🦋ENJOY READING, HONEYS🦋
MAHIMBING Ang naging tulog ng dalaga kaya naman nang magising siya ay napakagaan ng pakiramdam niya. Akamang babangon siya nang mapagtantong may maugat na brasong nakapatong sa bewang niya. Napapikit siyang muli at ninamnam ang init na hatid ng katawan nito sa kaniya. Kapagkuwan ay naramdaman niyang gumalaw ang braso nito at mas lalong hinapit siya. Para nang mapupugto ang kaniyang hininga. Nararamdaman niya ang dulo ng ilong nito sa kaniyang batok.
Mahina itong umungol at nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang itong dumagaan sa kaniya habang nakatagilid parin siya.
"Hmmm...my pillow, it smells like my babe," he murmured.
Napangiwi si Aubrey. Napagkamalan siyang unan at talagang dinaganan pa. Ang ulo nito ay nakapatong sa balikat niya, medyo nakabaluktot ang mga tuhod nito sa kama at damang-dama niya ang matigas na bagay na iyon sa balakang niya. Ang aga-aga pa!
Mahina niyang tinampal ang braso nito. "Wala ka naman sigurong balak na durugin ako, noh?" May halong sarkasmo niyang panggigising rito.
Mahina itong dumaing at isiniksik ang ulo sa kaniyang leeg. "Hmmm.."
Napabuga siya ng marahas na hininga. Nakakakiliti ang ang hininga nitong tumtama sa kaniyang balat.
Tinampal niya ulit ang balikat nito nang may kalakasan. "Gising na!"
Lumipas ang ilang segundo ay hindi parin ito gumagalaw kaya naman walang pasabing itinulak niya ito. Aba! Gagu ba ang binatang ito? Hindi na nga siya makahinga ng maayos kapag malapit ito, iyon pa kayang pinatungan siya?
Umusog siya ng higa, nag-iwan ng espasiyo sa pagitan nilang dalawa. Tinitigan niya ang mukha ni Dillon. Kahit saang anggulo niya silipin ay wala siyang makitang kapintasan, kahit nakanganga pa ito matulog, mas gumwapo pa. Napaka-unfair nga naman!
Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata. Huli na para mag-iwas pa siya ng tingin dahil nahuli na siya nitong nakatitig.
"Good morning, babe," he greeted with his voice hoarse.
Wala sa sariling nakagat ni Aubrey ang pang-ibabang labi. Napaka-sexy pakinggan ng boses nito sa umaga. Mapapamura ka talaga kahit maaga pa.
Akmang babangon siya nang bigla siya nitong daganan at hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata niya at kahit gusto niyang igalaw ang labi katulad nang ginagawa nito ay pinigilan niya ang sarili dahil baka mabaho ang hininga niya. Hindi katulad nang kay Dillon, ang sarap at bango parin, umagang-umaga.
Tumigil ito nang mapansing para lang siyang bato sa ilalim.
"Kiss me back, babe," he demanded.
Akmang hahalikan siya ulit kaya lang ay tinakpan niya ng kamay ang bibig at bumalikwas ng bangon dahilan para mapaupo rin ito.
She saw pain crossed on his eyes.
"Maghihilamos lang ako," mabilis niyang paalam.
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Patakbo na siyang naglakad papasok sa banyo. Nang maisara niya ang pinto sa likod ay tumakbo siya papunta sa banyo kung saan ang half-body-size mirror.
Kitang-kita niya ang pamumula ng pisnge. Damang-dama niya rin ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Huminga siya ng malalim bago naghilamos ng malamig na tubig para magising na siya sa kahibangan niya.
Nang matapos maghilamos ang magmugmog ay ilang minuto pa siyang nagtagal sa loob ng banyo. Pabalik-balik ang lakad niya at hindi alam kung lalabas na ba o hindi pa. Mukha namang mayroon siyang choice! Malamang ay kailangan niyang lumabas at harapin ang binata.
BINABASA MO ANG
Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5)
General FictionAubrey Lozano, once a young girl who dreamt to be a flight attendant someday but due to the fact that they are living in a place where you must die to earn a single centavo, and strive to feed your stomach, she had long given up about her dream. At...