CHAPTER 27

397 11 0
                                    

🦋ENJOY READING, HONEYS🦋

KINABUKASAN ay na discharged na ang kapatid niya sa hospital. Bukod sa mga gamot isang wheel chair na binili ng mag-asawang Conley ay wala namang nabayaran pa sa hospital dahil libre naman iyon, sakop na ng gobyerno.

Inalalayan niyang makababa ang kapatid sa taxi, bago maingat na pinaupo sa wheel chair. Matapos niyang magbayad sa taxi driver ay itinulak na niya ang wheel chair kung nasaan ang kapatid papasok. Kagabi ay binilinan niya ang mga kapatid na huwag nang lumabas o magbubukas ng pinto sa kung sino. Natatakot siya na baka balikan sila ng mama nila at kunin na lang bigla ang mga kapatid niya nang hindi niya nalalaman. Gusto niyang makita ang ina, itanong kung ano nang balak nito sa buhay. Gusto niya ring hilingin sa ina na hayaan na lang silang magkaroon ng simpleng buhay, tutal ay nagawa naman nila iyon kahit wala ito.

Sumakay sila sa elevator at bumaba sa fifth floor. Itinulak niya ulit ang wheel chair ng kapatid papunta sa room nila. Nang ilang metro na lang ang layo nila sa pintuan ay kumunot ang noo niya nang may makitang lalaking nakasandal sa pintuan at natutulog.

Binilisan niya ang pagtutulak sa kapatid at habang papalapit siya ay doon niya lang nakilala na si Dillon pala ang nakasalampak sa tile floor.

"Si kuya Dillon po ba iyan, ate?" Gulat ring tanong ng kapatid.

Hindi siya sumagot. Nang tuluyan silang nakalapit ay pansamatala niyang iniwan ang kapatid, umuklo siya sa gilid ng binata. Kung ano ang suot nito kahapon nant iwan niya ay iyon parin ang suot hanggayon ngayon. Magulo ang buhok nito at mukhang stress na stress na sa buhay.

Pinatunog niya ang dila habang napapailing. Marahan niyang tinapik ang pisnge nito. Kaagad namang namulat ang namumungay nitong mga mata, ang ilalim ay bahagyang nangingitim, mukhang walang tulog.

"B-babe?" Mahina at namamaos nitong tawag.

Napabuntonghininga siya. "Bakit ka ba nandiyan?" Naiinis na tanong niya. "Hindi ka ba nag-iisip?"

Sa halip na sagutin ay mahigpit siya nitong niyakap. "I'm sorry. I'm sorry—"

Hinawakan niya ang balikat nito at malakas na itinulak palayo sa kaniya. "Bakit ka nag-so-sorry?"

"About yesterday. I know you saw that woman kissed me but I swear." Itinaas pa nito ang kamay sa ere. "I pushed her away. She's nothing but a—"

"Bakit ka ba nagpapaliwanag?" Bumuga siya ng marahas na hininga.

Umawang ang labi nito. "I have to tell you—"

"Wala naman akong karapatang magalit. Ipapaalala ko lang kung anong meron tayo." Matunog siyang napalunok. "PA mo lang naman ako, walang TAYO para magalit ako at magpaliwanag ka—"

"Binibigyan kita ng karapatang magalit. Babe, claim me as yours as I claim you mine. I was gone crazy last night thinking about you—"

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng binata. "Mamaya na tayo mag-usap. Ipapasok ko muna sa loob ang kapatid ko," imporma niya.

Para namang doon lang ito natauhan at kaagad na sinilip ang kapatid niya na palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Kaagad na tumayo ang binata at linapitan ang kapatid niya. "I'm sorry, little kitty."

Tinangala ni Tala si Dillon sa likod nito. "Ayos lang po. Ipasok niyo na lang ako para makapag-usap na kayo ng ate ko," saad ng kapatid.

Nagkatinginan sila ng binata bago siya bumuntonghininga. Ginamit niya ang duplicate-key para mabuksan ang pintuan. Niluwagan niya ang siwang niyon para maayos na makapasok ang wheel chair na tinutulak ng binata.

Aubrey: The Stripper (Dark Series Book 5) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon