🦋ENJOY READING, HONEYS🦋
NANG matapos niya ang isang slice ng cake ay hindi na niya ininom ang kape niya, hindi niya kasi nagustuhan ang amoy. Uminom na lang siya ng tubig. Napasulyap siyang muli sa puwesto ni Dillon, labing limang minuto na ang nakalipas magmula nang mag-usap ang dalawa.
Nang maramdaman niya ang pantog niyang mukhang puputok na ay tumayo siya sa kinauupuan. Luminga-linga siya sa paligid kung saan ang daan papuntang C. R. Nang makakita ng isang waiter ay itinaas niya ang kamay, kaagad naman itong lumapit sa kaniya.
"Yes, ma'am?" Magalang nitong tanong.
"Saan ang daan papuntang comfort room?" Tanong niya.
Iginiya naman siya nito sa isang direksiyon hanggang sa makita niya ang sign board ng C.R.
"Sige, salamat," aniya.
Tumango ito at tipid siyang na ngumiti bago siya iniwan. Siya naman ay pumasok na sa pang-babaeng cubicle.
Nang matapos ay lumabas na siya sa cubicle at tinungo ang malaking salamin. Naghugas siya ng kamay at kumuha ng tissue na nakalaan sa gilid. Humarap siya sa salamin pagkatapos ay kinuha niya mula sa sling bag ang lipstint niya. Inayos niya ang buhok niya gamit ang kaniyang daliri bago lumabas sa banyo.
Habang naglalakad siya pabalik sa puwesto niya kanina ay natigilan siya ilang metro ang layo sa table ng dalawa nang makitang tumayo ang babae at bigla na lang hinalikan sa labi si Dillon.
Nanlaki ang mga mata niya at natulos sa kinatatayuan. Parang nanlabo ang paningin niya sa ginawa nito. Alam niyang wala siyang karapatang magalit pero nang akmang ihahakbang niya na ang mga paa tiyaka namang tumunog ang cellphone niya.
Kumunot ang noo niya sa Unknown number na umiilaw sa screen niya. Bigla siyang nilukob ng kaba sa hindi malaman na dahilan.
Nanginginig ang daliring sinagot niya ang tawag. Nawala ang atensiyon niya sa dalawa, hindi nakita ng dalaga kung paano itinulak ni Dillon palayo ang pangahas na babaeng humalik sa kaniya, ang head manager ng Lim Pharmaceutical.
"H-hello?" Kinakabahang tanong ni Aubrey sa kabilang linya.
"Kayo po ba si Aubrey Lozano ang ate ni Tala Lozano?" Tanong nang sa kabilang linya.
Kaagad siyang tumango. "Bakit po?"
"Pumunta na lang po kayo sa Tondo District Hospital. Nasa hospital po ang kapatid niyong si Tala Lozano."
Para siyang nabingi sa narinig. Muntik siyang mabuwal sa pagkakatayo pero tinapangan niya ang loob. Kailangan niyang makarating sa hospital ngayon din.
Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng restauarant. Nawala na sa isip ang binata.
"Babe!"
"Aubrey!"
"Aubrey!"
Rinig pa niyang sigaw ng binata sa pangalan niya pero ang tanging nasa isip niya ay ang kapatid.
Pagkalabas niya ay kaagad niyang pinara ang paparating na taxi. Kaagad siyang sumakay roon nang hindi nililingon ang iniwan niya.
Nang masabi niya sa driver kung saan siya pupunta ay napasapo siya sa noo. Nanlalamig siya sa nerbyos. Habang nasa byahe ay hindi siya mapakali sa kinauupuan niya, panay ang dasal niya na sana ay hindi naman malala ang nangyari sa kapatid niya.
"Manong...pakibilisan po," nagmamaka-awang hiling niya sa driver.
Hindi ito nagsalita pero naramdaman naman niyang bumilis ang takbo ng taxi.
Sa sobrang pag-aalala niya ay hindi na niya nakitang tumatawag na pala ang binata sa kaniya. Ang nasa isip niya na lang ay ang kalagayan ni Tala.
![](https://img.wattpad.com/cover/317119317-288-k403795.jpg)
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
General FictionAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...