro niya ang kasintahan. "Subukan mo silang bigyan! Unan ang makakatabi mo sa pagtulog!" Banta niya.
Kaagad na napanguso ang kasintahan. "But...babe—"
"Sa kuwarto na ako matutulog mama—"
Kaagad siya nito inawat. "Fine," napipilitang anito.
Pinagtaasan niya ito ng kilay.
"I swear," nangangakong anito.
Napatango-tango siya bago nagmartsa papunta sa salas kung nasaan si Tala na nanood.
Narinig pa niyang humingi ng tawad si Dillon sa mga kapatid.
"Sorry mga sis, ayaw ko pang matulog na hindi katabi ang ate niyo. Pero...kay Tala ko na lang ibibigay tapos doon niyo na lang kunin."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Aba'y naisahan yata siya ng lokong iyon?!
"Ate ang saya ko," sambit ni Tala.
Nagulat siya dahil sa narinig. Nabaling dito ang atensiyon niya. "Bakit naman?" Masuyo niyang tanong.
"Kasi lagi ko na kayong nakikitang masaya," anito habang ang tingin ay nakatutok parin sa pinapanood.
Ganoon na ba kahalata? Masaya naman siya dati pero mas sumaya lang siya ngayon.
Naramdaman niyang tumabi sa kaniya ang kasintahan. Kahit hindi niya ito lingunin ay alam na alam niya ang presensiya nito, kilalang-kilala ng ilong niya ang amoy ng binata.Naglalambing na hinilig nito ang ulo sa balikat niya. Kapagkuwan ay pareho silang natigilan nang tumunog ang cellphone nito mula sa bulsa. Nang ilabas nito iyon ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang umiilaw sa screen ang pangalang 'mom'.
Doon niya lang din naalalang nakilala niya na pala ang mga magulang ni Dillon pero hindi niya rito nasabi, nawala na si isipan niya.
"Mom's calling," anito bago sinagot ang tawag.
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
Ficção GeralAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...