CHAPTER 16

390 10 0
                                    

🦋ENJOY READING, HONEYS🦋

MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Joyce sa kaniyang braso habang naglalakad sila papasok sa baranggay hall. Kagagaling lang nila sa school. Pribado nilang kinausap ang adviser ng kapatid at naunawan naman nito ang kalagayan ni Joyce. Ipinagpaalam na niya kasi sa guro nito na liliban muna sa klase ang kapatid ng ilang araw. Hindi naman niya puwedeng pilitin kasi ang dalaga. Nakikita niya ang takot sa mga mata nito, ang pag-igtad nito sa tuwing nakakasalubong sila ng lalaki. Naawa siya pero nakikita niyang pinipilit nitong maging matapang sa kabila ng lahat.

Nangunot ang noo niya nang makapasok sila sa loob ay naabutan niya roon si Leon. Kulang na lang ay umusok siya sa sobrang galit na nararamdaman.

"A-ate..." nanginginig na sambit ng kapatid at wala sa sariling nagtago sa likod niya.

"H'wag kang matakot. Hindi kita pababayaan," kalmadong bulong niya sa kapatid. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito.

"..siya!" Tumayo si Leon habang nakaturo sa kaniya. "Siya ang may kagagawan nito sa akin, Kapitana!"

Sa likod ni Leon ay may katandaan ng ginang at dinuro rin siya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Muntik mo nang mapatay ang anak ko!"

Tumaas ang kilay niya. "Magpasalamat ka na lang at buhay pa!"

May namagitan sa kanilang mga nagtatrabaho sa baranggay.

"Kumalma po muna tayo, hindi tayo magkakaintindihan dito," mahinahong pakiusap ni Kapitana Rogenia, may katandaan narin ito, malapit na siguro sa fifties ang ginang. Ibinaling nito ang tingin sa kaniya at inimuwestra ang upuan sa kanilang dalawa. "Maupo kayo."

Sumunod sila ng kapatid. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at tinumbok na ang pakay.

"Hindi maganda ang araw ko, Kapitana kaya hindi kita babatiin nang Magandang araw. Pumunta ako rito para sana magpa-blotter pero naunahan na pala ako ng hayop na ito!" Mahigpit na nakakuyom ang kamao niya nakapatong sa kaniyang hita.

"Anong maitutulong ko sa'yo?" Tanong ng Kapitana.

Agad na umalma si Leon. "Ako ang biktima rito!"

"Tss! Kalalaki mong tao pero dinaig mo ang babae kung umasta," kalmadong aniya.

"Narinig ko na ang statement ni Lando Salcedo, ngayon naman ay pakikinggan ko ang sa inyo," pormal na saad ng Kapitana.

Tinapik niya ang balikat ng kapatid. "Kaya mo ba?"

May takot siyang nabasa sa mga mata ng kapatid pero tumango parin ito. Tinanguan niya ito.

Nagsimulang magkuwento ang kapatid niya.  Kung ano ang kinuwento nito sa kaniya kanina ay ganoon parin ang sinabi nito. Nang matapos magsalita ang kapatid ay tahimik lang ang nanay ni Lando o mas kilala sa tawag na Leon. Mukha lang itong hayop pero hindi naman mabangis!

"Bakit siya maraming sugat na natamo?" Tanong ng Kapitana.

Siya na ang sumagot. "Narinig kong sumisigaw ang kapatid ko ng tulong. Nang makapasok ako sa looban ay may mga naabutan akong nag-iinoman lang sa gilid at hindi man lang nagawang lingunin ang kapatid kong humihingi ng tulong." Hinarap niya ang lalaking may putok na labi at namamaga ang pisnge, namumula ang tenga siguro ay dahil iyon ang mga parte ng mukha nito ang natamaan niya kanina. "Nakayapos ang mga braso niya sa kapatid ko at gaya ng kuwento ng kapatid ko, gumagawa ng kalasuwaan ang kamay nito sa katawan ng kapatid ko!"

Hinarap ng Kapitana si Leon at bumuntonghininga ito. "Ikaw na naman Lando Salcedo." Napahilot pa sa sentido ang ginang. "Ganito rin ang reklamo sayo last year, tapos inulit mo na naman? Kung ako lang ang nanay ng batang binastos mo noon ay hindi kita patatawarin at hahayaan kitang makulong, pero nasa biktima naman ang desisyon kung anong gusto nilang mangyari,"

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon