CHAPTER 20

374 10 0
                                    

🦋ENJOY READING, HONEYS🦋

NANGINGITING pumasok siya sa eskenita. Hindi na siya nagulat nang makita ang mga mosang at mukhang siya na naman ang magiging sentro ng topic pero kahit ganoon ay hindi nasira ang mood. Nilampasan niya ang mga ito nang hindi tinatapunan ng tingin.

Nang makapasok siya sa bahay ay nasa kusina ang mga kapatid niya at nag-aalmusal na.

"Good morning, ate," magiliw na bati sa kaniya ni Tala nang makita siya nito.

Linapitan niya ang mga ito. "Tulungan niyo akong magligpit ngayon, bukas ay lilipat na tayo," imporma niya sa mga kapatid.

Masayang napatili si Maureen at Tala samantalang tipid na ngumiti naman si Joyce.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Joyce?" Tanong niya sa kapatid.

Tipis siya nitong nginitian. "Magiging maayos din ako, ate. Makakalimutan ko rin iyon," sagot nito sa tanong niya.

Napatango-tango siya at kinurot ng bahagya ang pisnge nito. "Sige na, mag-almusal na kayo, tapos na ako, e."

Tumayo siya at kinuha ang heater nilang may laman pang mainit na tubig. Nagtimpla siya ng kape dahil hindi talaga kompleto ang araw niya kapag hindi siya nakakainom.

Habang hinahalo niya ang kape ay nanuot kaagad sa ilong niya ang aroma niyon. Mabilis niyang naitabi ang baso sa mesa at napatakbo sa lababo at doon naisuka ang lahat ng nakain niya. Nang matapos ay hinang-hinang nagmugmog siya ng tubig.

Mabilis siyang dinaluhan ng mga kapatid.

"Ayos ka lang, ate?"

Halos sabay-sabay na tanong nang tatlo.

Tumayo siya ng tuwid kahit medyo nahihilo pa siya at parang hinahalukay parin ang tiyan niya.

"O-oo, kulang lang siguro ako sa tulog," pagsisinungaling niya sa mga kapatid.

"Eh, kung matulog ka na lang kaya muna? Kami na ang mag-aayos sa mga gamit natin, iyong kaya lang namin," suhestiyon ni Joyce.

Tumango si Maureen. "Sige na, te. Itulog mo na iyan."

Tinanguan niya ang mga kapatid bago nagmamadaling umalis sa kusina nila. Pakiramdam kasi niya ay masusuka ulit siya habang naamoy niya ang kapeng tinimpla niya.

Nahiga siya sa sofa at ipinikit ang mga mata. Nakatulog naman siya ng maayos kagabi kahit late na pero wala naman siyang ginawang trabaho pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.

Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nang magising siya ay ten A.M na. Kinusot niya ang mga mata bago bumangon. Agad niyang nakita ang mga kapatid na inilalagay ang mga gamit mula sa cabinet sa malaking sako-bag.

Nag-inat siya bago dinaluhan ang mga kapatid. Tumulong siya sa paglilipat ng mga gamit nila sa sako-bag. Mamayang hapon na siya magpapaalam sa care taker ng inuupahan nilang apartment. Sa ngayon ay aasikasuhin muna niya ang mga gamit nila.
Hindi naman karamihan ang gamit nila.

Nang magtanghali ay itinigil muna nila ang ginagawa, nagluto siya ng tanghalian nila, samantalang nagpahinga naman ang mga kapatid. Nang makapagluto ay tinawag na niya ang mga ito at sabay-sabay silang nag-salo.

Habang kumakain sila ay napatingin siya sa mga kapatid. Napaka-simple lang naman ng buhay nila, ang tanging gusto niya lang ay sumaya ang mga kapatid, ang makapag-aral ito, makuha ang gustong trabaho at magkaroon ng magandang buhay. Hindi siya nangangarap para sa sarili niya, nangangarap siya para sa mga kapatid niya. Lumaki silang hindi nila kilala ang mga ama at halos hindi rin nila kilala ang kanilang ina kaya naman hangga't kaya niya ay pinupunan niya ang pagkukulang ng mga magulang nila sa mga kapatid. Alam niyang mahirap mabuhay nang walang kinikilalang magulang, masakit makarinig ng tanong kung sino ba ang tatay nila kasi alam nilang iyon ang katanungang hindi na nila masasagot kahit kailan.

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon