ENJOY READING, HONEYS🧡
TANGHALI NA nang magising ang dalaga. Nanakit man ang katawan ay pinilit niyang bumangon. Ikaw ba naman kasi ang sumayaw araw-araw, talagang mananakit ang katawan mo, lalo na ang balakang niya.
Napatingin siya sa hinigaang parte ng mga kapatid niya. Wala na roon ang mga kapatid at sanay na siya. Maaga ang mga iyong gumigising para pumasok sa skewala.
Tumayo na siya at iniligpit ang unan at sapin na ginamit niya sa pagtulog. Nang matapos ay pumunta siya sa kusina para magluto nang almusal niya— na tanghalian narin. Nang makarating siya sa mesa ay binuksan niya ang plastic na food cover at doon ay nakita niya ang isang platong may lamang ilang pirasong luto ng hotdog. Kinuha niya ang plato at binuksan ang rice cooker. Nang makitang may natira pang kanin ay sinandok niya iyon at inilagay niya sa platong hawak. Nang matapos ay inilapag niya iyong muli sa mesa at nagtimpla naman siya ng kape. Hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi siya nakapag-kape, sumasakit ang ulo niya kapag nakakalumutan niyang uminom.
Tahimik siyang kumain at nang matapos ay hinugasan niya ang lahat ng naiwang plato sa lababo. Pagtapos niyang maghugas at maglinis sa kusina ay saka lang siya naligo. Lalabas muna siya para mag-grocery.
Pagkalabas niya sa boarding house ay hindi niya mapigilang hindi magtaas ng kilay sa mga tsismosa niyang mga kapit-bahay. Wala nang ibang ginasa kundi ang maliitin siya.
"Hay naku! Kung ako sayo ay magbagong-buhay ka na lang."
Pagpaparinig ni Myrna sa kaniya. Kasama nito ang mga ka-grupong sina Siony, Rita at Belen. Nasa gilid sila ng daan, si Siony ay may dala pang walis tingting na naka-ipit sa siko. Umingos siya, hindi naman naglilinis ang mga iyon.
"Wala na po akong babaguhin sa buhay ko," aniya.
Kung hindi niya lang naiisip na mas matatanda pa rin ang mga ito sa kaniya ay baka matagalan na niya silang kinalbo! Kay tatanda na pero hindi na lang ayusin ang sariling buhay.
"Sayang ka, hija."
Kunwari ay concern na saad naman ni Belen.
Napairap siya. "Bakit naman ako nasayang?" Pagak siyang natawa bago napailing. Ayaw niyang ma-highblood na naman sa mga tsismosang-inang iyon!
"Magtrabaho ka ng disente," ani Rita.
Saglit siyang tumigil. "Bakit hindi na lang kayo ang magtrabaho?!" Tumaas ang kaniyang boses kaya naman napahugot siya nang hininga bago nag-dere-deretso na nang lakad palabas sa eskenita. Rinig-na-rinig niyang pinag-uusapan pa siya ng mga ito pero deadma na lang.
Pagkalabas niya sa eskenita ay may nag-aabang ng mga trycicle doon.
"Palengke po," saad niya sa driver.
Nang makitang tumango ito ay doon lang siya sumakay. Pagkalipas nang ilang minuto ay nakarating din sila sa palengke. Dumukot siya sa wallet nang bente pesos at ibinayad iyon bago bumaba. Naglakad siya papunta sa grocery store na palagi niyang pinapasukan. Pagkapasok niya ay dumampot na siya ng basket niya at naglibot. Kumuha siya ng isang sachet ng shampoo, ganoon rin sa toothpaste. Mga sabong panlaba, powder, barita. Pagkatapos niya roon ay iginilid niya muna ang basket na may lamang mga sabon at kumuha naman siya ng panibago.
Pumunta siya sa mga delata. Ilang delata rin ang inilagay niya sa basket pagkatapos ay sa mga biscuit naman siya. Inihahanda niya iyon para sa mga kapatid. Kumuha siya nang dalawang magkaibang pack ng sandwich biscuits bago siya napunta sa mga noodles. Kumuha siya roon ng ilang piraso pagkatapos ay doon naman siya sa mga hotdog.
Nang mabili na niya ang lahat ng kailangan ay pumila na siya sa counter. Nang makapagbayad siya ay at malagay sa dalawang plastic ang mga pinamili niya ay lumabas na siya bitbit ang mga iyon. May kabigatan ang dala pero sanay na siya. Mabuti na nga't mabigat na grocery ang bitbit niya ngayon, hindi katulad noon na mabigat na sako ng kalakal ang binibitbit niya.
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
General FictionAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...