CHAPTER 28

339 11 0
                                    

🦋ENJOY READING, HONEYS🦋

NAPAPAHILOT na lang sa sentido si Aubrey habang nakatanaw sa mga kapatid niyang pinalibutan si Dillon sa sofa. Nasa magkabilang gilid si Joyce at Maureen ni Dillon na nakaupo sa sofa, sa harapan naman nila si Tala na naka-upo sa wheel chair at nakaharap rin sa binata. Kanina pa na-hot seat ang binata, kung ano-anong tanong ang ibinato rito ng mga kapatid.

"Kayo na ni ate? As in? Pinatulan niyo si ate?" Malalaki ang mga matang tanong ulit ni Maureen na mukhang iniinis siya kaya naman lumipad sa mukha ng kapatid ang nadampot na laruan ni Tala.

Mabilis nitong nasalo iyon. Pinanlakihan niya ito ng mga mata samantalang tumawa lang ang mga ito.

"Stop teasing your ate. Baka ikaw na ang lumipad palabas," tumatawang awat ni Dillon sa kapatid.

"So..Doctor ka?" Tanong naman ni Joyce.

Hinarap naman ito ni Dillon at masuyong nginitian. "Yes, and I heard that you want to be a Doctor. Pursue it, I'll help you."

Nanlaki ang mga mata ni Joyce habang malapad na nakangiti. "Talaga po?"

Ginulo ni Dillon ang buhok ni Joyce at inaasahan niyang lalayo ang kapatid ngunit walang nabago sa masayang mukha nito.

"Piliin niyo kung anong gusto niyong kurso para wala kayong pagsisihan," anito sa mga kapatid.

"Bakit parang tunog nagsisisi po kayo sa pagiging doktor niyo?" Usisa ni Maureen.

Tipid itong ngumiti. "Hindi ko pinangarap na maging doktor. Ang gusto ko ay maglayag sa karagatan, ang maging seaman pero kasi..ang mommy at daddy ko ay doktor, nagkakilala si mommy at daddy sa amerika nang mag-apply si mommy sa hospital nina daddy and they fell in love. Both side of my parents and relatives are into medicine kaya naging doktor narin ako," pagkuwento nito.

"Masaya naman po kayo sa trabaho niyo ngayon?" Tanong naman ni Tala.

Tumango ito. "Yeah..being a doctor is not a simple job pero masaya ako na may mga natulungan akong tao. That made me stay as a doctor, realizing that I can give cure to those people in needs. Atsaka nakakapag-layag naman ako sa karagatan kapag vacation ko," he shrugged off his shoulder. "I'm happy at mas lalo akong sumaya nang makilala ko ang ate Aubrey niyo," masuyo itong ngumiti pagkatapos ay tiningan siya na nakamasid lang sa mga ito.

"Yeeyy!" Tudyo pa ng mga kapatid.

Nararamdaman niya ang pag-iinit ng pisnge.

"Hala! Si ate nag-ba-blush!" Tili pa ni Maureen.

Kaagad niyang sinamaan ng tingin ang kapatid. Tumawa lang ang mga ito. Parang kanina pa siya pinagkakaisahan?
Pero ang makitang maayos na kinakausap at itinatratong parang matagal nang magkakilala ni Dillon ang mga kapatid niya ay parang tinutunaw ang kaniyang puso, mas lalo iyong nahuhulog para rito. Hindi niya maramdamang napipilitan lang ito, nakikita niya ring komportable ang mga kapatid na kausap ang binata. 

Kapagkuwan ay nagpaalam siya sa mga ito saglit.

"Papasok muna ako sa kuwarto, hahanapan ko ng kumot at mahihigaan ang isang nagpapa-ampon dyan," pagpaparinig niya sa kasintahan.

"Oh! Please, ampunin mo na ako," tumatawang pakikisakay ni Dillon.

"Tse!" Pagtataray niya bago siya pumasok sa kuwarto.

Nang maisara niya ang pinto at lumundag siya sa malambot na kama at isinubsob ang ulo sa unan, doon ay impit na tumili. Nag-uumapaw ng kasiyahan ang kaniyang puso. 

"YOU didn't get a chance to meet your fathers?" Tanong ni Dillon sa mga kapatid ni Aubrey.

Ang tatlo ay tumango.

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon