CHAPTER 4

508 16 0
                                    

🦋ENJOY READING, HONEYS🦋 

MALAPAD ang ngiting nakaplaster sa mukha ni Aubrey habang nakatingin sa salamin. Inayos niya ang kuwelyo ng suot niyang uniform ng waitress. Nang matapos niyang lagyan ng kaunting liptint ang labi ay iginala na naman niya ang tingin sa kabuuhan ng Comfort room. Sa left side ay mga cubicle. Malawak ito, kahit ang mga salamin ay mukhang mamahalin. Mula sa tiles ng floor, bawat poste, mga ilaw. Alam mong hindi basta-basta ang presiyon niyon at sa kaisipang Comfort room palang iyon, napapailing na lang siya.

Tiningan niya ulit ang mukha sa salamin bago tuluyang lumabas at pumunta sa mga kasamahan niya. Hindi pa nagsisimula ang party o auction ba iyon kaya naman nasa isang silid sila, malapit sa cooking area at doon naghihintay ng kung anong iuutos sa kanila ng manager nila.

"Grabe! Bakit naman hindi tayo puwedeng gumala-gala muna sa labas, tutal ay hindi pa naman din nagsisimula." Pumadyak pa ang paa ng kasamahan nila.

Nasa isa silang silid at puwede niyang isipin na parang nakakulong sila. Bawal kasing lumabas muna maliban na lang daw kung pupunta sa banyo.

Sumabat naman ang kasama nito. "True! Sayang. Akala ko pagkakataon na natin to para masilayan ang ganda ng Villa Casino,"

Ang mga kasamahan niya ay nagsisimula nang mag-ingay habang siya ay nakaupo lang sa isang sulok at nagmamasid. Dalawampu't lima silang mga puro babaeng nasa loob ng silid na iyon. Sa pagkakaalam niya ay may screening pa munang naganap bago tuluyang makuha. Mabuti na lang ay ibinigay ni Seah ang puwesto nito sa kaniya kundi ay malabong makakapasok siya roon. Hindi niya alam kung saan ibinase ang screening pero base naman sa napapansin niya ay puro magaganda ang mga kasama niya. Magaganda ang pangangatawan at tindig.

"Matagal pa ba magsisimula?" Tila naiinip nang reklamong tanong ng isa sa kasamahan nila.

Napatingin siya sa pambisig na relo at napakunot ang noo. Oo nga, matagal pa bang magsisimula? Alas otso na ng gabi. Hindi ba dapat ay nasa labas na sila dahil may mga tao na roon? Dumating sila sa Casino kaninang alas-sais ng hapon. May nag-orient sa kanilang isang babaeng may katandaan na at sinabing dito raw muna sila. Babalik lang daw ito mamaya kapag magsisimula na sila sa kanilang trabaho.

"Nakakabagot na dito!"

"Gusto ko nang lumabas!"

"Kaloka naman!"

Napuno ng samu't saring reaksiyon ang mga kababaehang kasama niya. Nang lumipas ang isa pang oras ay halos hindi na maipinta ang mga mukha nila. Hanggang sa bigla na lang may pabalibag na nagbukas ng pintuan.

Sabay-sabay silang napatili dahil sa gulat at ganoon na lang ang takot nila nang makitang tatlong tao ang pumasok na nakamaskara, nakasuot ang mga ito ng kulay itim, mula sa maskara pababa sa sapatos, at nakatutok sa kanila ang kanilang mga dalang armas.

"Strip!"

Lahat yata ng dugo sa katawan ni Aubrey ay parang umalis sa katawan niya kasabay nang panlalamig ng mga palad niya. Bakas ang takot sa mukha ng mga dalaga na pilit na nagsusumiksik sa gilid. May mga impit na iyak siyang naririnig at mga hikbi.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi habang nakakuyom naman ang kaniyang kamao. Hindi niya na alam ang dapat na isipin sa sitwasiyon nila. Tila nablangko lamang ang utak niya at nilukob ng takot ang pagkatao niya.

Isinirado ng isa sa tatlo ang pinto at inilock iyon.

"Move!"

Boses iyon ng isang lalaking may malaking pangangatawan. Ang isang kasamahan nito ay hinila ang isang drawer sa gilid lang niya kaya naman napaurong siya sa mga kasamahan na hindi na nila namalayang magkakahawak kamay na pala sila.

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon